Napakamot na lang si Reden sa kanyang ulo ng talikuran siya ni Calla. Ramdam na ramdam niya ang pandidiri ng dalaga sa kanya. Pasalamat na lang si Reden na CEO siya ng kompanya dahil kung nagkataon ay napahiya na ito.
Deritsong umupo si Calla sa upuan na inilaan para sa kanya. Kaharap niya si Yvette na sekretarya ni Reden at nagsisilbing sekretarya na rin ng Board of Stakeholder.
Kasunod lang ng upuan ni Reden sa gitna ng conference table.
Tinitingnan siya ni Reden ng deritso pero binabalewala iyon ni Calla. Binabaling ng dalaga ang atensyon sa iba.
Ipinamahagi ni Yvette ang update sa kompanya at development sa kasalukuyang proyekto na pinapagawa ng Valderrama Condos and Homes.
Sinadya ni Reden na unang usisain si Calla sa takbo ng proyekto na pinahawakan nila sa Servando's Royalty Builders.
Ano na ang update Miss Servando sa heavy equipment na kayang bumutas sa malaking bato na nakaharang sa mismong pundasyon ng proyekto sa Tagaytay?
Usisa ni Reden.
I am already planning to drop the on-going contract between Servando's Royalty Builders and Valderrama Condos and Homes. It's my plan to penetrate the global market so I think it would be much better if maghanap kami ng affiliated company which can compete globally.
Saad ni Calla na lubhang nagpabigla sa mga share holders ng Valderrama Condos and Homes.
Hindi mo maaring gawin iyon Miss Servando ng basta basta. May commitment ang kompanya niyo sa amin. Magbabayad ang Servando's ng malaking danyos.
Sagot ni Reden na halata ang pagkabigla.
Then, ipagawa mo na ang quotation ng penalties. Willing naman kami magbayad basta in return ay bayaran mo rin ang variation mo sa Servando's o ibawas mo na lang kaya.
May otoridad na pahayag ni Calla.
Tumayo ang isa sa mga investor para pakalmahin ang tensyon.
Gentlemen! I don't know kung saan nanggagaling ang lahat ng ito. Pag-isipan na muna natin ang bagay bagay. Miss Servando, I know na kayang kaya niyong bayaran ang penalties but please consider mo naman kami na tumaya sa proyektong ito. Hindi lang pera namin ang nakataya dito kundi kinabukasan ng pamilya namin.
Saad nito.
Okey! Pag-iisipan ko for now re-schedule na muna natin ang meeting. Have a good day!
Sambit ni Calla.
Nagmamadaling umalis si Calla para lumayo kay Reden. Hindi napipigilan ng dalaga ang galit sa tuwing nakikita niya si Reden.
Patakbong sinundan ni Reden ang dalaga na kasama ang sekretarya nito.
I never expect na ganoon pala kabagsik ang batang Servando. Napaka opposite ng personality niya kapag hindi galit.
Saad ni Rafael na Department Head sa kompanya ni Reden.
Mahal, please! Let me explain.
Habol ni Reden sa dalaga.
Mahal? Ayos ka lang ba? Pagkatapos ng lahat ay may lakas ng loob ka pa na tawagin akong mahal?
Simula ngayon ay mag-uusap lang tayo bilang business associate. Kindly address your concern through a proposal. Maging propesyunal na lang ang ugnayan natin. Hindi tayo close kaya huwag kang umasta na okey tayo.
Saad ni Calla kay Reden.
Napakatigas ni Calla pagdating kay Reden. Sa tagal ng pagsasama nilang dalawa ay hindi pa niya nakita na ganoon katigas ng puso nito.
Napahilamos na lang si Reden ng kanyang palad sa mukha dahil sa dami ng problema na kailangan niyang ayusin.
Mister Valderrama, umaasa kami na aayusin mo ang bagay na ito or else mapipilitan kami mag-withdraw ng investment. Ayaw namin matingga ang aming pera dahil sa pagkaantala ng proyekto.
