“Katie! Sissy come over here.” Tawag ni Gelly kay Kate ng matanawan kaming papalapit. She is surrounded by her new found friends. Yun mga friends na dito niya lang nakilala sa party. Gelly is really a social butterfly. Siya talaga ang klase ng babaeng dapat maging asawa ng isang mayamang negosyante. In short, mahilig pumarty at magaling makipag-plastikan. “Let’s go there.” Kate whispered to me. Nakaabri-syete pa rin ito sa akin. Hindi na rin ako sumagot. Napako ang tingin ko sa katabing lamesa kung saan nakaupo sina James. Pito silang nakaupo palibot sa mesa. Limang lalake at dalawang babae. Nanliit ang mga mata ko sa kakatingin sa katabing babae ni James. Hinawakan kasi nito ang kamay ng aking nobyo at hinimas. Mabuti nalang at tinanggal ni James ang kamay nito. “Are you having fun, gu

