Ang Rebelasyon sa Pagtataksil
Nagising si Calla dahil sa nakakasilaw na liwanag. Tumatama sa kanyang makinis na mukha. Tumayo si Calla at agad pumasok sa banyo para maligo.
Nararamdaman niya ang resulta sa magdamag na pag-iinom. Tandang tanda pa niya ang kaganapan sa nakaraang gabi.
Sabik na sabik siyang pumunta sa condo ni Reden para surpresahin ito sa kanyang pagdating. Hindi na niya pinaalam dito ang kanyang pagdating mula sa Italy. Halos dalawang taon din siyang nawala para tuparin ang kanyang pangarap.
May sarili siyang access sa condo ng nobyo dahil isang taon din siyang nanirahan dito noon.
Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ni Calla ang matamis na ngiti ng sekyu. Biglang naglaho ang maluwang na pagkangiti nito ng dumating si Calla.
Ma'am Calla! Good Morning!
Kailan ka pa dumating Ma'am?
Usisa ng Sekyu.
Ngayon lang Manong dito na ako nagderitso. Si Reden po? Sa Condo ba siya?
Tanong ni Calla na bakas ang pananabik sa nobyo.
Ah! Eh! Hindi ko alam ma'am.
Nauutal na sagot ng sekyu.
Deritso na lang ako sa taas Manong!
Paalam ni Calla.
Naninibago si Calla sa kilos ng guard dahil mukha itong nabigla sa kanyang pagdating. Hindi na iyon pinagtuonan ng pansin ni Calla at nagtuloy tuloy siyang pumasok sa Condo ng nobyo.
Agad pinindot ni Calla ang kombinasyon ng numero para mabuksan ang pinto ng Condo ni Reden.
Ganoon pa rin ang ayos ng Condo nito. Maaliwalas at malinis ang pagkalatag ng kagamitan. Si Calla mismo ang nagdisenyo ng loob nito. Nagtapos si Calla ng Interior Design sa Italy at doon niya rin napili na kumuha ng Master Degree.
Paminsan minsan ay binibisita naman siya ni Reden doon dahil abala rin ito sa negosyo ng kanyang pamilya.
Nahagip ng paningin ni Calla ang dalawang wine glass na nakapatong sa lamiseta sa sala.
Bigyang kinabahan si Calla dahil may nakita siyang Signature Bag doon sa couch.
Agad humakbang si Calla papunta sa silid ng nobyo. Malakas ang kalabog ng kanyang dibdib. Pikit mata na binuksan ni Calla ang pinto ng silid ni Reden.
Pagbukas ng mata ni Calla ay bumulaga sa kanya ang nobyong mahimbing na natutulog. Nakayakap pa ito sa beywang ng babae na hubo’t hubad.
Si Calla ang uri ng babae na mataas ang pagpapahalaga sa moral at mataas na pinag-aralan nito. Hindi niya ugali ang maging taklisa at bastos. Sa kabila ng kanyang natuklasan ay pinairal pa rin nito ang pagiging propesyunal.
Naglakad siya ng dahan dahan at kinuha ang remote control para itaaas ang kurtinang nakatabing sa salamin na nagsisilbing harang sa bintana. Nagising si Reden at katabi nitong babae. Napabalikwas si Reden ng makita niya si Calla na nakatayo sa gilid ng kanyang kama.
Surprise! Mahal!
Sigaw ni Calla na may halong pagtitimpi.
Mahal! Kailan ka pa dumating?
Usisa ni Reden na may matinding pagkagulat.
Ngayon lang mahal! Balak ko sana surpresahin ka pero mas matindi pala ang inihanda mong surpresa sa akin.
Sagot ni Calla na may halong pagtitimpi.
Napatakip ng kumot sa kanyang katawan ang kasama ni Reden na kilalang kilala ni Calla. Si Veron na isang modelo at endorser ng kompanya na pinapamahalaan ni Reden.
Miss Calla! Huwag ka magalit. Isang mis-understanding lang ang nangyari.
Paliwanag ni Veron.
Mahal! Please! Huwag mo akong husgahan. Wala kaming relasyon ni Veron.
Pagmamakaawa ni Reden sa nobya.
Ituloy n'yo na lang ang ginagawa mo Reden. I mean! Ang ginagawa niyong kataksilan na dalawa. Let's call it's over!
Wala ka ng dapat ipaliwanag, klarong klaro ang ginawa mo.
Pahayag ni Calla sa nobyo.
