Naabutan ko si Kate na pinapaarawan si Karlos sa may garden. Maaga akong umuwi kanina sa bahay para maligo at magbihis dahil magsusundo kami ni James kina nanay sa airport. Alanganin kasi ang byahe ng jeep mula sa airport. Tumawag si nanay kagabi na mag-hire daw ako ng tricycle na magsusundo sa kanila. Sakto naman na katabi ko si James kaya nalaman nito at nag-offer na sila nalang ang magsundo. “Good morning, baby Karlos. Bakit hindi pa kayo pumapasok? Baka masakit na sa balat ni SK yun araw?” Mag-aalas otso na kasi kaya hindi mo maiwasang mag-alala para sa baby dahil iba na ang sikat ng araw ngayon. "Hindi pa naman. At tsaka hindi naman direct sunlight kasi may mga puno." Aalis na ba kayo?" Tanong ni Kate ng makitang nakapag-bihis na ako. "Hindi pa naman. Baka around nine p

