Pinuntahan ko si James sa tinutuyang villa upang sana sabihin ang tungkol kay Gelly. Pero hindi ko siya mahagilap. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Baka pinuntahan ang babae sa kabilang resort upang sunduin. Now I know kung bakit niya ako inaya dito sa resort niya. Para kunwari ay hindi niya alam na nandito si Gelly at syempre para wala akong magawa at tanggapin nalang ito rito. "Penny for your thoughts, ma'am?" Napalingon ako at nakita si James na nakangisi at may bitbit na bagong huling isda na nakalagay sa isang basket. Samantalang si Brando naman at may bitbit na dalawang plastik ng uling. Mukhang mag-iihaw ang mga ito. "Saan kayo galing?" Kahit pa alam ko na ang posibleng maging sagot. "Sa may port. We bought fish for our lunch." Sagot ni Brando sa tanong ko. "Ah, okay." Iyon lan

