CHAPTER ONE
Rewind...
Faith's POV
SA ISANG KAHARIAN sa lupain ng Antartica—kung may lupa nga bang makikita roon—ay naninirahan ang isang chakang prinsesa na nagngangalang Petrita Amoy-Tekla. Anak siya nina Haring bHoszx JheymSzx CoOh at Reynang cRimHe lOccA vente oTsoh na pinuno ng kahariang JejeTania.
Pero wala silang kinalaman sa kwentong 'to kaya balik na ulit tayo sa Pilipinas. Sa maganda, malinis, mayaman at walang kurap na politoko, ang bansang Pilipinas. Sa lalawigan ng Cavite, kung saan ipinanganak ang diyosang author na kasalukuyang naguguluhan ngayon kung ano ang gagawin niya sa susunod niyang libro at kung tatanggapin pa ba ito ng publisher niya.
Ah, basta 'yon na 'yon.
"Anak, kelan na nga ba ulit ang alis mo?" mahinang tanong ni Mama nang makita n'ya 'kong pumasok sa kwarto niya.
Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama niya. Hinawakan ko ang kaliwa n'yang kamay. Tuyot na tuyot na iyon. Buto't balat na para bang halamang kumupas na at nawalan ng ganda. Parang hindi gumamit ng Silka. Sa gano'ng hitsura ni Mama, mas lalo lang akong naaawa. Mas lalo akong naluluha. Mas lalo akong nahihirapan. Nakakainis naman kasi 'tong si madir. Hindi ginagaya ang beauty tactics ko. Hindi siya gumagamit ng chili powder sa mukha. Ang sarap kaya!
"Malapit na po, Ma. Sa Biyernes na po ng umaga. Pagkatungtong na pagkatungtong ko do'n, tatawag agad ako sa inyo," sagot ko habang hinahaplos-haplos ang kamay ni mama.
Napabuntong-hininga si Mama. "Ba't ba kasi kailangan mo pang pumunta sa Baguio? Hindi mo naman kailangang magpakalayu-layo. Pwede namang dito sa Cavite ka na lang magtrabaho."
"Ma," sagot ko. "Kailangan natin ng malaking halaga para mapagamot ka, para mapagaling ka. Okay lang po sa 'kin. Besides, malaki na po ako. Kaya ko ang sarili ko. Twenty-five na 'ko noh. Hindi na 'ko baby. Ready na nga 'ko sa mga bed scene sa librong 'to, eh. 'Kaso hindi raw 'to e*****a eh. Kainis."
Nalungkot ang mukha ni Mama pero 'di na siya nagsalita. Feeling ko tuloy na-samurai ang puso ko. Bigla na lang kumirot. Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit. Bakit gano'n 'yong hitsura ni mudra? Hindi ba siya naniniwala na pang-adult book 'yong ganda ko?
Napabuntong-hininga ako. "Mama, lagi naman po akong tatawag sa inyo. Mahirap man tayo, lagi naman akong unlicall. Nasa 'Pinas tayo, remember? Uuwi ako dito every holiday. Gagawin ko po lahat ng kaya ko para hindi kayo mahirapan. Basta susundin n'yo lang ang mga bilin ng doktor. 'Tsaka Ma, 'wag n'yong papasakitin ang ulo ni Felicity. Uminom kayo lagi ng gamot."
"Mamamatay din naman ako, Faith. Baka nga ngayon, hindi ko na kayanin."
"Ay, agad-agad, Ma?"
"Hindi, bukas." Umirap si mama. "Panira ka ng moment. Ibalik kita sa matres ko eh."
Nangilid 'yung luha ko. Maya-maya, hindi ko na sila napigilan sa pag-agos sa magkabila kong pisngi. Nagdyo-joke si madir. Myghad. "Hindi pa ngayon, Ma. Marami pa po akong pangarap sa inyo. Marami pa po akong gustong ibigay. Hindi ko pa nasusuklian 'yung lahat ng hirap, pagod, puyat at pagmamahal na binigay n'yo. Hindi ko pa na-update ang profile ko sa sss at IG. Dapat tayong dalawa ang nando'n para kunwari, mabait na anak talaga 'ko."
