Pasilip-silip ako sa may mansion nang makita ako ni Manang Gloria, ang mayordoma sa aming bahay. " Aviiiiireeee! " sigaw nito na mabilis tumakbo at pinagbuksan ako ng gate na ikinatawa ko, ganun parin ang bigkas niya sa pangalan ko. " Ikaw talagang bata ka, namiss kita! " masiglang sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit. " Kumusta po Manang? " tanong ko dito. " Ay naku, okay naman. Ikaw ba? Kumusta ka? Ang tagal mong hindi dumadalaw dito. " sabi nito at magkaakbay kaming naglakad papasok ng bahay. " Mahabang kwento po, sila mama at paa po? " tanong ko dito. " tamang-tama ang dating mo, nariyan lang sila at wala silang pasok sa opisina. " sagot nito, bigla akong kinabahan. Parang biglang umurong yung tapang ko kanina. Nang makapasok ay napatingin ang dalawang matanda sa amin, nasa sa

