Napasalampak na lang si Reden sa kanyang upuan na executive chairs. Simulang dumating siya sa opisina ay wala na siya sa mood. Hindi pa rin siya nakabawi sa nangyari noong nakaraang gabi.
Sir Reden! Ipapaalala ko lang po na may meeting ka sa mga developer ngayong 9 am. Confirmed na po na dadalo si Miss Calla sa meeting. Nagpadala ng email ang sekretarya niya kaninang umaga.
Saad ng Sekretarya ni Reden.
How about Veron? Dadalo ba siya?
Usisa ni Reden.
Yes! Actually, kahapon pa siya nagpadala ng confirmation.
Sagot ni Yvette na sekretarya ni Reden.
Please cancel her appearance sa meeting! Tell the guard na banned si Veron na pumasok sa building.
Instruction ni Reden sa Sekretarya.
Copied Sir!
Sagot nito.
Malakas ang hinala ni Reden na plano ni Veron na may mangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Naalala ni Reden na sinundan pa siya ni Veron sa Bar kung saan siya kalimitang tumatambay.
Hindi naman niya tinatanggi na may nangyari sa kanila dahil lalaki lang siya at marupok sa ganoong tukso. Ilang buwan na rin siya na walang kãtãlîk kaya mabilis tumaas ang kanyang lïbïdø.
Abot langit ang kanyang pagsisisi ngunit wala siyang magawa. Naganap na ang hindi dapat, ang kailangan na lang na patunayan niya kay Calla na hindi niya iyon gusto.
Napasabunot na lang si Reden sa kanyang buhok dahil hindi niya alam ang gagawin.
Labis na siyang nangungulila kay Calla at sabik na sabik na siya dito.
Kasalukuyang sa malalim na pag-iisip si Reden ng pumasok ang malapit na kaibigan ni Reden. Ang tanging kaibigan niya na may kalayaan na ipamukha sa kanya ang mga kamalian niya sa buhay.
Ang lalim na naman ng iniisip mo Red? Si Calla ba? O Veron?
May halong pambubuska ang himig nito.
Siraulo ka talaga Raf! God knows kung gaano ko kamahal si Calla.
Pahayag ni Reden sa kaibigan.
Seryoso Red, Alam ko kung gaano mo kamahal si Calla pero bakit naman dinala mo si Veron sa Condo mo at doon ka pa gumawa ng kababalaghan? Malakas ang dominance mo when it come to liquor. Mapapaisip talaga ako na sinadya mo o ginusto. Ganoon ka na ba talaga ka tïgãng that moment?
Usisa ni Rafael kay Reden.
Honestly Raf, Aaminin ko na ilang gabi na rin akong nag-iinit pero kaya ko naman gawan iyon ng paraan. Alam mo na! Gentlemen thing! I really feel weird that moment iyong tipo na hindi controllable ang pag-iinit ko.
Paliwanag ni Reden
Logically, duda ka na may inilagay si Veron sa inumin mo para ma trigger ang desire mo to the point na hindi na siya manageable.
Sagot ni Rafael.
Obviously, Yes! Hindi ako ganoon Raf. Alam na alam mo ang pagkatao ko.
Pagsang-ayon ni Reden sa sinabi ni Rafael.
Therefore, you must seek medical aid para mapatunayan ang hinala mo. Do it asap Red habang detectable pa ang presence ng substance ng gamot if ever meron man.
Payo ni Rafael.
Bago nga magsimula ang meeting ay nagpakuha ng blood specimen si Reden para makompirma ang kanyang hinala.
Nabigla naman si Veron ng makatanggap siya ng email na kinakansela ang appearance niya sa meeting na pinamamahalaan ni Reden.
No way! Hindi puwede ito!
Sigaw ni Veron habang nakaharap sa salamin.
Sa kabila ng mensahe na ipinadala kay Veron ay nagpumilit pa rin ito na tumuloy sa meeting.
Naunang dumating si Veron sa entrada ng Valderrama Tower ngunit agad siyang hinarang sa information.
I am the face of Valderrama Condos and Homes! I have the right na pumasok kahit kailan ko nanaisin.
Pagwawala ni Veron sa information.
Ma'am Veron! I am sorry to tell you na may memo mula mismo sa opisina ng CEO na banned ka pumasok sa loob until it was lifted.
Paliwanag ng Information Officer.
Sa anong ground? May nakalagay ba diyan?
Usisa ni Veron.
Sorry Ma'am pero confidential ang ganoong bagay. Hindi ka naman regular employee ng kompanya. Mag-email ka na lang sa sales para malaman mo kung bakit naging ganoon ang desisyon nila.
Paglalahad ng opisyal.
Hahakbang na sana si Veron palabas ng biglang nagsitakbuhan ang mga guard sa kompanya. Naglinya ang mga ito para harangan ang daanan. Naantala ang paglabas ni Veron at napilitan siyang tingnan ang dadaan.
Nanlaki ang kanyang mata ng makita niya si Calla na bumaba sa McLaren Speedtail.
Alam ni Veron na mayaman ang pamilya ni Calla pero hindi niya naisip na ganoon kayaman ito.
Almost entire asset na ng pamilya niya ang sasakyan nito.
Napatanong na lang si Veron sa Information kung bakit nandoon si Calla Servando.
Sorry Ma'am pero hindi ako puwedeng magbigay ng impormasyon lalo na sa bagong CEO ng Servando's Royalty Builders.
Sagot nito.
Biglang kinabahan si Veron sa maaring gawin ni Calla sa kanyang karera. Isa pa lang Business Tycon ang kanyang sinaktan. Sa pag-asam niya na makabingwit ng mayaman ay nagawa niyang lansihin si Reden.
Nagtama ang paningin nila ni Calla pero blangko ang naging reaksyon nito.
Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi man lang nag-eskandalo si Calla ng maaktohan niya ang kanyang nobyo na may katabing babae. She knows her worth as an elite royalty.
Sambit ni Veron sa kanyang isipan.
Pagkapasok ni Calla sa loob ay mabilis na humakbang si Veron para makaalis doon. Natatakot si Veron na baka madamay ang kabuhayan ng kanyang angkan dahil sa kasalanan niya kay Calla. Alam niya kung gaano kalawak ang impluwensiya ng Servando's Royalty Builders.
Nahagip ng paningin ni Calla ang presensiya ni Veron sa Valderrama Tower. Ayaw niyang bigyan ito ng pansin baka iisipin ni Veron na apektado siya sa nangyari.
Alam ni Calla ang lugar niya sa komunidad. Ipinanganak siyang lehitimo na kabilang sa hanay ng Elita.
Malapit ang puso ni Calla sa maralitang estado ng Pilipinas dahil isa iyon sa kanyang pinagtuonan na kawang gawa.
Ang ayaw lang niya na kapag inaagrabyado siya ng tao na mas mababa sa kanyang katayuan.
Pagkapasok ni Calla sa Board Room ay kompleto na ang lahat. Agad siyang binigyan pugay ng Board Secretary at pormal na ipinakilala bilang CEO ng Servando's Royalty Builders.
Nakipagkamay siya sa lahat maliban kay Reden na agad niyang tinalikuran.
To be continue…