Chapter 1: Eloped
"Umuwi ka na namang lasing, Armando! Por Diyos, por santo! Wala ka bang ibang alam na gawin bukod sa paglaklak ng pesteng alak na 'yan! Ha! Kung sana'y naghanap ka na lang ng trabaho upang magkaroon ka naman ng silbi sa pamamahay na ito!"
Alas otso y medya na ng gabi, kauuwi na naman siguro ni papa. Nagtakip ako ng tainga ko dahil sa labis na kalungkutan. Hindi ko malaman kung bakit nagkaganito na siya, hindi naman siya ganoon dati. Ipinatong ko ang aking ulo sa dalawa kong tuhod at niyakap ko ang mga ito.
Mabuti siyang ama at hindi kailanman nagkulang sa amin nina mama at nang bunso kong kapatid, subalit simula noong lumipat kami rito sa syudad ay unti-unti na siyang nilalamon ng kasakiman. Sarili na lamang niya ang iniisip niya, natanggal siya sa trabaho na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Hindi na niya kami sinusustentuhan lalo na sa pag-aaral ko, pero sino pa nga bang mag-aaral sa panahon ngayon? Ni wala ngang matinong paaralan. Wasak na wasak ang mga imprastraktura na magpapaunlad sana sa lugar namin. Maliban sa kulay abo at kayumangging kulay ng mundo, ang lila, kahel at pulang kaulapan, ang madalas na pagkulog at pagkidlat, bukod doon anu-ano pa bang interesanteng mga bagay na magpapawala sa mapang-usisa kong kaisipan?
"Huwag mong pakikialaman ang mga pinaggagawa ko, Amanda!" hasik ng aking ama na umalingawngaw sa aking pandinig. Nagbago na siya, hindi na siya ang papa ko. Hindi na siya 'yong papa kong hinahalikan ako sa noo kapag nakatulog na ako sa mga bedtime stories niya, kinakantahan din niya ako noon at minsan bubuhatin ako at saka isasayaw kahit na mabigat na ako. He suddenly changed. Tila naging abo bigla ang lahat nang maparito kami sa syudad.
Bumukas ang pinto at niluwa nito ang gegewang-gewang kong ama. Hilong-hilo at lunud na lunod sa kalasingan. Nang marating ang aking kama ay saka siya roon umupo, sa may dulong parte nito. Pulang-pula ang kanyang mukha dulot ng alak.
Linunok niya ang naipong katapangan sa sarili at saka umangat ang mukha niya upang pantayan ang aking mga paningin. Kahit siguro ganito si papa, kahit na nagbago na siya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi siya patawarin. Kumawala ng isa-isa ang aking mga luha hanggang sa naging tuluy-tuloy ito na sinabayan pa ng aking paghikbi. I thought I'm strong enough.
He holds my hand, umiwas ako sa seryoso niyang mga mata.
"Patawarin mo si papa, ha? I may not be the coolest papa ever but I assure you na ako 'yong papa mong matapang, please forgive me 'nak..." bawat gabi niya itong sinasabi, hindi ko alam kung malilimutan ko ba iyong mga katagang iyon, maaaring hindi. Hindi ako sumagot sa halip ay tumango lang ako sa kanya without even looking at him.
At saka siya lumapit sa akin and kissed me on my forehead. Naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang luha sa aking kulay puting pajama. Dahan-dahan siyang tumayo at gumewang-gewang na lumabas ng aking silid. Nang maisara niya ang pinto ay doon mas lalong dumausdos pababa ang aking pinipigilang pag-iyak. Napatingin ako sa kalapit na mesa sa tabi ng aking silid, it was my family picture. Ang laki ng ngiti ni papa doon. Humiga ako at napatitig sa kisame saka naglaro ang aking isipan. How can I restore you papa?
That very own moment is my childhood memory and my family's bad luck. Tandang-tanda ko pa iyong mga katagang palaging sinasabi sa 'kin ni papa. Matagal-tagal na rin 'yon. Bata pa kasi ako noon compare now. Seventeen years old na ako.
I left my family dahil sa palagi na lamang silang nag-aaway ni mama. Naglayas ako dahil gusto kong mag-aral, gusto kong maiahon ang pamilya ko sa hirap. Sa kabutihang palad ay may sikreto at tagong institusyon ang nag-alok sa akin. Noong una ay maganda naman pero noong tumagal ako sa loob, doon ko nakita ang maling gawain ng institusyong pinasukan ko.
May tumulong sa aking lumabas sa malupit na paaralan na iyon. Hinding-hindi ko malilimutan ang kanyang pangalan, at sa kanyang mabuting kalooban.
Freya ang kanyang pangalan, hindi ko alam ang kanyang apelyido dahil mas mahalaga raw ang mailabas ako sa makamundong paaralan na iyon.
"Go! Join an alliance, balikan mo kami rito at palayain din gaya ng mga ibong masayang naipapagaspas ang mga pakpak dahil sa kapayapaan, I will wait for you, Thesygnee..."
Muli kong naramdaman ang kanyang mga yakap at ang pagpatak ng kanyang mga luha, ang luhang saksi sa paghihirap nila.