"Talaga, 'Nak?" sabi naman ni mother dear. "'Lika, selfie muna tayo."
Excited kong inilabas ang China-made kong iPhone na dalawa ang kagat sa magkabilang apple na logo. "O ayan, mother. One, two, smile!"
Nag-pose akong naka-money sign. Si mama naman ay nag-rock sign pa. 'Tindi, noh? May sakit pa si mama niyan. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkakahiga na parang walang nangyari.
"Masaya na akong mamamatay kasi nakita ko ang graduation ng tatlong prinsesa ko," nakangiting sabi ni Mama. "Gusto ko na ring sundan ang Papa mo."
"Seryoso, ma? Hindi naman sumakabilang-buhay si papa. Sumakabilang-bahay siya," paglilinaw ko.
"Oh eh 'di mali na naman ako. Basag-trip ka talaga eh," asar na namang sabi ni mama.
Grabe ah.
Pakisabi nga sa author na romcom-s***h-light romance 'tong isinusulat niya. 'Kaloka. Umpisa pa lang pinahihirapan na kaagad ako.
Nahihirapan talaga ako eh. Feeling ko gusto kong i-transfer na lang sa katawan ko ang sakit ni Mama. Sana ako na lang ang may heart complication at hindi s'ya.
May sakit sa puso ang Mama ko. Hindi ko mabanggit ang term na laging ginagamit ng doktor. Basta ang alam ko nakakamatay. Magdadalawang taon na 'yong nilalabanan ni Mama at naniniwala akong kaya n'ya 'yon. Naniniwala akong gagaling pa ang Mama Rissa namin.
"Ma, ano na namang drama 'yan? Sabi ko naman sa 'yo, aabot ka pa sa 150. Baka nga 200 pa eh. Makikita mo pa akong magkaroon ng maraming supling."Nakangiti akong tumayo at humalik sa noo ni Mama. "Magpahinga na po kayo."
Hindi na rin nakipagtalo si Mama. Alam kong pagod na siya sa mga pinagdaraanan niya. Marahil ay pagod na rin siyang makipag-argumento sa kahit sino sa mga anak niya.
Pagod na rin ako sa kaka-Zumba kanina. Ginaya ko kasi 'yung napanood ko sa TV. 'Sakit nga sa likod eh. Kailangan ko lang talagang magpa-sexy. Baka sakaling nagbabakasyon sa Baguio si James Reid. Hihi.
Hinintay ko muna ang dahan-dahang pagpikit ni Mama bago ko inayos ang kumot niya. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng kwarto.
Napabuntong-hininga ako matapos kong isara ang pinto. Ano pa kaya ang pwede kong gawin para lang madagdagan ang pera namin? Handa akong pasukin ang kahit anong trabaho para lang mapagamot ang babaeng nagluwal sa 'kin sa mundong 'to.
Naglakad ako pabalik sa kwarto namin ng dalawa ko pang kapatid, sina Felicity at Fionna. Hindi pa 'ko nakakaalis pero alam ko na kung gaano ko sila mami-miss kapag wala na 'ko sa bahay. Mami-miss ko ang pangunguha nila ng mga damit at make-up ko. Chos.
"Ate," pagtawag sa 'kin ni Fionna. "Magtatagal ka ba sa Baguio?"
Ngumiti na lang ako. Ngiting napipilitan. Ngiting pilit na pinaglalabanan ang sakit. Ngiting umi-echos. "Depende. Basta 'pag umalis na 'ko, aalagaan niyo si Mama, ha? Hindi ko alam kung ilang buwan o taon ba talaga ang itatagal ko do'n, pero sana habang wala ako, pagtulungan niyong asikasuhin si Mama. Tangina. 'Wag niyong pababayaan. Kakalbuhin ko kayo."
