Chapter 16: New
Naninibago ako sa kalagayan ko, sanay naman ako noong ganito, mag-isa, mag-isang lumalaban sa agos ng buhay.
Niyakap ng aking mga kamay ang braso upang ibsan ang lamig na nararamdaman. Mag-isang naglalakad sa hamog at sa loob ng mapanganib na gubat. Dala ang nag-iisang sandatang handang lumupig ng sinumang hahadlang sa aking daraanan.
Namutawi ang gutom sa aking sikmura't lalamunan ngunit pinilit kong ikubli ito dahil may kaunti pa naman akong kalakasan.
Nahinto ang aking walang humpay na mga paghakbang, isang mabangis na hayop ang namataan sa aking harapan, hindi ito kalayuan sa aking kinatatayuan, tumugtog ang kaba sa aking dibdib tila ritmong tuloy-tuloy ang himig.
Subalit lumapit ang hayop na animo'y isa akong pagkain sa parang. Naglalaway at nagngangalit ang mga kalmot sa kamay. Kung bakit ba nagpapariwa ang haring leon dito sa gubat?
He growled at inilabas ang kanyang pangil na sobrang talim. I even saw it sparkling. Tapos ay humiga siya na akala mo foam ang linundagan ng katawan, so I used my ability to slowly brought him to the ground.
Naghihikaos, mabilis ang mga paghinga. Nang lapitan ko ang kawawang animal ay nakitang may tama ito ng pana sa bandang tagiliran niya, sumisirit ang sariwang dugo, nangingitim ang bibig at bumubula ang laway nito.
He is being haunted and unluckily have been poisoned.
Hinawakan ko ang pana at walang sinayang na oras, hinugot ko ito, umungol siya ng sobrang lakas. Tila umiiyak sa pamamaraan nila. This is how they cry. Huminga ako ng malalim. I caressed the part where it was really affected.
"Just calm, hindi ito masakit." I said as if sasagot ang leon sa akin.
My hand glowed, tila gintong tunay. Kumikinang ang bawat mahaplusan kong parte sa katawan ng leon. Napakarami ang pinsala niya, subalit himalang natutugunan ng aking kakayahan. Isa itong milagro, hindi ako aware na kaya nitong magpagaling ng sugat.
Pagkaraan ng sandali ay naghilom na ang sugat nito, naging pantay ang paghinga at panatag na ang takbo ng kanyang puso. Kumilos ito at saka umupo na parang maamong tuta, dinilaan ako sa kamay, nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.
"Walang anuman..." I said na sinagutan ang paraan niya ng pasasalamat. Kahit na hindi ito makakapagsalita sa pamamaraan namin, alam kong may lenggwahe din silang ginagamit.
Kumilos ito, tila pinapasunod ako, dinadala sa kung saan, wala naman akong maramdamang mali sa paligid.
Naglakad kami sa mga sulok-sulok na daanan, mga yungib na sobrang mapanganib. Pero natanggal ang aking pangamba nang makita ang isang nayon, maliit na nayon, may iilang mga residente, pinalilibutan ng mga nagsisitayugan na puno.
"Ang ganda..." hindi ko maiwasang hindi mamangha.
Pero mas namangha ako nang mag-ibang anyo ang leon. He formed into someone. Ang bulky na pangangatawan kanina'y naging malapat at matipuno. Umiwas ako sa pagkakatitig niyon ng malamang nakatingin siya sa akin.
He's topless! Shutangina!
Narinig ko ang mga paghakbang niya. "Maraming salamat pala sa'yo..." tumingin ako sa mga kamay niyang nakalahad sa aking harapan. Disregarding his toplessness.
Maputi siya at tila kumikislap ang kutis sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw. Pero kahit walang araw ay nagagawa pa rin niyang pakislapin ito.
"I'm Dylan Lisandro, the youngest yet toughest leader in this small town..." mahangin niyang pagpapakilala. Bigla kong naalala si Void.
"A-ako nga pala si Tria Sagan." I smiled as we shook our hands.
Simula sa araw na iyon, biglang nagbago ang lahat sa akin. Pinilit ko ang sariling baguhin ito para sa bago kong kapanalig.
Sino bang tama sa mundo? Hindi naman masama ang maging mali, tao lang ako at kailangan ko ng kalinga. Kailangan ko ng mga karamay.
Ipinakilala niya ako sa mga naninirahan doon, at ang katiting lang na alam nila tungkol sa akin ay isa akong manggagamot. Iyon ang kinikilala nilang abilidad ko sa nayon na ito.
"Ate! Tara po magpalipad po tayo ng saranggola sa burol!" maligayang usal ni Dos, batang lalaki na sobrang kulit. May nakakaantig siyang bilugang mata na kulay kayumanggi.
Tumingin ako kay mama Fey. Siya na ang kinilala kong ina rito sa bayan. Handa naman siyang sakluluhan ako at inampon pa ako, binihisan at pinakain.
Tumango siya nang mabatid ang aking nais.
"Salamat po, Ma." I said and kissed her on her forehead.
"Mag-iingat kayo roon." paalala niya.
"Opo.." pinisil ko ang kanyang mga palad.
Nang nasa malapit na kami sa tarangkahan ay doon ko naman narinig ang pangalan kong isinisigaw ni Dylan. Suot niya ang luma niyang damit. Walang mapagkunan ng mga gamit dahil malayo sa kabihasnan ang syudad.
"Saan kayo paroroon?" tanong niya nang makalapit sa amin.
"Lalabas lang, pupunta kami sa burol.." sagot ko.
"Magpapalipad po kami ng saranggola pinuno! Sasama po ba kayo?" nakangiting saad ni Dos. Hawak ang sinulid, hawak ko naman ang kanyang saranggola na gagamitin.
"Mainam, pipitas ako ng prutas sa paligid, maayos ang simoy ng hangin ngayon, maganda magpalipad ng saranggola." ngiting usal niya.
Ngumiti ako. "Sakto lang pala, tara na."
Nang makarating doo'y kaagad na itinali at pinagtibay ang saranggola upang hindi tangayin ng hangin.
Galak na galak ang batang si Dos. Siguro kung buhay pa ngayon ang aking kapatid, siguro ganito na rin siya kalaki.
"Ate, tara! Dito tayo sa halamanan!" yaya niya sa akin.
Nagtungo kami sa may wishing flower, hindi ko batid ang tunay na ngalan nito. Basta ito iyong bulaklak na namumukadkad tuwing panahon ng Mayo.
Hinayaan kong maglaro sa parang ang bata at ako nama'y nanatili sa aking pwesto. I let my arms wide-open, nilalasap ang kapayapaan sa paligid.
"Mukhang gustong-gusto mo na rito sa amin." pagbibiro ni Dylan.
I smiled, "Naku! Sino bang hindi magkakagusto rito? Ang ganda at ang sariwa ng hangin. Payapa pa. Pipili pa ba ako ng iba?
"Pero saan ka nga ba talaga nagmula, Tria?" tanong niya sa akin.
Tumingin muli ako sa ulap. Lumipat ang aking atensyon sa bata na abalang pinalilipad ang nagpapasayang bagay sa kanya.
"Lahat naman tayo ay may pinagmulan, syempre sa dakilang tagapagligtas..." sagot ko na iniiwasan ang kayang nagtatanong na mga titig.
I heard him sighed. "Babalik ako, ihahatid ko lamang ang mga ito nayon.." anya na iginawi ang paningin sa nayong nasa ibaba lamang ng burol.
Nginitian ko siya bago umalis.
Hindi ko na gustong naisin pang may maka-alam sa tunay kong katauhan. Ayaw ko na ng gulo at ayaw ko na ng pasakit. Mahirap mabuhay kung alam kong may nagbabadyang kamatayan. Mahirap mabuhay kung walang karamay, pero ayon nga sa kasabihan 'hindi kailangang marami ang kapanalig dahil hindi nasusukat ng karamihan ang pusong pinagbubuklod ng kabutihan'.
Mabilis na nakabalik si Dylan dahil sa paggamit niya ng kanyang teleportation. Gaya ni Void, he can also do it. Parang pinaglalaruan lang ako ng tadhana, kung matatawag ngang tadhana ang bagay na ito.
"Napaka-problemado mo yata, Tria, may iniisip ka ba? Bukod sa akin?" tinaas-taasan pa kamo ako ng kilay.
Humihirit na naman ang mokong, napatawa ako, "Di bagay..." panlalait ko.
Namula ang kanyang pisngi, napahiya ko siguro. "Ikaw talaga, kahit kailan, 'di ka man lang nahulog sa mga pasok sa bangang hirit ko." he joked.
"Pasok sa banga o pasok sa bangag?" I giggled as I glanced at Dos, busily doing his stuffs over there.
"To naman e!" inis niyang wika saka nagkamot sa ulo.
"Naku, pinuno, 'wag na 'wag kang hihirit sa akin kasi wala kang mapapala, masasaktan ka lang." I said kiddingly.
"Advance lang 'teh?" babading-bading na usal niya. At may pa hand gestures pa siya talaga.
I winced.
Sa kalokohan niya ay naaalala ko ang katangian ni Void. Bakit ko nga ba siya naiisip? Bakit ko ba naiisip ang traydor na 'yon?