"Promise ko po 'yan ate, babalikan ko po kayo rito.."
May dala akong bag na pinabaon sa akin ni Freya, upang hindi raw ako magutom sa paglalakbay, she also gave me a map kung saan ako tutungo at manghihingi ng tulong. Hinding-hindi maalis sa aking isip ang buong pangyayari sa mga panahong iyon.
Sinakop ng liwanag na nagmumula sa maraming bola ng apoy na kung saan ang direksyon ay pasalungat sa tinatahak kong direksyon. Patungo ito sa tinakasan kong lugar and in a snap, sa maiksing minuto lamang ay tinupok at winasak nito ang mga naroon. I hid myself dahil may mga aninong may pulang mga mata na patungo sa lugar na iyon. They are very scary, at nangatog ako sa aking pinagtataguan na luma at sirang sasakyan.
At nang mapagtanto ko ang lahat ay saka ako umiyak nang umiyak ng makitang tupok na sa abo ang lahat. Wala na 'yong taong sa maiksing panahon kong nakilala ay tinulungan ako na imbes sarili niya dapat ang inisip niya ay hayon at inalis ako sa lugar kung saan sila naman ang nagdusa.
Nakabalik ako sa bahay namin, ang noo'y mga kongkretong mga pader ay himalang tinubuan at tinabunan ng mga luntiang mga halaman. Kahit papaano'y bumabalik na sa dati ang kulay ng mundo pero tiyak kong matatagalan pa ito. Narating ko ang harapan ng aming bahay, pansin ko ang napakalinis na bakuran at kalsada sa pagitan ng mga bahay-bahay. Walang mga tao sa kalye.
Napakunot-noo ako nang may makitang patak ng dugo sa harap ng aming pintuan. When I tried to twist the knob ay nagulat ako kung bakit bukas ito. Nang tuluyan ko nang makita ang loob ay doon ako nanlumo, napatakip ako sa aking bibig ng makita ko ang aking mga magulang at ang bunso kong kapatid. Their flesh aren't visible dahil kalansay na lamang ang natira sa kanila. Dumaloy ang aking mga luha, ang bigat sa pakiramdam na wala na sila.
I screamed in pain habang yakap-yakap sila, nagkulong ako sa kwarto ko. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa tila naubusan na ang mga mata ko sa pagsuplay ng luha. Namumugto kong tiningnan ang aking sarili sa salamin, ang picture frame namin. Nasapo ko ang aking bibig ng magtangka ulit itong humikbi.
"Sinong walang habas na gumawa sa inyo nito?" galit na sigaw ko. 'Yon lamang ang alam kong gawin dahil wala naman akong kakayahang maibalik sila ng buhay.
Saka nabaling ang atensyon ko sa mga kaluskos na naririnig ko sa labas ng aming tahanan. Kung siguro'y nanlaban ako sa mga oras na iyon ay mananatili kaya akong humihinga kung sakali naabutan kami ng kampon ng kadiliman?
Pero kung 'di dahil sa kanila ay 'di ako mabubuhay ngayon. I might also be one of the ashes out there na pinagpipyestahan ng mga kulto.
At dahil sa kakayahan nila na hindi ko lubos maunawaan at hanggang ngayon ay tila ba nasa isang fantasy story series lang ako. Na para bang nanonood lang ako ng palabas pero hindi, they are f*****g real. Totoo ang mga apoy nila sa kamay, ang pagpapalipad nila ng mga bagay using their minds at marami pang nakakabilib na pangyayari 'di ko lubos maisip na nagagawa nila.
And they welcomed me here in this institution called Secret Fortress or in short Fortress. Hindi ko alam na ang isang Eloped Daughter ay mabibigyan pa ng isang pagkakataon upang mabuhay at makabawi sa kasalanang nagawa niya. And that's me, isa akong run away daughter and a sinner. Hindi ko man lang naipagtanggol ang pamilya ko sa mga walang pusong mga demonyo na gumawa sa kanila ng ganoon.
Eloped daughter, hindi iyong tumakas na patago upang magpakasal sa lalaking mahal kundi tumakas ako dahil buo ang desisyon ko kaso sa kasamaang palad, hindi ako ikinasal sa taong gusto ko, kundi sa delobyong hinarap ko. I was married to the problems and those problems are following me until now.
"I am eccentric without any type of ability, pero mayroon akong isang bagay na nagpapaiba sa akin dito sa loob ng fortress, iyon ay ang aking tapang at katapatan sa dakilang tagapagligtas." I said that in front of my masters and co-apprentices.
Dahil ang pamilya ko ang sandata ko, ang kanilang mga alaala at mga payo, ang kanilang motibasyon at pagbibigay-aral. Ni kailanman, hindi matutumbasan ng kahit anumang materyal na bagay o kahangalang desisyon.
I am Thesygnee Yttria Sagan, handang pagbukludin ang lahat ng aspeto sa buhay upang maibalik lamang ang kapayapaan sa mundo. I am willing to offer my one and only life for the salvation of the world and the whole universe.
I am not a product of good deeds but a product of bad deeds.
I am a sinner.