“Okay, Cara, deep breaths. Kaya mo ito. Kaya natin ‘to. We’ve come this far, konting push na lang girl,” udyok sa akin ni Val habang nakauyo ako sa inidoro at sinusuka na ang bituka ko. Sobrang kabado ko na mag testify sa harapan ng mga kaibigan at pamilya ko, lalo na sa harapan ni Jaxx. At Lalong lalo pa na naroon si Collin at ang maldita niyang abogada. Sa kabuoan ng litigation namin, sa ilang beses kaming nagkita sa korte, lagi lang syang nakangisi sa akin at tila bang hinuhubaran ako sa mga tingin niya. At hindi nya rin pinalampas na kutyain si Jaxx. Noong nag salita sya, malapit na syang sugurin ni Jaxx dahil sa mga parinig nyang bastos at puro kasinungalingan. Halos lahat ng sinabi nya ay kabaliktaran sa mga nangyari. Gumagawa sya ng kwento na ako ang umakit sa kanya at biktima lang