Saad ng mga investor kay Reden.
I promise! Aayusin ko ang problemang ito.
Garantiya ni Reden.
Bagsak ang balikat ni Reden ng pumasok sa kanyang opisina. Natutulala ang binata sa problema na kailangan niyang ayusin. Batid niya na kahit gaano pa kaganda ang proposal na ibibigay niya sa Servando's Royalty Builders ay haharangin lamang ito ni Calla.
Tskkkk! Tskkkk! I never expect Red na ganoon pala katindi ang nobya mo or should I say ang dati mong nobya.
Saad ni Rafael.
Nobya ko pa rin siya, okey! Galit na galit siya talaga sa akin. Nadadamay na ang kompanya sa galit niya. Kasalanan ko ang lahat ng ito. It's my fault.
Pamamaktol ni Reden.
Of course! It's your fault. Marupok ka kasi.
Sang-ayon ni Rafael.
Hindi ko alam kung paano mapapalambot ang puso ni Calla. Naging bato na ang damdamin niya pagdating sa akin.
Malungkot na sambit ni Reden.
So? What is your plan?
Usisa ni Rafael.
Susubukan kong humingi ng tulong kay Lolo. Sigurado, hindi makakatanggi si Tito.
Positibong saad ni Reden.
Servando's lang ang may sapat na asset para mamuhunan sa heavy equipment na kailangan natin. Kailangan mo talagang mapagkumbaba Red or else. Malaki ang mawawala sa kompanya.
Seryosong pahayag ni Rafael.
Lumabas si Reden para umalis ngunit hinarang siya ni Veron na halatang umaabang sa kanyang paglabas.
Red! Please! Iniiwasan mo ba ako?
Usisa ng babae.
Binalingan ni Reden si Veron, nakaramdam ang babae ng pagkailang dahil sa masakit na tingin ang pinupukol ng binata sa kanya.
Ano pa ba ang gusto mo Veron? Sira na ang relasyon namin ni Calla. Nagkapatong patong ang problema ko dahil sa ginawa natin. Hindi ka pa ba masaya?
Galit na pahayag nito.
Pareho naman natin na hindi ginusto ang nangyari but please huwag mo naman akong layuan.
Pagmamakaawa ni Veron.
Ano ang gusto mo? Magiging tayo? Iyon ba ang gusto mo?
Sarkastikong saad ni Reden.
Walang mahagilap na kasagutan si Veron sa tanong ni Reden. Ang totoo ay ayaw niya lang mawala ang kontrata nito sa Valderrama. Iyon mismo ang dahilan kung bakit siya humantong sa ganoong desisyon. Ang buong akala niya na maging pabor sa kanya kapag may namamagitan sa kanila ni Reden.
Siguraduhin mo lang Veron na wala kang ginawa noong gabi na may nangyari sa atin. Ako mismo ang gagawa ng paraan para masira ang karera mo.
Pagbabanta ni Reden sa kanya.
Nakaramdam ng takot si Veron sa ginawang pagbabanta ni Reden. Ang totoo ay hinaluan niya ng gamot ang alak ni Reden para mag-init ito. Matagal na niya iyon dala dala sa kanyang bag ngunit hindi lang siya makahanap ng pagkakataon.
Umuwi si Veron sa kanyang tinutuluyan para mag-isip ng paraan sakaling magkabistohan.
Sa kabilang banda ay tinawagan si Reden ng Doktor na sumuri sa kanyang dugo. Ayon dito na maaring matagalan ang paglabas ng resulta. Dahil kailangan pa dumaan sa ilang proseso para masigurado na tugma ang resulta na kanilang maibigay.
Pagkabalik ni Calla sa Servando's Main Office ay sinalubong siya ng napakaraming Bulaklak na paborito niya. Mula sa bungad, hallway na dadaanan niya at kanyang opisina ay napuno ng bulaklak na Tulips.
To be continue.......