Secret Fortress
Sa luma at bagong tipan, naitala na noon pa man na ang witchcraft at wizardry ay gawaing daemonic o satanic. Ito ang nagpapalakas sa puwersa ng kadiliman at sa dakilang manghihimagsik na nakaupo sa trono ng kailaliman na si Murk. Ang walang habas, mabagsik, at mapanlinlang na taga-supil sa dakong kailaliman.
Ang puwersang nagpapalakas kay Murk ay ang kabaliktarang naidudulot kay Lucid, ang dakilang tagapagligtas.
Sa kabutihang palad, nasa lumang kasulatan ay naitala ang mga tagapagtanggol ng pananampalataya. The defender of the faith. Mga apostoles na hinirang ng dakilang tagapagligtas sa mundong ibabaw upang mamahayag, magturo at magtanggol ng mga inuusig at nalilinlang sa kapangyarihan ng dakilang manghihimagsik at ng kanyang mga habas na tagasunod.
Naitala sa bagong tipan ang pagkatalo ng dakilang tagapagligtas ganoon din ang mga apostoles nito. Ang pagpapataksil sa kanya sa trono ay nagdulot ng mapait at madugong bunga sa mga taong namumuhay sa mundong ibabaw.
Talamak ang p*****n, gutom, sakit at kung anu-ano pang mga problema na dumapo sa mundong ibabaw. Marami na ang nawalan ng pag-asa na bumalik ang dating mapayapang mundo, marami na ring nalihis ng daan. Pinapatay ang sarili upang matakasan lamang ang sakit at pighati. Pero may mga tao pa ring totoo at tapat sa kanilang bokasyon.
Makapangyarihan ang dakilang manghihimagsik, pero may kakulangan ito, may hangganan at higit sa lahat, mayroong mga bagay na hindi niya maaaring manipulahin. Ito ay ang pasukin ang kaisipan ng isang taong may malinis na hangarin. Mga taong mabubuti. Kung gaano siya kalakas sa kasamaan ay ganoon naman siya kahina sa kabutihan.
Goodness makes him weak and vulnerable.
Pero ang tanong ng karamihang hangad pa rin ang kapayapaan, paano makakabalik ang dating tagapangalaga ng sanlibutan? Kung nangamatay na ang lahat ng mga apostoles nito, sino na ang papalit sa mga ito? Kung siguro'y tao lang ang mundo, maaaring nagkibit-balikat na ito.
***
Sa kadiliman ng araw, ang makakapal at kulay lila nitong ulap na naghalo ang kahel at pula na animo'y wala nang bukas ang mundong ginagalawan. Sa kung saan tumatama ang mga matutulis nitong kidlat na sinasabayan ng malalakas na kulog.
Hindi na kailanman makilala ang dating masiglang mundo, halos tuyo ang ilang mga sapa, puno ng basura, isabay pa ang walang hanggang hindi pagkakasundo ng halos lahat ng rehiyon maski na rin ang mga karatig-bansa. Kailan kaya makakamit ang inaasam na kapayapaan at pagbabago? I bet, hindi ngayon.
Sa malayong kabihasnan ng mundo, may mga taong biniyayaan ng kakaibang abilidad na naghanap at nagtipon ng mga gaya niyang nilikha upang maging kapakipakinabang sa panahong gaya ng nangyayari sa kasalukuyan. Umabot ng maraming taon ang kanyang paghahanap, bilang sa kamay, subalit mas naging dalubhasa siya, gumawa ng mga imbensyon na magtuturo sa kanya kung nasaan ang mga nilalang na ito.
Naging matagumpay ang kanyang paghahanap, nagtayo ng nayon na pinalilibutan ng makapal na pananggalang at 'di patitibag na harang nagawa sa pinaghalong matitibay na likas na elemento.
Ang nayon ay kompleto sa pasilidad na nagbibigay suporta at kaginhawaan sa mga taong nangangailangan. Dito ay mayroong Akademya, institusyon na naglalayong pahusayin at palakasin ang mga taong may kakaibang kakayahan. Kompleto sa mga kagamitang pandigma. Advancement of technologies. At kung anu-ano pa.
This secret society was named The Secret Fortress. At ang mga taong napapaloob dito ay tinawag na mga Êççëntrîçs. Eccentric means oddity, pagkakaiba sa normal na lahi. Dugong kakaiba na hindi dumadaloy sa ugat ng simple at normal na tao lamang. Upang maging kaisa ka sa mga taong hinirang, you must have the hidden birthmark. Hindi iyon nakikita ng isang normal at masamang nilalang, bukod tanging mga hinirang lamang ang may kakayahang makakita nito.
Hinahasa ang lahat upang ihanda sa pagbawi at pangalawang paghuhukom. Nalalapit na ang ikalawang delobyo na babaha sa mga nilalang na hindi karapat-dapat sa mundong ibabaw. Isa ka ba sa mga nilalang na magpapatangay sa poot ng tagapagligtas o isa ka sa mga hinirang? Mahaba pa ang oras mo sa mundong ibabaw, pero ang paghuhukom? Maaaring bukas, sa ibang araw o kahit sa anumang pagkakataon.
Your misdoings are being watched and recorded. They might use it to put you down on the sulfur of fire. Ang bagang dulot ng poot ng dakilang tagapagligtas na tutupok at susunog sa makasalanan mong kalulwa.
Become an eccentric and you'll be saved from any harm. We must be vigilant. We must outvie the incoming mayhem.