"Diyos ko! Dito niyo pa talaga naisipang gumawa ng milagro sa sala?" Gigil na tanong ni nanay sa aming dalawa. Parang gusto niya na akong sabunutan sa sobrang inis. Malamang na mainis ito sa akin. Sinong nanay ang matutuwa sa nakita niya kanina? Umayos kami ng upo pareho ni James. Napayuko ako ng makita ang mga tinging ipinupukol ng ina sa akin. Nakakahiya naman kasi talaga ang naabutan ni nanay na posisyon namin ni James. Napapangiwi ako habang iniisip kung paano kami umabot sa ganuong sitwasyon. It's all my fault. I behaved like an impulsive teenager. Naramdaman ko ang paghawak ni James sa kanang kamay ko. Parang sinasabi nitong okay lang ang lahat. Ang problema kasi hindi okay ang lahat para sa akin. Dahil alam kong katakot-takot na mga salita na naman ang makukuha ko sa ina. "Mabu

