Pagkababa ni Edward sa kanyang kotse ay agad niyang nakita si Violete na papasok sa gate ng kanilang eskuwelahan. “Kailangan kong makuha ang loob mo, Violete,” bulong niya. Kaya naman ay sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang labi at nagmadaling humakbang patungo sa kinaroroonan ni Violete upang mapansin siya nito. Nang makalapit siya rito ay sinabayan niya ito ng lakad na kunwari at hindi niya napansin si Violete. Nagulat naman si Violete ng makita niya si Edward na makakasabay niya ng lakad. Ngunit hindi man lang siya nito pinansin at nilampasan lang siya niyo. Kaya naman ay hindi niya ito natiis kaya tinawag niya ang pangalan nito. “Edward!” tawag niya dito habang papalayo na ito sa kanya. Narinig naman ni Edward ang pagtawag sa kanya ni Violete kaya naman ay napahinto siya at

