Chapter 44 - Hopeful

1307 Words

Naalimpungatan ako sa pagtunog ng aking cellphone. Sinubukan kong balewalain iyon pero hindi iyon tumigil sa pag-ring. Napaungol ako at tinatamad na inabot iyon buhat sa bedside table. “Hello?” aniko sa inaantok na boses. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino man ang tumatawag. Sigurado naman akong maalin kina Ron at Michelle lang iyon. “Girl! Kailan na nga ba ulit ang flight mo?” masiglang bungad agad sa akin ni Ron habang ako naman ay napamura sa isip. Ang walanghiyang ito! Ang aga mambulabog! Napahilot ako sa noo. Wala man lang pakialam ang kaibigan kong ito kung tulog ba ako o hindi. “Next Monday.” Tumili muna si Ron sa kabilang linya saka nagsalita. “Siguraduhin mo lang! Baka naman bukas bukas sabihin mo na naman na hindi ka pala makakauwi! Nangigigil na kami ni Michelle sa’y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD