Dahil nga sa plano nilang mag-night out after dinner ay nauna na akong nagpaalam na umuwi. Buo ang loob kong huwag sumama sa mga ito kahit na sabihan nila akong kill joy. Lalo pa ngayon at nagngingitngit ang puso ko sa inis kay James. “Pasensiya na talaga, guys. Kahit gustuhin ko mang sumama sa inyo ay hindi ako papayagan ni nanay. At tsaka gusto ko na rin talagang magpahinga. It has been a tiring week for me.” “Hindi naman tayo magtatagal doon. Hanggang alas-dyes lang din naman ang paalam ko sa asawa ko. Kami na mismo ang maghahatid sa’yo doon sa bahay niyo.” Pamimilit ng isa kong co-teacher na may asawa na pero walang anak. “Oo nga, Andeng. Ngayon lang naman tayo makakapag-bonding ng kagaya nito. Hindi naman tayo maglalasing, it’s more of getting to know each other and enjoying once

