CHAPTER FOUR

1145 Words
Faith's POV NAABUTAN KO SI SIR PAMINTA na nagluluto ng breakfast nang umagang 'yon. Kabababa ko pa lang mula sa kwarto ko. Late kasi ako ng gising. Hindi ko 'yon sinasadyan ah! Napuyat kasi ako sa pakikipagtawagan sa mga kapatid ko kagabi. Hindi raw kasi maganda ang lagay ni mama at magdamag silang nagbabantay. Masakit sa ulo. Pati tuloy eyebags ko nakiki-party sa sakit ng ulo ko ngayong umaga. Nagkatinginan kami ni Sir. Nagulat ako sa kuryenteng naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Wala akong maramdamang kalokohan sa katawan. Feeling ko, bahagyang nanigas ang buong sistema ko sa titig ni Sir. Hindi siya mukhang sobrang bad trip nang umagang iyon, pero hindi rin masaya ang mga titig niya. In fairness, ang guwapo niya pa rin kahit may floral apron na nakasuot sa katawan niya. Hindi iyon nakabawas ng p*********i niya. Mas lalo siyang naging macho sa mga mata ko. Bigla kong naipiling ang ulo. Gaga, ang landi mo Faith. Nagmadali akong lumapit kay Sir Rupert. Naku. Baka mawalan ako ng trabaho kapag nalaman ng nanay niya na ako pa ang mas late gumising kesa sa amo ko. Saka na ang landi. Kailangan kong magtrabaho. "Sir, ako na po d'yan," sabi ko bago ko napansin na omelet pala ang iniluluto ni Sir. In fairness, marunong palang magluto 'tong puting paminta na 'to? Hindi kumibo si Sir. Hindi ko naman maagaw sa kanya ang kutsilyong ipinanghihiwa niya sa sibuyas dahil baka itarak niya 'yon sa 'kin dahil sa sobrang kakulitan ko. Natahimik na lang ako. "Sir, sorry po," nakatungo ko na lang sabi pagkatapos ang ilang segundo. Hindi ako umaalis sa tabi niya. Nahihiya talaga ako. "For what?" sa wakas ay tanong ni Sir. Busy pa rin siya sa paghihiwa ng mga ingredients. "Eh kasi late po 'kong nagising. Kasi naman..." Nag-alangan ako kung sasabihin ko ba ang dahilan. Pero naisip kong hindi rin naman ako papakinggan ni Sir kaya pinili kong 'wag nang ituloy ang pangangatwiran ko. Baka maisama niya pa 'ko sa hinihiwa niya, mahirap na. Ayokong maging tinadtad na Faith. "Basta po pasensya na. Kung tatanggalin niyo po 'ko, patagalin niyo naman ng one month. Kailangan ko lang talaga 'tong trabahong 'to." Hindi na naman kumibo si Sir. Ewan ko kung hindi niya naintindihan ang mga pinagsasabi ko o talagang wala lang siyang interes na intindihin ang kaweirdohan ko. Ilang minuto pa yata akong tahimik na nanonood kay Sir bago ko naisipang pumunta na sana sa garden para magdilig at pagkatapos ay maglinis ng kotse ni Sir. Palayo na sana 'ko nang biglang magsalita ulit si Sir. "If you want to stay, then stay. But please minimize your daily noise, and stop being so weird. Mukha kang adik eh." Napakurap na lamang ako sa sinabi niyang 'yon. Ano raw? Hindi na nagsalita si Sir after no'n. Pero nakikita ko sa mukha niya na maganda talaga ang gising niya. May nakain ba 'tong expired na kaya naging mabait sa 'kin? Pagkatapos ang ilang segundong katahimikan ay napangiti na lang ako. "Mabait ka rin pala, Sir!" Pagkatapos kongsabihin 'yon ay nakangisi akong lumabas ng kabahayan.     Rupert Matthew's POV "Uhm... Sir Ruru. Kumain na po kayo?" Wala sa sariling napabaling ako sa babaeng nangungulit sa 'kin. Did she really call me 'Ruru'? "What's that again?" maang na tanong ko. "Kumain na po ba kayo ng dinner?" Umiling ako. "I mean, ano'ng tawag mo sa 'kin?" Medyo napakagat-labi ang babae. Akala siguro niya ay pag-iinitan ko na naman siya gaya ng mga nagdaang araw. "Sir Ruru po. Pasensya na. Alam kong ang FC ng dating ko. Wala kasi akong maisip na itawag sa inyo eh." Biglang nawala ang lahat ng inis ko para sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng calmness at comfort galing sa ibang babae. Oo. Agad-agad. Veny used to call me "Ruru". Ngayon ko lang ulit narinig 'yon. Nakakapanibago at nakakagulat. Urgh. Why this needed to happen? Parang biglang natunaw 'yung lahat ng bad trip ko. How could this lady stay so calm despite of what I was doing? Ang mas matindi pa, sa huli ay ako pa rin ang naaasar sa mga trip niya. Mukha ngang mali ako. Parang sobra naman yata kung lagi kong susungitan 'yung caretaker na kinuha ni mommy para rito sa mansiyon. Well in fact, okay na rin naman na nandito siya. Sa ilang araw ng pagi-stay niya rito, siya na ang kumikilos sa buong maghapon. Mukha na lang siyang all-around maid. Hindi rin siya nagrereklamo kahit panay ang singhal ko sa kanya at itinatambak ko sa kanya ang lahat ng gawain. I gave out a simple smile. "Kumain na tayo, Faith." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumayo ako mula sa pagkakaupo. Medyo nagulat si Faith sa sinabi kong 'yon kaya hindi siya kaagad nakakilos at nakapagsalita. Akala niya siguro, sinasapian na 'ko. Hindi na rin ako magtataka. Alam kong magugulat siya dahil pagkatapos ng ilang araw na pagiging demonyito at cold ko sa kanya ay heto ako ngayon at ngumingiti na. At ito ang unang pagkakataon na tinawag ko siya sa pangalan niya. "Tutulala ka na lang ba d'yan?" tanong ko bago ko siya tuluyang nilagpasan para maglakad patungong dining area. Nagmamadali siyang sumunod sa 'kin. "May sapi po ba kayo? Kung meron, sabihin niyo po kung sinong sumapi sa inyo para makapag-thank you ako. Salamat, Sir!" parang batang saad niya. Napangiti na lang ako at napalingon sa kanya. "Just call me with my name. Tigilan mo ang kaka-'sir'. 'Di kita estudyante." Naupo na 'ko sa harap ng mesa. "Sure, Ruru!" mabilis siyang kumilos para ipaghain ako. "Mas guwapo po pala kayo kapag nangiti. Naks!" "Wala na ring 'po'," I added while trying very hard to conceal my smile. But I failed. "Sige na nga," sang-ayon niya matapos maihain ang dinner at maupo sa harap ko. Ngising-ngisi siya na para bang nanalo siya sa jackpot. "Ay, okay lang ba talagang sumabay ako sa 'yo ngayon?" "Oo nga," tipid kong sagot. "Thank you!" Ang mga salitang 'yon ang tuluyang bumuo sa gabi ko. This is very weird. Bigla akong natuwa sa presensya ng bago naming maid.           Rupert Matthew's POV Entry No. 12 My day was almost the same as yesterday. Ang kaibahan nga lang, medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil hindi ko na masyadong sinusungitan 'yung bagong caretaker na si Faith. Mukhang mabait naman kasi. Nakakaawa naman. Narinig ko rin siya kagabi. Hindi sinasadyang napadaan ako sa kwarto niya. Her mom is sick. She's very worried. Wala kong marinig na kalokohan mula sa kanya. Akala ko pa naman, buhay niya ang mang-inis ng tao at magsabi ng mga words na walang sense. But hearing her yesterday made me a little bit concerned. Nagtataka lang ako. Bakit kaya siya nag-apply na caretaker samantalang mukha naman siyang may tinapos? And she's even gorgeous. Parang ang weird. But it's okay not to find out. It's none of my business. Matt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD