Faith's POV ALAS SAIS ng umaga. Gising na ka'gad ako. Pagkatapos kong maligo at mag-toothbrush ay lumabas na kaagad ako ng kwarto para simulan na ang araw ko. As usual, gagawa na naman ako ng mga simpleng gawaing bahay. Para akong nagpa-practice para maging may-bahay someday eh. Dumating nga pala kahapon 'yung maintainance team na nag-aalaga sa mansiyon ng mga Manalili. Ang dami nila! At in fairness, rest day ako kahapon dahil sila ang nag-asikaso sa buong maghapon Sinubukan ko na lang tumulong sa mga madadaling gawain. Hindi ko na rin kinailangang magluto dahil nagpa-deliver na lang si Rupert ng pagkain para sa lahat. Pumanaog na 'ko sa hagdan. Nasa kalagitnaan na 'ko ng pagbaba nang maabutan ko si Rupert sa living room. Napahinto ako sa pagbaba at napatitig lang sa kanya. Nakatalikod