Agad lumabas si Calla sa unit ng nobyo, kinuha niya ang kanyang bag at agad na lumakad paalis. Ayaw na ayaw niyang ipakita dito ang kanyang kahinaan bilang babae. Sa kabila ng umaalab na emosyon ay nagawi pa rin niyang magtimpi.
Sumuot ng boxer si Reden para habulin ang nobya ngunit mabilis itong nakababa gamit ang access elevator.
Pagdating sa ibaba ay naabutan niya ang guard na halata ang pagkapahiya sa dalaga. Hindi ito makatingin ng deritso.
Ma'am Calla, pasensiya na kong hindi ko agad sinabi sa iyo.
Paliwanag nito.
No worries Manong! Ginagawa mo lang ang trabaho mo. Aalis na ako! Pakialalayan na lang ang sekretarya ko para kuhanin ang natitira kong gamit sa unit ni Reden. See you around Manong.
Saad ni Calla sa sekyu na naging mabait sa kanya.
Ingat ka Ma'am Calla!
Paalam ng Sekyu sa dalaga.
Mabilis na naglakad si Calla para makalayo sa Condo ni Reden. Sigurado na susundan siya nito para magpaliwanag.
Agad niyang tinawagan ang kanyang driver para magpasundo. Ayaw niyang may makakita sa kanya na umiiyak. Hindi iyon tugma sa katulad niyang may pangalan na inaalagaan.
Tumunog ang kanyang selpon at rumihistro ang pangalan ni Reden. Agad pinindot ni Calla ang numero ng kanyang nobyo para ma-block ito.
Pagdating ng kanyang driver ay agad itong umusisa bakit siya nandoon. Matagal na rin itong naninilbihan sa kanyang pamilya kaya parang partidos na ang turing niya dito.
Ma'am Calla bakit napauwi ka agad? Bakit ka nandito?
Usisa ni Froilan na kanyang driver.
Dalhin mo na lang ako pauwi Froi, masama ang pakiramdam ko.
Pagdadahilan ni Calla sa driver na itinuring na rin niyang kapamilya.
Hindi na ito nag-uusisa dahil alam niyang may pinagdadaanan ang among babae.
Pagdating sa mansion ng kanyang magulang ay agad siyang sinalubong ni Donya Carlota na kanyang Ina.
Akala ko ba ay mamaya ka pa uuwi?
Usisa ng kanyang mommy.
Hindi na nakasagot si Calla at agad napahagulgul sa harapan ng kanyang Mommy Carlota.
Niyakap ni Donya Carlota ang kanyang anak na halatang matindi ang pinagdadaanan.
Hali ka anak sa loob para mapag-usapan natin ng masinsinan ang problema mo.
Pag-aaya ni Donya Carlota sa anak.
Agad inusisa ni Donya Carlota si Calla sa dahilan bakit ito umiiyak.
Mommy! All this time ay niloloko pala ako ni Reden. Nakita ko mismo ang kataksilan niyang ginagawa habang wala ako.
Paglalahad ni Calla sa Ina.
Pinakita ni Calla sa kanyang Mommy Carlota ang kuha niyang larawan habang katabi ni Reden ang babaeng kaulayaw nito.
Humanda ang Reden na iyon kapag nakita ko. Ang lakas ng loob niya para tarantaduhin ang Prinsesa ko. Sigurado na bugbog ang aabutin niya kapag nalaman ng dalawa mong Kuya ang ginawa ng gagong Reden na iyon. Noon pa ay hindi na ako pabor sa lalaking iyon. Ang Daddy mo lang naman itong nagpipilit sa lalaking iyon. Iiyak mo lang ang nararamdaman mo anak. Lumabas ka mamaya kasama ang mga kaibigan mo. Uminom kayo! Makakabangon ka rin anak! Maniwala ka!
Pagpapalakas ni Donya Carlota sa kanyang anak.
Ganoon nga ang ginawa ni Calla kinagabihan. Sinamahan siya ni Rhian na kanyang matalik na kaibigan. Nagwalwal silang dalawa sa magdamag hanggang naibuhos ni Calla ang kanyang mga luha.
Huli na ang pag-iyak ko kagabi! Pagsisihan mo Reden ang ginawa mong panloloko sa akin. Pagbabayaran mo ng mahal ang pagyurak mo sa aking pagkatao. Pagkatapos kong ipagkatiwala sa iyo ang lahat. Ipinagkatiwala ko ang aking sarili dahil ang buong akala ko na paninindigan mo ako hanggang huli.
Saad ni Calla sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin. Namumugto ang kanyang mata dahil sa pag-iyak.
