“It’s his decision, sissy. Hindi niya naman gagawin iyon kung hindi niya pinag-isipang mabuti.” Kate is trying to appease me. I asked for her advice. “Pero iyon ang business na pingarap niyang itayo dati pa.” At dahil sa kaartehan ko nawala iyon kay James. “You know what? Don’t make things so complicated. Gusto ni kuya na magsimula kasama ka at ang baby niyo. At ang alam ko matagal na niyang ibinibenta iyon sa daddy ni Tristine. Ayaw pumayag ng matanda dahil nga hindi pa rin nito matanggap na hiwalay na silang dalawa. See? Yun tatay na ang humahabol sa kuya ko. Kaya kung ako sa’yo, huwag mo ng pakawalan ‘yan.” “Wala naman akong balak. Naiinis lang ako para sa sarili ko. Tapos pinagselosan ko pa si Tristine kahit na may asawa na pala ito.” Humalakhak si Kate na parang bruha. Parang

