NAPASIMANGOT ako ng maalala ang sinabi ni James kanina. Batang-ina. Anong akala niya sa akin dati, easy to get? Tumingin ako sa batang katabi ko sa kama. Payapa itong natutulog habang nakayakap sa Peppa Pig nitong manika. Seanna asked me earlier about her mother. Hindi naman ako nahirapang i-explain rito na nasa hospital ang mommy nito at lumabas na ang kanyang baby brother. Ito pa mismo ang nagsabi sa akin na matutulog na siya para daw pagkagising niya ay narito na si Sean Karlos at ang mommy at daddy niya. Hinimas ko ang buhok ng bata at bahagyang napangiti. Dahil hindi ako mapakali sa aking kinahihigaan at para hindi ko magising si Seanna ay nagdesisyon akong bumangon mula sa kama. Pumunta ako sa may bintana at sumilip sa labas. Wala naman akong ibang masilip kundi ang hardin at ang

