CHAPTER TWO

2457 Words
Faith's POV NANDITO NA 'KO sa tapat ng mansiyon ni Miss Clarisse Manalili. Inabot na 'ko ng dilim. Tumawag na kasi siya kaninang 2pm para bigyan ako ng instructions at ipaalala ang mga susing ipinadala niya sa 'kin noong isang araw via Xend. Susi raw iyon ng entrance at bawat kwarto ng main entrance. Naroon daw lahat. Pagkatapos ng ilan pang mga bilin ay pinutol niya na rin ang tawag. Pero bago iyon ay paulit-ulit niyang sinabi na "Sana kayanin mo ang trabaho." Medyo weird 'yon para sa 'kin pero hindi ko naman na ininda. Naroon ako para magtrabaho. Kahit anong mangyari, hindi ko susukuan 'yung trabahong may gano'n kalaking pasahod. Mahihiya ang trabaho sa muscles ko. Pero wala pala ako no'n. Charorot lang. Hindi ko na siya tinawagan pa ulit pagkatapos niyon. Ayoko namang makulitan siya sa 'kin. Nagkasya na lang ako sa mga tinurong direction, kahit pa gusto kong sakalin 'yung driver ng taxi kanina na siningil ako ng P400+ matapos niya 'kong iikot-ikot sa La Trinidad. Akala ko pa naman alam niya kung saan ang mansiyon ng mga Manalili pero hindi naman pala. Kaasar. Nakipagtalo ako pero sa huli, napilitan pa rin akong bayaran siya. 'Di ako taga-Baguio. Baka maibalita na lang ako sa TV. Ayokong matagpuang tadtad ang sexy body at inaagnas na ang magandang mukha. Sayang ang Eskinol. Donation lang 'to ng author sa 'kin eh. Bigay daw sa kanya ng Tv5. Hehehe. Nagtaka ako nang mapansin kong parang may bukas na ilaw sa mansiyon pero hindi na 'ko nag-isip ng negative. Baka naman kasi namamalik-mata na 'ko dahil sa pagod at gutom. Nagugutom na kasi ako pero hindi naman ako nakabili ng pagkain dahil inuna ko ang paghahanap sa lugar na pupuntahan ko. Isa pa, na-badtrip ako doon sa isang karendiryang pinagtanungan ko kanina. Puta. 100 pesos daw para sa isang takal ng kanin at isang maliit na platito ng menudo na mukha namang kapirasong laman na pinigaan lang ng napkin. Ibinaba ko ang mga gamit ko at kinuha ang mga susi na pinagsama-sama sa isang mamahaling key holder. Shala 'no? Iba talaga ang mga mayayaman. May mga nalalaman pang ganito. Samantalang ako, inilalagay ko lang sa goma o sinulid 'yung susi eh. Nang gamitin ko naman ang key na may label na "main gate" ay nagtaka ako dahil hindi naman pala naka-lock ang gate. Bakit kaya? Nand'yan kaya si Miss Clarisse? Eh wala naman siyang sinabing narito rin pala siya. Oh no. Hindi kaya... Hindi kaya may nakapasok nang magnanakaw? Pero imposible. Mukha namang mayayaman ang nakatira sa lugar na iyon. Ang nakakapagtaka lang, bakit naman walang ibang tao? Seryoso? Isang malaking mansiyon, walang kahit sinong nagbabantay? 'Di naman 'to TV Series ah. Napalunok ako. Kinuha ko kaagad ang mga gamit ko at pumasok sa gate ng mansiyon. Malawak pala talaga ang lupa na pagmamay-ari ni Miss Clarisse. At mukhang hindi naman napapabayaan ang lugar dahil parang alagang-alaga pa rin ang garden, although parang kulang na sa pagmamahal ang mismong mga halaman. May nakaparadang dalawang kotse sa garahe. Kanino kaya ang mga iyon? Ang gaganda? Ganito 'yung kotse na nakita ko sa i********: ni Justin Beiber eh.'Di ba wala namang tao sa mansiyon na 'to? Siguro ay spare cars iyon ni Miss Clarisse, lalo pa't obvious naman na saksakan ito ng yaman. Binuksan ko ang main door gamit ang isa sa mga susing dala ko. Madilim na sa loob. Halatang walang tao. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ang ilaw sa living room. Inilapag ko ang mga bag ko kasabay ng isang malakas na buntong-hininga. Pero imbis na magpahinga kaagad ay hindi pa rin ako naupo. Tinitigan ko ang paligid. Lahat ng mga nakikita ko ay pulos mamahaling bagay. Pati 'yung mga vase, feeling ko mas mahal pa sa buhay ko. Kahit siguro magtrabaho ako sa loob ng tatlong dekada ay hindi ko pa rin 'yon mabibili. Mukhang malinis pa rin ang mga iyon. Mukha namang naaalagaan ang mansiyon. Bakit kaya kinuha pa 'ko ni Miss Clarisse? Pumanhik ako sa second floor. Sobrang dilim na rin sa taas. Dahan-dahan akong naglakad para maiwasan ang pagkatisod, lalo na't saksakan pa naman ako ng clumsy kung minsan. Hindi ko makapa kung saan ang switch ng ilaw sa hallway. Nagkasya na lang tuloy ako sa ilaw na nagmumula sa cellphone ko. Grabe. Nakakatakot din pala 'yung pakiramdam na alam mong ikaw lang mag-isa sa lugar na babantayan mo? 'Tsaka 'di ba may mga haunted house talaga sa Baguio? Nanindig ang mga balahibo ko sa mga naisip ko. Diyos ko. 'Wag ko naman po sanang maranasan 'yung mga napapanood ko sa movies. Wala na ngang kwenta ang mga 'yon dahil paulit-ulit na lang ang concept eh. 'Yung mga direktor at producers na lang sana ng mga walang-kwentang pelikula ang multuhin. Please po. From the bottom of my small intestine. Nasa gano'ng pag-iisip ako nang walang anu-ano'y bumukas ang pinto ng kwartong nilampasan ko. Bigla akong nanlamig. Oh no. May multo ba? Lord, lord. 'Wag po. Marami pa po 'kong pangarap sa buhay. Magiging model pa 'ko ng FHM. Bibida pa 'ko sa isang sexy film. Ayoko pang makita si Chucky, si Annabelle, o si Binay. Lord, pakiusap po. Naiiyak man ako at naginginig na sa takot ay umikot pa rin ako para tingnan kung anong klaseng lamang-lupa ang kukuha sa ulirat ko nang mga oras na 'yon. Pero laking-gulat ko nang isang matangkad na bulto ng lalaki ang nakita ng mga mata ko. Kahit madilim ay alam kong totoong tao ang nakikita ko sa mga oras na 'yon. Nagkagulatan kami at napatitig nang ilang segundo sa isa't isa bago kami sabay na napasigaw. "MAGNANAKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"       Faith's POV "MA?! YOU THINK I need somebody in this house? I can live on my own! Kaya ko nga pinaalis ang mga katulong at guard dito, pagkatapos ay magpapadala kayo ng isang babae out of nowhere just to be my so-called companion?" litanya ng lalaking nagpapalakad-lakad sa harap ko. "Do you really want me to die?" Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa may living room at gulung-g**o habang pinapanood 'yung lalaking nakikipag-usap sa phone. Hindi ko kasi alam na naroon pala ang anak ni Miss—ay, Madam Clarisse pala. Hindi pala siya Miss. Napasinghap ako nang lingunin ako ng lalaki at bigyan ng masamang tingin habang hinahaplos-haplos at hinihilot ang balikat niya. Napalunok ako. Kanina kasi, sa sobrang gulat ko ay bigla ko siyang sinipa sa binti at tinadyakan sa balakang. Pagkatapos no'n ay hinawakan ko pa ang mga braso niya at inikot para masiguradong hindi siya makakalaban. Plano ko pa sana siyang gulpihin kung hindi lang siya sumigaw ng "What the hell do you think you're doing?! Argggh! Trespassing ka. How dare you entered our house!" Nag-peace sign ako and I muttered the word "sorry" pero inirapan niya lang ako. Hey, bakla ba siya? Eew. "You can't have her here, 'Ma. She would kill me. She would break every bones I have. Paalisin mo na nga 'tong babaeng 'to. Please, Ma. You know I'm okay," may himig ng pagmamakaawang sabi ni kuyang paminta sa mommy niya. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nitong maputlang pamintang nasa harap ko. Maraming naglalaro sa utak ko. Palalayasin ba kaagad ako? Hindi pa nga 'ko nakakapagsimula, tsugi na agad? Aba. Ni hindi ko man lang nabawi ang binayad ko roon sa shungang driver ng taxi na sinakyan ko. "Ma..." Napatitig na lang ako kay paminta. Actually, hindi naman siya mukhang bading. Lalaking-lalaki siya. Matikas ang tindig niya. Maayos ang pagkakagupit ng buhok niya kahit may bangs siya na parang kay Matteo Do ng My Love From The Star. Bawat kilos niya, mababakas mo ang pagiging isang hot guy niya. At... Saksakan siya ng gwapo! Panalong-panalo ang eyelashes niya, ang ilong niya at ang mga labi niyang parang ready laging makipag-rock and roll. Para siyang tubig sa gitna ng disyerto. Isa siyang malaking kasalanan para sa mga may jowa at asawa na. Isa siyang masarap na lollipop. Charot. Naaasar lang talaga ako sa pag-irap niya sa 'kin kaya paminta ang tawag ko sa kanya. Mas mataray pa siya sa 'kin! Isa pa, hindi ko naman alam ang pangalan niya. Hindi ko mamu-murder ang pangalan niya kaya babansagan ko siya sa kung anumang gusto ko. Hindi niya naman alam eh. Bakit ba? "Angel? Sinong anghel ang babali sa buto ng amo niya?" nagngingitngit pa niyang sabi with matching pa-handsome hagod pa sa bangs. After ng 10 million years na pakikipagtalo sa nanay niya ay mukhang sumuko na si paminta. Naiinis na inabot niya sa 'kin 'yung phone. Uy, iPhone 6. "Talk to my weird mother," utos niya. "Hello, weird mother?" parang tangang ulit ko naman sa huling tawag nu'ng paminta niyang anak kay Madam Clarisse nang itapat ko sa tenga ko 'yung phone. Pinandilatan ako ng mga mata ni paminta pero tumawa naman mula sa kabilang linya si Madam. "Faith, hija, I'm so sorry. Hindi ko binanggit sa 'yo na nand'yan ang unico hijo ko. I planned that so you two could have a surprising moment together, pero mali yata ang ginawa ko." Tumawa ang ginang kaya tumawa na rin ako kahit hindi ko makita kung nasa'n 'yung joke doon. Corny 'to si madam eh. "Sana mag-stay ka pa rin diyan. Ang Sir Rupert Matthew mo lang naman ang makakasama mo. He would treat you nice. Just look after him and do the daily routines and be his personal maid. Please, Faith. And don't worry about the payment. I'll double it. Just stay," mahaba pang paliwanag ni Madam Clarisse na ikinagulat ko. Ah, so Rupert Matthew ang pangalan ni paminta. Teka. Hindi naman kailangang mag-offer nang malaki sa 'kin. Hindi naman ako artista na may gano'ng TF. "Nako Madam, hindi na po kailangan pang—" Pinutol niya ang kung anumang sasabihin ko. "Just accept my offer. I'm willing to pay the necessary wage you need. Just stay with my son." Napaisip ako. Bakit ba gustung-gusto niyang mag-stay ako sa mansyon nila? Retarded ba 'yung Rupert Matthew na 'to? Disabled? O 'di kaya... O 'di kaya r****t siya? Aba. Hindi naman siguro. Dahil kung r****t siya, mauunahan pa siyang mabalian ng buto bago niya makuha ang puri ko. Blackbelter ako sa Taekwondo. At hindi dahil gwapo siya, makakaligtas na siya sa bagsik ng mga paa ko. Isa pa, mukhang 'di niya naman 'yon gagawin. I'm sure na iniinda niya pa rin ang mga pinaggagawa ko sa kanya kanina. Halos kainin na nga 'ko nang buhay ng walanghiyang paminta na 'to eh. "Kailangan ko po ng trabaho, Madam. So tatanggapin ko po. Pero hindi niyo naman po kailangang lakihan nang husto ang sahod ko. Katulong lang naman po ang magiging trabaho ko. Next decade ko pa po balak sundan si Maine Mendoza" saad ko naman na ikinatawa ulit ni Madam. Luh. Tawa-much lang? Isa pa, mukha namang cassanova 'tong anak ni Madam Clarisse. I doubt na kailangan niya pang mang-r**e. Siya 'yung tipo ng lalaki na lumabas lang ng bahay ay siguradong hahabulin na ng mga malalanding babae sa mundo. For sure, siya pa ang oofferan ng mga iyon. And, ano ba'ng pakialam ko? Hindi naman ako nabuhay para maging tagasunod lang ng mga feeling poging nilalang sa mundo. Wala akong pakialam. Trabaho ang kailangan ko. Trabaho para mapag-aral ang bunso namin at maipagamot ang mama ko. Nakita ko kung paano nagdilim ang mukha ni Pamint—err, Sir Rupert nang marinig niya ang pagpayag ko. Nakatayo lang siya at naka-crossed arms pa sa harap ko. In fairness, ang guwapo niya nga. Nakasuot lang siya ng simpleng walking shorts and sweat shirt, but his oozing s*x appeal could still buy any woman he want. God made him perfectly. Those piercing eyes, those perfetly-made lips, those thick eyebrows... Teka, ano nga ba ulit ang pakialam ko? Erase, erase. Grabe naman kasi. Siya ba talaga 'yung hinawakan ko kanina? 'Yung inakala kong magnanakaw? Kung alam ko lang na ganyan pala siya kaguwapo at ka-hot, dapat niyakap ko na rin siya kanina para naka-tsansing man lang sana 'ko. Nakapa ko man lang sana 'yung mga pandesal niya. Welll, uhm... Nu'ng pinilipit ko 'yung braso niya, naamoy ko na kaagad na mabango siya. Mygas. Amoy-baby siya. As in! Arrrrrggghh! Ano ba! Alam ko namang malanditer ako. Pero kelan pa ba 'ko naging p*****t sa amo ko? At sa lalaking kasingsungit talaga ni Sir Rupert? Erase ulit, Faith. Eraseeeeeeeeeee! Nag-peace sign na lang ako kay Sir Rupert pero lalo lang siyang nagmukhang galit. Ipinaglihi ba sa sama ng loob 'tong lalaking 'to? Ako na nga ang nagpapa-cute eh! Pigilan niyo 'ko, sasampal-sampalin ko 'to! "So, magsisimula ka na ba talaga?" paniniguro ni Madam Clarisse. "There's no turning back now, Faith." "Opo! Hindi po ako aalis. Magtatrabaho po ako rito hangga't gusto niyo, Madam. Promise!" sagot ko naman. Nilakasan ko talaga ang boses ko para iparinig kay Sir Rupert na hindi ako aalis at kailangan niya 'kong pagtiisan hanggang sa dulo ng walang hanggan. Mwahahahaha. Kahit hindi ako nakatingin ay naulinagan ko pa rin ang pagpalatak niya. Gusto kong humalakhak nang mga panahon na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko magmukhang mabait at dalagang Pilipina man lang kahit paminsan-minsan. Hah. Ano ka, w*****d character na dapat kong katakutan? Hindi kita aatrasan. Trabaho ang ipinunta ko rito at hindi ikaw, Sir Rupert Matthew Masungit Arogante Feeling Pogi Manalili. 'Wag mo lang talaga maidikit-dikit ang kahit dulo ng daliri mo sa 'kin, pasusukahin talaga kita ng dugo. Dudurugin ko 'yang equipment mo sa gitna. Let the game begin.                   Entry No. 5 I hate it. I f*****g hate this day. My mom just called and hired a warfreak witch as the new maid in this house. Hindi ko siya gusto. Sino ba namang matinong lalaki ang gugustuhing makasama ang isang amazona sa mansyon na 'to? She twisted my arms and kicked my legs na hanggang ngayon ay iniinda ko pa rin. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak ng nanay ko. I can surely handle myself. I can even cook for myself. I can wash my clothes. I can do those things on my own. Hindi ko naman kailangan ng personal maid. Meron naman akong pinapapuntang katiwala rito for a monthly maintainance. Ang nakakainis pa, mukhang masyado pang bata 'yung katulong na kinuha ng nanay ko. She's even younger than me, I think. Mukhang konting pahirap ko lang, eh bibigay na.My mom should atleast look for an older maid. Ano bang nagustuhan niya sa isang mukhang adik na babaeng 'yon? Marami namang agencies na puwedeng pagkunan. Saan niya ba nahanap 'yang ganyang klase ng babae? Ang sakit niya sa ulo. And hey, here she is. Knocking on my door and telling goodnight. Does she think I would tell her the same? Whatever. Matt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD