“You can stay in our house habang wala ang parents mo.” Kate offered me. Nandito na kami sa mansion nila. Nasa kwarto niya to be exact. Inaayos ko ang mga gamit ng bata para hindi na ito mahirapan mamaya. “Hindi na. Kaya ko naman mag-isa sa bahay. At tsaka, wala naman sigurong maglalakas loob na umakyat ng bahay namin. At tsaka if ever man, imposibleng hindi niyo marinig ang sigaw ko o kaya naman makita ng guard niyo.” “Hindi mo naman masasabi ang panahon ngayon, Andeng. Malay mo bigla ka nalang akyatin diyan sa inyo ng ex mo na bitter at saktan ka.” “Ang wild ng imagination mo. At tsaka ilang araw na kaming hindi nakakapagbukas ng tindahan. Sayang naman ‘yun kikitain, Kate.” “Pwede ka naman magtinda sa umaga o hanggang gabi pa. Pero dito ka matutulog sa amin. I want nothing but your