"Oo nga pala, ano nga ba'ng magiging trabaho mo du'n? Sino ba talagang nagpasok sa 'yo du'n? Baka naman masamang-loob 'yon," sabad ni Felicity.
Napatitig ako sa bunsong kapatid ko habang sinasariwa ko ang mga nangyari nitong nagdaang mga araw at linggo. Napaisip ako. Si Clarisse Manalili ang nag-alok sa 'kin ng trabahong papasukin ko sa Baguio. Aksidente niya 'kong natapunan ng coffee na hawak niya habang naglalakad ako sa isang mall para maghanap ng magiging trabaho halos isang buwan na ang nakakaraan.
Graduate ako sa kursong Business Management pero parang wala ring silbi ang pag-aaral ko dahil hirap na hirap ako sa paghahanap ng trabaho. Pakiramdam ko, kahit may diploma na ko sa kolehiyo ay hindi pa rin iyon sapat para kunin ako ng mga kompanya kung kaya't pati sa mall ay nagbabakasakali na 'ko. Ito siguro 'yung sinasabi nilang priority pa rin ng mga employer ang galing sa mga sikat at kilalang unibersidad. Napakatagal ko nang naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang makita. Lagi na lang akong nkakarinig ng gasgas na linyang "Tatawagan ka na lang namin" sa tuwing nag-a-apply ako.
Nang matapunan ni Ms. Clarisse ang damit ko ay humingi siya agad ng paumanhin. Mag-isa lamang siya ngunit kahit simple lamang ang suot niya nang mga panahong iyon, nahihinuha ko nang mayaman at prominenteng tao siya, lalo na't binilhan niya pa ako ng bagong damit pamalit sa kupas kong blouse na basang-basa sa mamahaling kape. Nasa late fifties na ang babae pero mababakas pa rin sa mukha ang kumupas na kagandahan ng kahapon.
Habang naglalakad kasama ang may-edad nang babae palabas ng H & M ay inimbitahan niya pa 'kong kumain kasama siya sa isang fine-dining restaurant. Muntik na nga 'kong mapagkamalang waitress dahil medyo hawig ng ayos ko 'yung mga chakarurat nilang waitress do'n. Duhh. Mas lamang kaya ako ng sampung paligo.
Nagkakuwentuhan kami. Tinanong niya 'ko ng ilang mga bagay. Kung may boyfriend ba 'ko, kung anong pinagkakaabalahan ko, kung anong family background ko. Doon ay nnasabi ko sa kanya na naroon ako sa mall para maghanap ng trabaho dahil natapos na ang kontrata ko sa nagdaang trabaho ko.
Para namang anghel si Ms. Clarisse para bigyan kaagad ako ng offer. Maaari niya raw akong kunin bilang housekeeper sa mansiyon nila sa Baguio. Hindi na raw iyon naaalagaan at malamang pa sa alamang ay naluluma na. Pinaalis niya na rin daw ang mga katulong doon dahil halos hindi niya naman napupuntahan ang naturang mansiyon. Kung ako raw ang magiging mayordoma roon ay baka magpadala na siya ng mga katulong na susunod sa 'kin. Nang tanungin ko siya kung bakit hindi na lamang kumuha si Ms. Clarisse ng katiwalang tagaroon lang, maikli lamang ang naging sagot niya sa 'kin: "Ikaw ang gusto ko. Nakikita kong kaya mong ayusin ang lahat."
Noong umpisa ay nag-aalangan pa 'kong tanggapin ang alok niya, lalo na't hindi ko naman talaga siya kilala. Medyo mailap din ang ilang sagot niya. Nag-iwan na lamang ang ginang ng calling card sa 'kin. Ilang araw ko pang pinag-isipan ang alok. Pagkatapos ko isiping mabuti kung gaano kalaki ang offer sa 'kin ni Ms. Clarisse, at kung gaano kadali lang ang trabahong iyon ay pumayag na rin ako. Alam kong masyadong malayo iyon sa kursong tinapos ko, pero maisip ko pa lang kung gaano kalaki ang sasahurin niya bawat buwan ay napapalunok na 'ko.