Naantala ang pagmumuni ni Calla ng katokin siya ng kanilang kasambahay.
Ma'am Calla! May bisita ka sa ibaba, papasukin ko ba?
Paalam ng kasambahay.
Sino ang naghahanap sa akin Manang?
Sagot ni Calla sa kasambahay.
Si Sir Reden po! May dalang bulaklak po para sa iyo.
Saad nito.
Itapon mo sa basurahan! Titingnan kita dito sa bintana. Kailangan ipakita mo sa lalaking iyon na tinapon mo. Pakawalan mo ang mga aso tapos ipalapa mo ang lalaking iyon.
Utos ni Calla sa katiwala.
Oo! Ma'am Calla! Masusunod po.
Sagot ng kasambahay.
Bumaba ang kasambahay dala ang bulaklak na pinapabigay ni Reden. Tinapon niya ito sa basurahan na nandoon sa hardin. Pagkatapos ay pinakawalan niya ang naglalakihang mga aso na agad lumapit sa gate para itaboy si Reden.
Sir umalis ka na dahil ipapalapa ka ni Ma'am Calla sa aso kapag hindi ka umalis.
Pahayag ng kawaksi.
Kitang kita ni Calla si Reden na nakatingin ito sa kanyang silid. Mababakas sa mukha nito ang pagkadismaya dahil nabigo itong makaharap si Calla.
Aminado naman si Calla na hindi habambuhay na makakaiwas siya kay Reden dahil affiliated ang kompanya ng Daddy niya sa negosyo ng pamilya ng lalaki.
Tumunog ang selpon ni Calla at nakita niya ang pangalan ng kanyang malapit na kaibigan.
Sis! Nagpunta si Reden sa bahay. Nagtatanong kung kelan ka babalik ng Italy.
Paglalahad ni Rhian.
Anong sinagot mo?
Usisa ni Calla.
Wala! Ayaw kong makialam sa away niyo. Alam mo naman ang ugali ko Sis.
Paglalahad ni Rhian.
Very Good! Sissy! See you later! Shopping Spree tayo mamaya. Bye!
Pamamaalam ni Calla.
Pagbaba ni Calla ay nandoon na ang kanyang mga Kuya at magulang. Nag-iisang babae kaya busog sa pagmamahal ng pamilya.
Ipinaghila si Calla ng kanyang Kuya Dylan ng upuan.
Tarantado ang Reden na iyon! Ayaw nga namin madapuan ka ng ultimong lamok noon tapos gaganyanin ka lang niya.
Saad ni Dylan.
Mamaya Kuya! Abangan natin sa labas ng kanyang opisina. Pagtulungan natin bugbogin.
Sabat ni Yanzy na sumunod sa panganay na si Dylan.
Tumigil nga kayong dalawa na magkapatid. Hindi ko kayo pinaaral sa Amerika para maging basagolero. Malaki na ang kapatid niyo. Normal lang na pagdaanan niya ang mabigo at masaktan.
Pangangaral ni Don Vergel sa dalawang binata na anak.
Tama ang inyong Daddy Vergel, hayaan n'yo si Calla na magdesisyon para sa kanyang sarili.
Pagsang-ayon ni Donya Carlota sa mister.
Anong plano mo Calla? Ngayong hiwalay na kayo ni Reden? Ayaw ko ng balikan mo ang lalaking iyon. Mapapatay ko siya kapag naulit pa ito.
Saad ni Don Vergel.
Babalik na ako sa trabaho Daddy! Pumapayag na akong pamunuan ang Servando’s Royalty Developer.
Kaswal na pahayag ni Calla.
Talaga anak? Matutuloy na ang plano namin ng Mommy mo na mag-tour sa Europe.
Masayang pahayag ni Don Vergel.
May magandang resulta rin pala ang pakikipaghiwalay mo sa gagong Reden na iyon. Sa tinagal tagal na pamimilit namin na pamahalaan mo ang negosyo ng pamilya. Ito lang pala ang magpapayag sa iyo Bunso.
Pahayag ni Dylan.
Tama ang naging desisyon mo Bunso! Panahon na para pag-aralan mo ang pagpapatakbo sa kompanya. Nakuha na namin ang aming mga mana. Naging maayos na rin ang negosyo na aming naipundar. Wala ng ibang magmamana sa natitirang negosyo ng pamilya kundi ikaw.
Pagsang-ayon ni Yanzy sa pahayag ng kapatid.
