Chapter 11

2235 Words
Chapter 11: The Great Murk The collision of their abilities made a severe impact on the spot where we are standing. Bumiyak ang lupa when Monroe smashed his fist on the ground. Many debris flew over the surroundings. The tension became more deep-seated na nagpapabaga sa bawat damdamin. "Hindi na dapat kayo naparito pa." usal ng isa na namumula ang mata sa galit. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang. Siya 'yong parang ulo nila sa hanay na ito. "Hindi na dapat kayo nilikha pa." pabalik na inis ni Cassy sa lalaking iyon. Nagpintig ang bagang nito habang napapatitig ng masama kay Cassy. "Pulbusin niyo 'yang mga basurang 'yan!" angil niya sa amin. Kumuyom ang kanilang mga kamao, bumuo ang itim na ugat at gumapang ito sa kanilang mga braso. Ngumisi sila na akala mga gutom na mga lobo. "Ready to die bitches?" inis na saad ni Mara saka itinaas ang kanyang mid-finger. They screamed horribly, sinalubong namin ang pag-atake nila, nakasuporta sa amin ang barrier ni Void laban sa mga rebolber at sixshooter na mga baril. May mga bala itong gawa sa iba't ibang potion at lason na maaaring magdulot sa katawan ng pangangalay, pagkaparalisa at maaari ring ikamatay. Rumagasa ang napiling kalaban ni Mara, sinalubong nito ang mga kamao niya, napamaang ako nang makitang pareho silang nalipad pasalungat sa isa't isa. Iniwasan ko iyong isa na muntik nang lumapat ang paa sa mukha ko, inikot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at saka ito marahas na binali paibaba, agad siyang naglaho't naging alikabok sa hangin. Nangisi ako. Abala naman sa kaartehan nitong si Monroe, nilulunod niya ang mga kalaban sa kanyang mapanlinlang na mga mata. "Die-hard b***h!" parang gustong-gusto niya iyong ginagawa niya roon sa babaeng kalaban niya. Nalinga ako kay Cassy na pinapakain ang mga kalaban niya sa mga biyak na ginawa niya kanina lang. Nag-alab ang kagustuhan niya roon sa kanyang ginagawa. "What the f**k!" gulat na usal ko nang may dumapong kamao sa pisngi ko, I even made a single step backward. "Hmm..." she smirked. Napapunas ako sa sulok ng aking bibig nang may maramdamang dugo roon. f**k it! Nakaligtaan ko 'tong mukhang ritokada na 'to. "Nice chance!" ngisi ko pabalik. "Thanks, can I continue rather?" taas-kilay niyang wika. "Try..." taas-kilay ko ring sagot. Inihanda ko ang aking sarili sa kaniyang pag-atake. Iniwasan ko ang kanyang mga kamao ng balak niyang atakihin ako sa tagiliran, lumundag ako paatras saka umikot palikod at sinipa siya sa panga. Napahawak siya sa kanyang panga at dumura ng dugo. Lumaki ang pagkakangisi ko. I back flipped when she tries to punch me on the face. Nagtaka ako kung bakit 'di niya ginagamit ang kanyang abilidad. "Shut her down, accuracy lang ang kakayahan niyan, but you are better." May nagsalita sa isipan ko, nahimigan ko ang boses ni Mara, she winked when I saw her. Talaga itong babae na ito. Kaya naman pala mabilis ang isang ito. Muli akong umiwas nang tamaan niya sana ang aking pisngi, lumundag ako paatras nang umangat ang kanyang tuhod, gamit ang dalawa kong kamay at ang pinagtipong lakas ay marahas ko itong tinapik. I punched her legs at namilipit siya roon sa sakit. Saka ko siya sinikmura at sinuntok sa mukha ang ending ay bumagsak siya sa lupa dahil sa impact ng suntok ko. Nabigla ako nang mag-isang nahulog ang katawan niya sa bitak na gawa ni Monroe, nailing na lamang ako nang malamang si Mara ang may gawa niyon. "Thanks to me!" sigaw niya saka pinagsisipa iyong hawak niya sa leeg na lalaki. I winced. Nalingon kaming lima sa kinaroroonan ni Void nang makitang nagkaroon ng dome sa kinaroroonan niya. Lumaki nang lumaki ang dome at ang bawat madaanan nito ay namamatay maliban sa amin. Nasusunog ang mga ito dahil sa kapangyarihan niya. "Iba rin mag-isip 'tong ugok na 'to e 'no?" inis na usal ni Monroe. "Kanina pa dapat sana, Void! Kainis ka e!" inis ring sigaw ni Mara. Nakangisi lang si Void habang