Chapter 17: Freed
Ikatlong buwan ng pamamamalagi ko sa nayon. Magaan ang buhay at payapa. Hindi gaya sa institusyon na paulit-ulit ang gawain. Nakakaumay pero kailangang sumunod dahil iyon ang tuntunin.
Subalit ang tatlong buwan na iyon ay tila naging kaduda-duda nang may mapansin akong kakaiba sa paligid ng nayon. Pamilyar na aura at enerhiya.
Nasa paligid lamang siya at nagmamatyag. Lumalayo sa tuwing lumalapit ako. Mailap na parang tupa sa talahiban.
Ang enerhiyang iyon ay sumusulpot sa kung saan dako ng nayon, hindi makapasok sa hangganan dahil sa pagiging ilap. Ayaw niyang mahagilap ko ang kanyang kapasidad.
Pero matagal ko ng alam kung sino siya.
Isang araw ay plinano ko talaga ang maglakbay sa gubat mag-isa. Hindi alam nina Dylan ang paglabas ko ng gubat.
Gaya ng aking hinala, nasa paligid lamang siya, hindi malayo at hindi malapit. Nakasunod lamang siya sa mga hakbang ko, nagkukubli sa mga anino ng punongkahoy.
Huminto ako sa kalagitnaan ng paghakbang, sa gitna ng maraming nakapalibot na punongkahoy. Ang aming mga kasama lamang ay mga insekto at animales sa paligid.
I grinned when he also stopped from walking. I disappeared myself, agad kong isinuksok sa kanyang leeg ang aking mga braso habang nakaabang naman ang aking punyal dito.
"Bakit ka nandito?" ngitngit na tanong ko sa kanya, marahas ko siyang dinala sa liwanag, nakalutang kami dahil hindi ko naman mabuhat ang katawan niya using my normal strength.
He did not answered my question. Nanatiling tikom ang kanyang bibig, panatag ang kabog sa kanyang dibdib. Saka ko lamang na-realize na sobra ko siyang namiss, pero hindi na gaya ng dati ang nararamdaman ko. Hindi na ako 'yong nakilala niyang Ria, hindi na ako 'yong Ria'ng pinagtatanggol niya.
Lumuwag ang pagkakasakal ko sa kanya, isa iyong pagkakamali dahil bigla siyang umikot palikod sa akin.
Marahas niya akong pinaharap sa kanya at kaagad nanlaki ang aking mga mata ng sunggaban niya ang aking labi. Uhaw na uhaw sa presensiya ko, takam na takam sa lasang nais niyang matikman mula sa akin.
Ibang Void ang nasa harapan ko, hindi iyong nagbago kundi mas umangat pa ang pagiging lalaki niya. Mas agresibo at mapusok.
"I really missed you so much, Ria, how could you do that to me?" he said in the verge of his kisses-I am not kissing him back.
Isinandal niya ako sa kalapit na puno at walang balak na pakawalan ang aking bibig. Pilit pinapasok ang kayang nanggagalaiting dila.
Nag-init ang kalooban ko, hindi iyong init na dala ng alindog niya kundi ang init na dala ng pagkamuhi ko sa kanya.
"Stop it, Void!" galit na suway ko sa kanya nang magawa kong mahiwalay sa pagkakasakop niya, hinahabol naming pareho ang sariling hininga na tila nakipagkarera.
"Hindi mo ba ako namiss?" nagbago ang anyo ng kayang mukha, mas nagkaroon ng hugis, ang panga niya ay mas naging klaro na ngayon. Nakakaantig man pero kailangan ko nang wakasan.
"Wala namang tayo, Void kaya bakit kita mamimiss?" mapaklang usal ko habang inaayos ang nalislis kong damit.
"Sa loob ng tatlong buwan na pananatili mo rito'y talagang nagbago ka na nang tuluyan. Come on kamahalan, please come back to us, namimiss ka na ni Mara at ng lahat..." usal niya ng pagmamakaawa na wari'y niya'y wala siyang ginawa-sabagay wala naman siyang ginawa kundi ang panoorin lamang ako sa mga oras na iyon.
Tama, wala nga talaga siyang maalala. Wala silang naaalala sa mga ginawa nilang pagtataksil lalo na sa mga nakatataas na pinuno sa institusyon.
Inaasahan ko noong magigising siya sa kanyang pagkakakulong gamit ang sarili niyang kakayahan subalit wala siyang ginawa. Wala siyang kilos, wala siyang kibo at higit sa lahat wala siyang pakialam.
Nagsimulang tumila ang ulan kasabay nang pagtulo ng sariwa kong luha. Luhang saksi sa mga pagpapahirap nila sa kalulwa ko.
Ito 'yong pinakaunang ulan na nangyari dito sa mundo. Noon man ay hindi na ito nangyayari pa dahil sa ibang klima na dinulot ng dakilang manghihimagsik na si Murk.
Naluhod ako sa damuhan kasabay nang pagpatak ng butil ng ulan. This is not me right? Hindi ako umiiyak noon, subalit sa kagustuhan kong maging bago sa paningin ng iba, kahit mahirap ay pinilit kong hulmain ito sa mas karapat-dapat na imahe at tekstura.
Lumapit siya sa akin, pinantaya ang aking taas, hindi ko man nakikita ang mukha niya'y tiyak kong nakakunot-noo ito sa akin at nag-aalala.
"Tahan na kamahalan..." hahawakan niya sana ako pero nailayo ko na ang sarili ko sa kanya.
"Huwag mo akong tawagin niyan, umalis ka na, hindi mo na ako kailangan at ganoon din ako." kahit hindi kaya ng sikmura kong gawin ito, pipilitin ko.
Pinantayan ko ang kanyang mga titig, nilabanan ang himutok sa aking dibdib. Minahal ko na nga siya talaga noon pero binigo niya ang pag-asang iyon.
"Bakit? May nagawa ba akong mali?" kumunot ang noo niya at gumaralgal ang kanyang tono.
"Wala kang ginawa..." pagsisinungaling ko. "Hindi ka kailanman matatanggap sa buhay ko, dahil hindi ako nakatadahana sa'yo, hindi ka rin para sa akin. Umalis ka na, Void, 'wag mo nang saktan pa ang kalooban ko. Lumayo ka na at huwag nang babalik pa, masaya na ako. Panatag na ako dito." kasinungalingan!
Sobrang pinipiga ang aking puso, walang mapaglagyan ng aking pagkahabag, naaawa ako sa sarili ko dahil tinanggap ko ang lahat at upang maging ganito ang kapalaran ko. Kapalarang kailanman ay hindi kayang tumbasan ng kahit anong materyal.
Lalapit pa sana siya nang sapilitan kong ginamit ang aking kakayahan. I attacked him using my telekinesis. Tumalsik siya ng sobrang layo. Hindi na siya bumalik pa in fact kaya niyang pigilan iyon subalit pinilit na lamang niyang piliin ang mas makabubuti para sa amin. Lalo na sa akin.
At doo'y mas lalo lamang akong humikbi sa pag-aasam na babalik siya at pipilitin akong bawiin ang lahat. Doon mas piniga ang puso ko, doon mas naramdaman ko 'yong sakit. Ganito pala 'yong pakiramdam, hindi man kami natali sa isa't isa, at least alam ko na ang pakiramdam. Mas malala pa pala ito gaya ng inaakala ko.
Nang makabalik ako sa nayon ay namumugto ng sobra ang aking ibabang talukap. Pakiwari ko'y kaya nitong maglaman ng isang sakong bigas.
"O? Anong nangyari riyan sa iyong mata, anak?" tanong ni mama Fey.
I shrugged, "Wala 'to ma, napuwing lang ako kanina, takte, dalawang mata ko pa po.." dinaan ko na lamang sa biro at tawa 'yong sakit.
"Naku kang bata ka oo, mag-iingat ka na sa susunod, ang laki-laki mo na tapos mapupuwingan ka pa?" hindi makapaniwalang usal ni mama. Napailing ako nang mapagtantong pinaniwalaan niya ang sinabi kong dahilan.
Hindi ko batid noon pa man kung muwang ba ang nayon na ito sa tunay na mundo. O kinukbli nila ang lahat upang kalimutan lamang mga pasakit sa buhay. Tama nga naman, bakit pa sila magluluksa kung hindi naman maibabalik ang buhay ng mga nawala?
Bakit pa ako magluluksa kung wala na 'yong dating ako. Pero sinira ba talaga niya 'yong dating ako o nagi-inarte lamang ako?
Hindi! I know what's my feeling. Alam ko 'yong pakiramdam. Alam ko 'yong pakiramdam ng pagpaparaya. Pinalaya ko na siya dahil hindi naman siya akin at hindi habang buhay na iikot ang mundo niya sa tulad ko.
That wasn't my first kiss, pero siya ang first kiss ko!
Oo nga pala! Tanginang Void!