Bago ko tinawagan si Ms. Clarisse Manalili ay inalam ko muna kung sino ba siya. Nagulat ako nang i-search ko siya sa f*******:. May-ari pala ng pinakasikat na salon sa Pilipinas ang babae. Kahit sino ay gustong-gusto sa salon na iyon. Iyon ang salon ng mga kilalang artista at maging ng presidente ng bansa. Doon din nagpupunta ang mga kaibigan ko noong college para magpagupit, magpakulot o magpaunat ng buhok. Isa rin siyang major stockholder sa Paradise Mall at may-ari rin siya ng anim na Shell gas station.
Nagtataka ako kung bakit hindi na lang siya nito inalok para maging employee sa kompanya nito. Maaari akong makatulong sa pagma-manage ng salon.
Maraming pumapasok sa isip ko pero pinili ko na lang na manahimik at isipin ang magiging trabaho ko. Mukhang magiging madali lang naman iyon. Alam kong kakayanin niya.
"Huy! Natulala ka na d'yan," pukaw sa 'kin ni Felicity kasabay ng pagpitik sa harap ng mukha ko. "Lumulutang na naman 'yung isip mo, Te. Tinatanong kita kung anong magiging trabaho mo doon."
Tiningnan ko ang kapatid sa loob ng limang segundo. "Maggi-GRO ako."
Isang malakas na batok ang inabot ko sa kapatid ko sa joke na hindi man lang naging nakakatawa.
Kunsabagay. Ang ganda ko para maging GRO. Dapat sa 'kin 'yung mga pang-high class na trabaho. Gaya ng pagiging bold star sa X-rated Films. Joke.
Rupert Matthew's POV
Entry No. 1
Nandito na 'ko ngayon sa Pilipinas. Kung ako lang ang masusunod, hindi ko na gugustuhin pang bumalik dito. Nandito 'ko ngayon sa lugar na hindi matutunton ng kahit sino. Okay na rin siguro 'to. Malayo ako sa Maynila. Malayo ako sa lugar kung saan ko pwedeng makita si Veny, at 'yung pamilya niya.
Hindi ko pa rin siya makalimutan. Kahit anong gawin ko. Kahit saan ako magpunta. Kahit magpakalunod pa 'ko sa car-racing at sa trabaho. Kahit anong subukan ko. Kahit anong inumin ko.
Masaya kaya siya ngayon? Sigurado akong oo. Mahal na mahal niya si Micko at mahal na mahal din naman siya nu'ng gagong 'yon. They both really love each other.
Mas okay na 'ko doon
Matt.
Faith's POV
"MISS, SA BUS 2309 KA BA? PAKIBILISAN! LALAKAD NA!" hiyaw ng kundoktor matapos niya 'kong makitang kumakaripas ng takbo palapit sa nakaparada pa ring bus.
"Ay, saglit lang manong! Taeng-tae?" hiyaw ko.
Tumakbo ako at mabilis na pumanhik sa bus na byaheng Baguio. Walanjo! Ang bigat-bigat pa naman ng bakcpack at handcarry ko. Late na 'ko ng ten minutes dahil hinanap ko pa ang ticket ko na pina-reserve ko one week ago. Nakalimutan ko kasi kung saan ko nailagay.
Hindi pa 'ko nakakaupo sa seat na ipina-reserve ko ay umandar na ang bus. Muntik na 'kong masubsob at nakatapak pa 'ko ng paa ng isang pasahero na napa-"aray!" at napatitig nang masama sa 'kin.
Holy cow.
"Sorry po," sabi ko na lang sa ale na para akong kakainin ng buhay sa sobrang sama ng titig sa 'kin. Jusko. Kung 'di ko lang talaga alam sa sarili kong nagkamali ako, gigiyerahin ko talaga 'to. Akala mo kagandahan eh. Mukha namang drum na piniit ipagsiksikan sa damit. 'Yung cleavage mukha namang alkansyang may maitim na gitna. Kainis!
May ilang lalaking pasahero na ang umagapay sa 'kin hanggang sa wakas ay makaupo na 'ko sa upuan ko na malapit na sa pinakadulo ng bus. 'Yung iba naman, dedma lang. 'Galing. Hindi man lang maging gentleman kahit minsan sa buhay nila.
Napabuntong-hininga ako nang sa wakas ay mailapat ko na ang likod at pwet ko sa upuan. May-edad na babae ang katabi ko at mukhang may sariling mundo kaya hindi na 'ko masyadong lumikot. Mahirap na. Baka mabungangaan na naman ako.
Nakakatuwa nga dahil mabilis lang ang byahe. Kunsabagay. Alas-quatro pa lang ng madaling-araw. Hindi pa gano'n karami ang nabyahe lalo na't hindi naman holiday. Hindi panahon ngayon ng pagbuhos ng mga turista.
Tiningnan ko ang phone ko. Nag-text sa 'kin 'yung mga kapatid ko.
Fionna: Ingat ka ate. Mami-miss ka namin.
Felicity: Mag-iingat ka ate. We love you. Wag ka mag-alala. Aalagaan namin si mama.
Napangiti ako kasabay ng paglamlam ng mga mata. Nakakalungkot. Hindi ako sanay na lumayo sa kanila pero kailangan. Sana maging maayos na si mama.
Itinago ko na ulit ang phone ko. Hindi na 'ko nag-reply dahil baka bumuhos na naman ang luha ko. Kanina pa kaming nag-dramang magkakapatid kasama si mama. Sobrang OA na 'kung maiiyak na naman ako. Hindi nga kasi 'to heavy drama. RomCom 'to. Pakisampal nga ng tsinelas 'yung author!
Hindi ko alam kung gaano katagal ang byahe mula Maynila hanggang Baguio. Pero matagal akong nakaupo. Ngawit na 'ko sa puwesto ko. Lumipas na nag pananghalian ay nasa byahe pa rin kami. Huminto lang kami sa ilang bus stop kanina. Hindi rin naman ako makakain at makatulog nang matagal dahil thirty minutes lang ang itinatagal ng bus namin sa bawat bus stop. Hanggang sa katagalan ay namalayan ko na lang na puro magagandang tanawin na ang nadadaanan ng mga mata ko. Shala.
Nang sipatin ko ang katabi ko ay nakatingin lang siya sa dinaraanan namin. Matanda na siya. Pero bakit siya lang kaya mag-isa? Kaya niya pang bumyahe nang mag-isa? Kunsabagay, mukha naman siyang malusog pa rin sa kabila ng katandaan.
Out of the blue, bigla kong naisip na tanungin siya.
"Excuse me po. Lola, nasa Baguio na po ba tayo?"
Bumaling sa 'kin ang matanda at ngumiti. "Oo, hija. Maya-maya paparada na tayo sa terminal."
Tumango-tango naman ako. "Ah, okay. Salamat po."
"Dayo ka rito?" usisa naman ni lola.
"Opo," nakangiti kong tugon. Mabait naman pala siya. Siguro kung kanina ko pa siya kinausap, hindi siguro ako na-bore sa tagal ng byahe. "Dito po ako sa Baguio magtatrabaho."
Nakangiti ang lola habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko naman maiwasang mailang. Hindi kasi ako sanay nang tinititigan nang gano'n.
"Sigurado akong dito mo sa Baguio makikita ang lalaking mapapangasawa mo," makahulugang sabi ni lola na ikinagulat ko.
"P-Po?"
"Oh nandito na tayo! Paunahin pong bumaba 'yung mga buntis at may dalang bata!" sigaw naman ng kundoktor.
Noon ko lang napansin na nasa harap na kami ng terminal ng Victory Liner . Nagsitayuan na ang mga tao. Pinauna ko na si lola dahil baka mapano pa siya. Ang nakakagulat lang, nang makababa ako ay hindi ko na siya nakita pa.
