"Anong apo?" Naiinis na tanong ko rito. Iba rin talaga itong nobyo ko. Alam na nga niya na bad trip ako ay talagang ginagatungan pa nito para lalo akong mainis. "Apo. Grand kids. What else do you think?" Natatawa pa nitong tanong din sa akin. Akala mo naman hindi ko alam kung ano ang gusto nitong sabihin. "Hindi ganun kadali ang sinasabi mo. I am not liking your joke, James." I dismissed him. "I'm just kidding, sweety. Cheer up! Let us enjoy our night together." Sabi naman nito at inakbayan ako. "Mabuti pa nga." Yumakap ako sa bewang ng nobyo. "Sorry. Minsan talaga dumadating ako sa puntong ganito." "Okay lang yan. Natural naman yata sa mga babae ang tinotoyo." Nakangisi itong tumingin sa akin. Kinurot ko siya sa tiyan ng pinong-pino. Umaray naman ito. Hinuli ang kamay ko. James

