Faith's POV MALUNGKOT KONG TININGNAN ang mga pictures namin ni Rupert sa phone ko. O mas tamang sabihing sa phone na binigay niya. Nakaupo ako sa kamang ilang buwan ko ring ginamit. Ito na yata ang huling beses na makakahiga at makakaupo ako sa kamang 'to. Ito na 'yung huling beses na tutuntong ako sa kwartong 'to. Sobrang bigat sa pakiramdam na kailangan ko nang umalis sa bahay na 'to... at sa buhay ni Rupert. Nangilid ang mga luhang kanina pa nagpupumiglas mula sa mga mata ko. Hindi ko akalain na sa ganito matatapos ang lahat. Hindi niya man lang ako pinagpaliwanag. Hindi niya man lang siya naniwala na hindi naman pinlano ang lahat. Gano'n na lang ba 'yon? Dahil walang commitment, madali na lang sa kanya ang lahat? Ikinulong niya ang sarili niya sa isang maling impormasyon. Tinanggap

