Tatlong araw na ang nakakalipas at naka-off parin ang aking cellphone, nagpasya akong maglakad-lakad sa mall at bumili ng kung anu-ano dahil binalik na ni papa ang aking mga atm, may binigay din si Calix bago ito umalis pero wala akong balak galawin yun at naroon lamang sa kwarto ko Nang mapagod ay naalala kong bisitahin si Jaycee, ang tagal ko naring hindi nakukumusta ito. Namimiss ko na sila ni Farrah, sana okay na si Farrah at Zane para makabalik na dito. Nang marating ang condo ni Jaycee ay agad akong nagdoorbell pero napakunot noo ako nang bumungad sa akin ang isang babaeng naka-loose t-shirt at short na maikli at ang buhok ay naka-messy bun na bumagay sa kanya. She's beautiful at maging siya ay kumunot ang noo nang mapagbuksan ako. " Ah, hi! I'm Avery, Jaycee's friend. Nandyan ba

