Faith's POV
You're on your knees begging "please stay with me..."
But honestly I just need to be a little crazy
All my life I've been good but now,
I'm thinking what the hell!
All I want is to mess around
And I don't really care about
If you love me, If you hate me
You can save me, baby baby
All my life I've been good but now,
What the hell~
"Ayan... Kawawa naman kayo," sabi ko pagkatapos kong kantahin ang "What The Hell" ni Avril Lavigne. "Andito na si mommy, 'di ko na kayo pababayaan. Stay healthy na ha?"
Nandito ako ngayon sa front garden at busy sa pagdidilig sa mga halaman. Sinamahan ko na rin 'yun ng pagtatanggal ng mga tuyong dahon para magmukhang fresh na fresh ang mga baby ko.
Actually, hindi lang 'yon ang gagawin ko para sa umagang 'yon. Tapos na 'kong magluto ng almusal namin ng pogito kong amo at maghugas ng mga hugasan na hindi ko alam kung kailan pa ginamit ni Sir Rupert. Napakagastos niya sa hugasin ah.
Kailangan ko pa nga palang magluto ng makakain para kay Sir. I mean, sa 'ming dalawa. S'yempre hindi naman siguro ako robot para 'di kumain, 'di ba? Mamaya siya ang i-grab ko kapag hindi ako nakakain sa oras. Chos.
Anu-anoo pa kayang kinakain ni Sir Paminta? Hindi naman siguro siya mapili. Bahala na. Kung ano na lang makita kong pwedeng lutuin sa ref. Mula nu'ng nagdaang gabi ay sinimulan ko na siyang ipagluto. Hindi naman siya kumikibo sa mga luto ko. Hindi na rin naman ako naghahanap ng kahit anong word galing sa kanya. Wala akong pake kahit lasang-kanal ang mga iniluluto ko para sa kanya. Eh sa ayaw akong kausapin eh. Hinihintay ko na lang siyang kumain at pagkatapos no'n ay saka naman ako kakain.
Siguro, magluluto na lang ako ng chicken adobo. Na-miss ko na ring magluto ng gano'n sa bahay. Nu'ng nawalan kasi ako ng trabaho ay ako ang naging dakilang cook habang callcenter agent naman si Fionna at estudyante naman si Felicity. Pero s'yempre, nilagang gulay naman ang niluluto ko para kay mama. Hindi kasi siya pwede sa kahit anong mamantika.
Nasa gano'ng pag-iisip ako nang mapansin kong lumabas si Sir Paminta at dumiretso sa garahe. Mukhang aalis siya. Mabilis naman akong sumunod habang hawak-hawak ang lagadera na halos wala nang laman.
"Sir, aalis po kayo?" nakangiting tanong ko. "Saan po kayo pupunta?"
Tinapunan lang ako ng isang cold stare ni sir.
Aw. Seen.
Echusero 'tong puting pamintang 'to. Sampalin ko kaya 'to?
Ngumiti pa rin ako. "Sir, ano pong gusto niyong kainin? Ipagluluto ko po kayo para ready na kapag umuwi kayo."
Bumuga siya ng hangin at nag-cross arms sa harap ko. Iyon yata ang paborito niyang gawin. Well, bagay naman dahil ang pogi-pogi niya pa rin kahit nagsusungit siya.
"Cook anything you want. Hindi ako kakain dito. Kumain ka mag-isa mo. And let me just remind you na katulong ka rito at hindi mo obligasyong tanungin kung saan ako pupunta."
I secretly gritted my teeth. Gago 'to ah! Kung 'di ko lang talaga kailangan ng trabaho, babanatan ko 'tong pamintang 'to. Kung anong iginuwapo ng mukha ay siya namang isinama ng ugali.
Hellooooow? Bilin kaya ng nanay mo na alagaan kitang punyeta ka?!
Huminga na lang ako nang malalim at pinilit kong i-plaster ang ngiti sa mga labi ko. "Okay po, Sir. Ingat po kayo."
Tumalikod ako matapos kong sabihin ang kaplastikang iyon. Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ko. Actually, kanina pa gustong mawala ng ngiti na 'yon. Pagkatapos kong humakbang ay bumulong ako. "Maligaw ka sana."
"Excuse me?"
Mabilis akong lumingon at ngumiti. "Wala, sir. Iniisip ko po kung anong lulutuin ko."
Imbis na patulan pa 'ko ay itinuro na lang ni sir ang malaking gate. Sinenyasan niya 'kong buksan iyon. Tumango naman ako, inilapag ang hawak kong lagadera sa gilid at mabilis na tumakbo patungo sa gate. Kung hindi ko lang amo ang nanay nito ni Sir Paminta, nunca kong susundin ang mga utos na kaya niya namang gawin. Baka ipalo ko pa sa kanya 'yung gate nila. Kainis.
