Kinabukasan nang makita kong wala na si Jaxx sa kinahihigaan nya, lumubog ang puso ko. Alam kong hindi ko dapat inasahan na nandiyan pa rin sya pagkagising ko. Tingin ko rin naman siya rin ayaw ipagpilitan ang sarili nya. Baka tingin nya sumosobra na sya kapag nagising ako na nandirito pa sya. Pero baka naman hindi sya umalis kapag inaya ko sya? Kahit ano pa man ang rason, masaya na ako sa ginagawa nya para sa amin mag-ina. Sapat na iyon. Dahil siguro sa nasanay na ako na lagi nya akong sinusundo, nalungkot ako nang hindi ko sya makita sa callroom namin pagkatapos ng rounds. Hindi rin siya nagtext na male-late sya o kung anuman. Baka busy lang sya? Hay naku, Cara, hindi lang ikaw ang inaatupag nun. May kumpanya pa siya. Stop hoping, madiin kong paalala sa sarili habang

