“Objection, Your Honor!” biglang angal ni Atty. Yara. Sabay nilang hinampas ang kanilang mga kamay sa mesa. Napawi ang lahat ng yabang nya at sa isang iglap namutla sya na parang kabuki dancer. Kahit si Jaxx napanganga nang makita namin syang pumasok mula sa kanang parte ng silid. “Ano na naman ngayon, Atty. Yara? Ano, hindi nyo na ba patatapusin ang kasong ito?” galit na tanong ni Judge. Nang hindi makapagrason ang abogada, hiyaan ng huwes na maupo na ang witness. Kaming lahat nakatutok lamang sa kanya hanggang sa makaupo sya sa stand. Pormal at konserbatibo ang suot nitong burgundy na shift dress na may cap sleeves at nagtatapos sa may tuhod nya. Hindi sya naka killer heels ngayon, kundi three-inch stilettos lang na kulay itim. “Please state your name.” “Grac