Napabuntong-hininga na lang ako. My goodness. Ito na 'yung start ng panibagong buhay ko. Good luck talaga sa 'kin.
May mga lumalapit sa 'kin para magtanong kung naghahanap ba 'ko ng transient house o hotel na matutuluyan pero umiling lang ako. Nakakatuwa nga kasi ang dami ring nagbebenta ng strawberry taho sa mga gilid-gilid. Gusto ko sanang tumikim kaso alam kong mahal ang mga paninda kasi tourist spot ang Baguio. Baka umiyak 'yung bulsa ko.
Nagsimula akong maglakad-lakad dala ang mabibigat kong bagahe. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ako sasakay. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Kitang-kita mo ang bundok na napapalibutan ng mga puno at halaman. Meron ding mga ilang bahagi ng mga bundok na tinitirikan ng mga bahay at establishments. Makikita mo rin sa atmosphere ang manipis na fog na nagpapalamig nang husto sa klima. Malinis din ang paligid at hindi kagaya sa Maynila o sa Cavite, 'di hamak na mas peaceful talaga ang lugar na 'to. Grabe, ang ganda pala talaga sa Baguio!
At ang ginaw. Jusko. Nagsimula na ang –Ber months kaya mas matindi ang lamig. Mabuti na lang at naka-jacket ako. Feeling ko, nasa ibang bansa na 'ko sa mga oras na 'to. Umuusok-usok na nga 'yung hininga ko eh. 'Lakas maka-Korea. Hahahaha, Kahit yata 'yung uhog ko, umuurong ulit dahil sa sobrang lamig.
Huminto ako at dinukot mula sa kanang bulsa ng jeans 'yung address na ibinigay sa 'kin ni Miss Clarisse. Ang sabi sa address, sa Manalili Mansion daw ako tumuloy. Malapit lang iyon sa Strawberry Farm ng La Trinidad.
Sinimulan ko ulit maglakad-lakad. Susubukan ko munang diskubrehin kung saan ang sakayan patungong La Trinidad gamit ang sarili kong senses. Ayokong magtanong. Pero 'di ba matalino raw ang mga nagtatanong? Totoo kaya? Sigurado kaya sila? Really?
Nang hindi ko malaman kung saan ang sakayan papuntang La Trinidad ay naisipan ko nang magtanong sa may-edad na lalaking nakaupo malapit sa gasolinahan. Pakingshet. Para akong tupang walang pastol sa gitna ng magulong mundo. At ang lamig-lamig pa. Baka mamaya, maging kulay-ginto na rin 'yung buhok ko at mapakanta na lang ako ng "Let it go... Let it goooooooo..." Echos.
"Manong, excuse me po. Saan po rito ang sakayan papuntang La Trinidad?" magalang kong tanong.
"Mag-taxi ka lang hija tapos sabihin mo sa driver kung saan ka niya ibababa," nakangiti namang tugon ni manong. Naks. Complete set of teeth. 'Lakas maka-Colgate commercial. Iminuwestra pa nito ang mga kamay. "Kahit saan diyan, may makikita kang taxi. Basta walang laman, pwede mong parahin."
Ngumiti ako at nagpasalamat. Pagkatapos ay tumalikod na 'ko para simulang lakarin ang daan pabalik sa highway. Nang makarating ako, mabilis nga akong nakakita ng dumaraan na mga taxi. Nang huminto sa harap ko ang pinara kong taxi ay sumakay na 'ko at sinabi ang destinasyon ko. Mukha namang alam ni manong driver 'yung sinasabi kong lugar dahil tumango siya at sinimulan nang i-drive ang sasakyan.
Nako. Sana naman maging okay ang buhay ko doon. Kahit ako lang mag-isa. May wi-fi kaya sila? Mahal kasi kung maga-unlisurf ako. Grabe pa naman ang mga telecommunications company dito sa bansa natin. Ginto ang internet. Nesfruta talaga.
At teka, malaki kaya ang magiging metro ng taxi fare ko?