Oo nga pala anak! May charity event na gaganapin mamaya. Imbitado ang ating kompanya. Maraming mga negosyante at investor na dadalo. Hindi naman sa Charity nakasentro ang pagtitipon kundi sa pagpapalawak ng impluwensiya. Ikaw ang ipapadala ko para kumatawan sa Servando’s Royalty Builders.
Paglalahad ng kanyang ama.
Sigurado na nandoon ang hambog na lalaking iyon.
Sambit ni Dylan.
Huwag ka mag-alala bunso, pupunta din ako mamaya doon. Babantayan Kita!
Pangako ni Yanzy sa kapatid.
Hindi na kailangan! Pagtuunan mo ng pansin ang negosyo mo Yanzy. Isasama ni Calla ang mga body guard ko. Walang makakalapit sa iyo doon.
Paninigurado ni Don Vergel sa anak.
Pinaghandaan ni Calla ang gabing iyon. Maaga siyang nagpunta sa isang mamahaling salon para magpaayos.
Ipapamukha ko sa Reden na iyon kung ano ang sinayang niya.
Sambit ni Calla sa kanyang isipan.
Bawat dating ng mga CEO at Presidente ng kompanya ay inaanunsyo ng host sa pagtitipon. Maraming mga medya ang nandoon sa nasabing pagtitipon.
Sinadya ni Calla na magpahuli para maiwasan niyang malapitan ni Reden.
Ang Charity Event na iyon ay auction ng mga paintings na donasyon ng mga kilalang pintor. Gagamitin ang nalikom na fund para sa mga batang may sakit na kanser at walang kakayahan sa matagalang gamutan.
Nanatili lang sa sasakyan si Calla habang hinihintay niya ang hudyat na magsisimula na ang Auction.
Pinadalhan siya ng mensahe ng kanyang Kuya para balaan sa presensiya ni Reden sa pagtitipon.
Nagsisimula na ang Auction ng maisipan ni Calla na pumasok. Tumayo lang siya sa likod at naghihintay ng pagkakataon na magbigay ng bid si Reden.
Huling item na iyon na obra ng isang katutubo. Iyon ang highlight ng pagtitipon.
Five Hundred Thousand pesos para sa painting na inspired ng sinaunang sibilisasyon. Mula sa Valderrama Condos and Homes na pinamumunuan ng kanilang CEO, Reden Valderrama.
Anunsyo ng emcee sa entablado.
Nagsimulang mabilang ang Host sa entablado para maisara ang bidding na iyon. Ang buong akala niya na iyon na ang pinakamataas na bidding sa nasabing painting.
Five Million pesos!
Malakas na Saad ni Calla.
Napalingon ang lahat sa kinarorounan ni Calla.
Sino siya?
Matunog na bulong bulungan sa bulwagang iyon.
Mababakas sa mukha ni Reden ang labis na pagkamangha. Binago ni Calla ang kanyang buong pagkatao mula sa buhok hanggang sa pananamit niya.
Five Million Pesos mula sa bagong CEO ng Servando's Royalty Builders headed by Miss Calla Servando. Nagsitayuan ang mga nandoon para bigyang pagkilala ang bagong talaga na CEO ng Giant Royalty Developer ng bansa.
Hindi na humirit maghabol si Reden sa paglalapag ng Bid. Nakatuon ang kanyang atensyon kay Calla.
Masayang pinaunlakan ni Calla ang lumalapit sa kanya para makipagkamay. Hayagan ang kanilang pagpapakita sa angking ganda ng dalaga.
Noong mapag-isa si Calla ay sinubukan ni Reden na lumapit dito ngunit hinarang siya ng body guard ng dalaga.
Calla Please! Hayaan mo akong magpaliwanag.
Saad ni Reden.
Ayaw ni Calla na makapukaw ng atensyon doon lalo na ang medya ay naglipana sa buong paligid. Nagpasya siyang umalis, sapat na para sa kanya na malaman ni Reden na hindi ito apektado sa kaniyang ginawa.
Sinubukan pa ni Reden na humabol ngunit binantaan siya ni Yanzy.
Huwag mong sirain ang reputasyon ng kapatid ko. Hindi kita sasantuhin, tandaan mo yan. Mister Valderrama!
Sambit ni Yanzy na agad umalis.
Naiwan si Reden na abot langit ang pagsisi dahil sa kanyang ginawa.
Nilapitan ito ng kanyang kaibigan para kantiyawan.
Hawak mo na ang makinang na diyamante mas pinili mo pa ang tanso. Good luck na lang sa iyo, Bro! Ayaw mong makinig sa akin eh.
Saad ni Rafael na kaibigan ni Reden.
Itutuloy….