"Wala pa ba ang sundo mo?" Tanong ni Oli sa kanya ng madaanan siya nito sa shed sa labas ng campus. "Wala pa nga e. Tinatawagan ko naman pero walang sumasagot." Kahit parang gusto ko ng mainis ay mas lamang pa rin ang kaba na nararamdaman ko. Nag-aalala akong baka may kung anong nangyari kay James habang nagbabyahe papunta rito. Muli kong dinial ang numero ni James pero unattended talaga. Tineks ko na rin siya pero wala namang reply. Hindi rin ito naka-online sa social media accounts niya. "Sino ba ang hinihintay mo? Papa mo?" "I'm actually waiting for my boyfriend." Tumingin ako wrist watch ko. Mag-aalas sais na pala. Halos isang oras na akong naghihintay rito. Naalala kong tawagan si Kate. Naka-limang dial na ako pero busy tone lamang ang naririnig ko. Ang last resort ko ay tawag