In fairness, hindi pala talaga madaling maging katulong. Kahit iisang tao lang ang kasama ko, kahit nand'yan naman ang lahat ng mga materyal na bagay na kailangan, kahit hindi naman masyadong palakibo 'yung pinagsisilbihan ko. Hindi talaga madali. Kaya naman saludo ako sa mga taong nagtitiis na maging katulong para lang sa maliit na mahalaga.
Naks. Feeling makabayan level 9999 ako. Okay, abangan niyo ang speech ko. Aagawan ko ng mic 'yung Presidenteng hindi pa rin nagpapasagasa sa LRT hanggang ngayon sa kabila ng pangako niyang magpapasagasa kapag hindi natapos 'yung proyektong ipinagmamalaki niya. Charorot. Hahaha.
Nang mabuksan ko ang gate ay nakasakay na pala si Sir Paminta sa kotse niya. He drove his way out of the mansion. Medyo kaskasero siya, or was it just because of his sports car? Sinundan ko naman ang sasakyan niya ng isang naniningkit na tingin kasabay ng panunulis ng nguso.
"Akala mo naman kung sinong diyos," nakapamaywang ko pang sabi. "Kung ako ang magiging girlfriend no'n, sigurado akong susuko ako sa ugali nu'ng pamintang 'yon."
Natigilan ako sa sinabi ko. Bakit parang gusto ko 'yung thought na "girlfriend niya"? Matagal na 'kong walang love life. College pa 'ko nang huli akong magka-boyfriend. Pero matapos ko siyang makitang nakikipag-Harlem Shake sa ibang babae sa mismong condo niya, hindi ko na ulit pinangarap pang maghanap ng lalaking mananakit lang ulit sa puso ko. At saka isa pa, ipinagdasal ko na sa Quiapo na sana mabaog siya at maubusan ng sperm. Hinayupak siya.
At imposibleng si Sir Paminta ang magustuhan ko. Hindi 'yung gaya niya 'yung type ko. Gusto ko 'yung moreno, samantalang parang labanos ang kutis ni sir. Gusto ko ng sweet at mabait, samantalang para siyang laging nagwawalang dragon. Hindi ko rin papangarapin ang tulad ni sir dahil aware ako na mayamang-mayaman ang pamilya niya. Hindi naman ako ambisyosang frog na maghahangad ng isang mayamang nilalang. Sa w*****d lang uso 'yon. Sa totoong buhay, ang mayayaman ay para sa mga kapwa nilang mayayaman. Ang mga average na gaya ko ay dapat lumagay sa lugar niya. Pero maganda pa rin ako. Kahit anong mangyari.
Ah ewan. Whatever.
Isinara ko na ang malaking gate. Pagkatapos ay tumalikod na 'ko at tinungo ang iniwan kong lagadera. Nagugutom na 'ko. Magluluto na lang ako ng corned beef. Ako lang namang mag-isa.
O pwede ring chickencurry? Maubos nga 'yung laman ng ref nila. Mwehehehe.
Faith's POV
NALUKOT ANG MUKHA ko nang makita ko ang mga picture ni Sir Paminta. International car racer pala si Sir? And, teacher siya? Woah. Sa edad niyang 'yon, gano'n na karami ang na-achieve niya? Sa tingin ko, wala pang thirty si Sir pero napakarami na niyang na-achieve sa buhay.
Nasa living room ako at inaayos ang mga displays doon. Naisip ko na ring isa-isahing tingnan ang mga picture frame na naglalaman ng pictures ni Sir Paminta at ng pamilya niya. Nako-curious kasi talaga ako.
Hindi ko lubos-maisip na ngumingiti pala siya. Sa mga pictures niya kasi, napakalapad ng mga ngiti niya na lalong nagpapasingkit sa singkit na niyang mga mata. The more he smiles, the more he becomes a greek god.
Naagaw ang antensyon ko ng isang picture. Wala sa sariling dinampot ko iyon at pinakatitigan. Si Sir Rupert iyon. Panalo siya sa car racing dahil dala-dala niya pa ang trophy na may nakalagay na "Champion." Oy, kahit medyo tanga 'ko marunong akong magbasa ah. Nakayakap sa kanya noon ang isang babaeng ubod ng ganda. Maputi ang babae, sexy, parang diyosa ang maamong mukha at hanggang bewang ang straight na buhok.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis nang mga sandaling iyon. Ewan ko ba. Mukhang bagay naman sila dahil sobrang gwapo ni Sir Paminta at ang ganda naman nu'ng katabi niya. Girlfriend ba ni Sir itong babaeng 'to?
'Sus. Mas maganda pa rin ako.
"May nakakatagal pala sa 'yong kumag ka," bulong ko habang titig na titig pa rin sa picture na hawak ko. Dinuro-duro ko pa ang mukha ni Sir Paminta. "Ang sama-sama ng ugali mong paminta ka. Budburan kaya kita ng asukal sa mukha para mabawasan 'yang pagiging masungit mo. Bitter ka. Para kang nanguya ng ampalaya. Chakarurat ka. Assumero. Mukha kang sumasabog na bulkan," nagngingitngit kong sabi sa picture habang dinuduro ang mukha ng amo kong siraulo.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Ay paminta!" wala sa sariling nasabi ko dahil sa sobrang gulat nang makarinig ako ng isang seryosong boses mula sa likuran ko. At dahil sa sobrang gulat, muntik ko nang mabitawan ang picture. Mabuti na lang at nasalo iyon ni Sir Rupert-s***h-Sir Paminta.
Medyo kinabahan ako nang mga oras na iyon. Lalo na nang makita ko ang matatalim na tingin ni sir matapos niyang makita kung anong picture ang hawak ko. Nagtatangis ang mga bagang niya at para siyang mangangain nang buhay.
"What are you doing?" tanong niya ulit. In fairness, English na 'yung question niya this time. Rich kid talaga. In-English lang 'yung tanong niya kanina.
"Nag... Naglilinis?" parang tangang sagot ko sa nagtatanong na tono. "Kanina pa po kayo diyan, Sir? Bakit hindi ko po namalayan?"
Ibinalik niya ang picture frame sa pinagkuhanan ko. Pagkatapos ay muli niya 'kong binalingan. "Then why are you oggling at this picture, b***h?"
"Anong 'b***h'? Iritado kong ulit sa huling word na in-address niya sa 'kin. "Hindi ako b***h, Sir. Hindi pa summer kaya wala kang makikitang b***h dito. Nasa Baguio ka po."
Napapikit nang mariin si Sir, halatang badtrip na badtrip na sa 'kin. "Can you please just go to your room and rest your freezing brain?" aniya habang nakapikit pa rin.
Hindi ko maiwasang mapalunok habang nakatitig ako kay Sir. Grabe. Ang hahaba ng mga piikmata niya. Ang tangos ng ilong niya. Ang kapal ng mga kilay niya. At ang pula-pula ng mga labi niya. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Ang lean at fit ng katawan niya. Hindi super macho na parang si Johnny Bravo pero hindi rin payat. Napakaganda ng proportion ng body niya. And he's freaking hot.
Yummy.
Marahas akong napailing sa kalandiang naisip ko. Grabe. Feeling ko na-trigger ang kalandian ko sa katawan magmula nang makita ko si Sir. At, ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan.
Hindi ko alam na nakadilat na pala si Sir kaya nakita niya ang naging pag-iling ko. Kumunot nang husto ang noo niya.
"Sa'ng kweba ka ba galing?" iritado niyang tanong sa mataas na tono. Naka-crossed arms na naman siya gaya ng lagi niyang ginagawa.
Tumingin ako sa kisame at with matching lagay ng hintuturo sa baba para kunwari ay mag-isip. "Uhmmm. Sa Cavite po?"
"Damn it!" asik ni Sir. "Du'n ka na nga sa kusina! 'Wag mong sirain ang araw ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ka ba kinuha ni mommy. You freaking witch."
"Witch? 'Yun po ba 'yung kanta ni Alden Richards? Witch I may, witch I might?" nakangisi kong tanong. Nang makita kong hindi man lang lumabas ang ni isang ngipin ng ulupong na kaharap ko sa joke na binanggit ko ay ngumuso na lang ako. "Okay, corny. Sige po, aalis na po," magalang ko pa ring sagot. Oh bakit? Artista 'to huyyy.
Naglakad ako palayo kay Sir. Pero hindi pa 'ko nawawala sa paningin niya ay lumingon ulit ako. "Sir, juice gusto niyo po?" nakangisi ko pang tanong.
Sir just rolled his eyes kasunod ng isang marahas na pag-iling. "Just get out of my sight."
"Sige, Sir. Enjoy the moment. Adios!" saad ko saka nagpabebe wave.
Tumalikod ako at palihim na tumawa. 'Kala ng pamintang 'yon ha!
Rupert Matthew's POV
Entry No.7
That girl... she's a total mess! Hindi ko talaga alam kung anong ipinakain niya sa mom ko. Mom is always texting me to be nice with that freak. Hindi ko yata kaya. Sino ba naman ang matutuwa sa babaeng 'yon? Alam na alam niya kung paano mang-asar ng ibang tao.
Mas lalo pa 'kong nainis nang maabutan ko siyang tinititigan ang picture namin ni Veny. That picture was taken four years ago. Iyon na rin ang huling pagkakataon na nakapanood siya ng race ko, so memorable 'yun sa 'kin. And I hate to think na tinititigan 'yon ng bruha naming katulong. Pa'no na lang pala kung mangkukulam siya?
Lumabas ako ng bahay dahil hindi ko matiis ang boses ng Faith na 'yon. She was singing like hell. Bawat lyrics ng kantang kinakanta niya ay sumusugat sa tenga ko. Inis na inis talaga 'ko sa kanya. Maybe next week, babalik na 'ko sa Manila. And after another week, I will fly back to Korea. 'Di ko na kaya dito.
Sana makita ko muna si Veny at Micko bago man lang ako umalis. Sana kayanin ko.
Matt.