Tahimik lamang na nagmamaneho si Jeffry habang silang dalawa ni Adrian ay walang humpay na nag-uusap sa likod. Hinayaan lang niya ito sa trip nito dahil ma kaunting inis pa rin siyang naramdaman dahil sa uri ng pagtrato nito kay Adrian. May pagkakataon naman na nagpapang-abot ang kanilang mga mata sa rear-view mirror na agad din namang binabawi ng huli sa tuwing nahuhuli niya itong nakatingin sa kanilang dalawa ni Adrian. Sa kabilang banda, pansin din niya ang pagiging sensitibo ni Adrian dahil lagi nitong hinihingian ng mga opinyon si Jeffry para lamang maisali ito sa kanilang pag-uusap ngunit ang kaibigan niyang walang hiya sa katawan ay ipinapakita pa rin ang malamig nitong pakikitungo sa kanyang kasama. Kaya upang hindi makaramdam ng alinlangan si Adrian ay siya na lamang ang bum