napapailing na lamang ako. Ako nga ay naiinis rin sa pamamaraan niya. Pinahihirapan muna kami bago gagawa ng desisyon. Tsk! Rinig na rinig ko ang pighati nila habang sinasapit ang pasakit sa kapangyarihan ni Void. Hanggang sa tuluyan na nga silang nabura sa aming paningin. "That was cool!" puri ni Cassy. "Ang astig!" ani Monroe. "Kayang-kaya mo naman pala kahit mag-isa ka, bro." wika ni Lucas na nag-aalab pa ang mga braso. "Kaya mo rin naman." ngiting sagit ni Void. "Pero mas kaya ni Ria." pagpapasok ni Mara sa pangalan ko. Tumango naman na silang lima. Ismid ang natanggap nila sa akin nang marinig ang mga katagang lumabas sa bunganga ni Mara. "Mas magaling kayo dahil nagagawa ninyong malutas ang misyong ito." sagot ko na puno ng seryoso sa katawan. "Without you, we can't surpass." sagot naman ni Void na kinunutan ko ng noo. I winced. "No, it's you." "Ayan nagtuturuan na kayo, ayaw niyo? Ako na lang kaya." humagikhik si Cassy. Inako na ang lahat kasi nagtuturuan na kami ni Void. None of us wants to accept the appreciation. f*****g appreciation. Basically, ayaw ko. "Sssshhhhhhhss-" hushed Lucas when we felt something odd. May paparating na kakaibang enerhiya. Sandali lamang ay may lumitaw na ningas sa isang parte, sa may malawak na damuhan na hindi naapektuhan sa laban kanina hanggang sa lumaki nang lumakk ito at naglagablab sa tindi. Umabot sa sampung pulgada ang sukat nito, na kayang tumupok ng isang daang bahay. "Sinong mga pangahas ang pumasok sa aking teritoryo!" hindi pasigaw ngunit malakas at nakakabulabog na tanong ng tinig na nagmumula sa malaking apoy. Maya-maya'y nagkaroon ito ng mukhang hindi mo lubos akalaing makikita ko sa tanan ng buhay ko. Siya! Siya ito! Ang-ang dakilang manghihimagsik. Hindi ito ang inaasahan kong katauhan niya na makikita. Hindi ganito ang mga napapanaginipan ko. Isa siyang anyong tao-I know, deep inside, nasa kasuluksulukan ng aking alaala. Narinig ko ang pagsinghap ni Lucas. Nakataas-kilay naman sina Mara at Void habang nangangatal sa kaba sina Cassy at Monroe. They aren't informed about this, na sa misyong ito, dito namin masasaksihan ang demonyong sumira sa mundo. Humanda kami nang gumapang ang apot patungo sa aming kinatatayuan. Cassy readied her proficiency. Tubig ang kasanayan niya and apart from that wala nang ibang tatalab bukod sa kanya. "Mga hangal ang mga taong isinusugal ang nag-iisang buhay para lamang sa walang kwentang kapayapaan? Mga hangal kayong mga hinirang dahil hindi ninyo nagampanan ang tunay niyong hangarin sa buhay." nagtiim-bagang ako sa aking narinig. "Isang kahangalan ang pagtungtong sa kinaroroonan ninyo ngayon, pero napabilib ninyo ako dahil sa mumunting pag-asa na makakaalis kayo rito ng may ningas na pag-asa ay hihipan iyon ng walang hanggang kadiliman." pagtutuloy niya saka humalakhak na naninindak. Gaya nila, nagawa kong labanan ang hapdi at init na duloy ng kanyang nakakasirang sinag. "Hindi kami narito upang magpasindak at magpalinlang sa mga salita mo, dakilang mananakop-" "Dakilang Murk! Iyan ang pangalan ko-" galit na sigaw niya but I fought his angriness. "Hindi na mahalaga pa ang pangalan mo! Ang mahalaga ay nandito kami upang wakasan ang kasamaan mo!" galit na angil ko matapos madama ang sobrang pagtangis dahil bumalik sa alaala ko ang sinapit ng aking pamilya. Humalakhak ito na parang wala ng bukas, "Inutil! Hindi niyo kailanman matatalo ang aking kapangyarihan!" nagagalit na ring sigaw niya. "Hindi man ngayon, pero alam ko, nararamdaman ko na ang malapit mong pagkawasak! Ipapatapon ka muli sa mundong ilalim, at doo'y magkukumahog at kailanma'y hinding-hindi na makawawala pa!" sagot ko pa subalit tinitigan niya lamang ako na parang nakarinig ng pamilyar na salita. Suminghap siya saka malademonyong napadungaw sa akin. Muling nadagdagan ang butil ng pawis sa aking noo. "Hindi ito maaari! Hindi maaari!" sigaw niya na parang nababaliw. Napatingin sa akin sina Void. Nagkibit balikat ako nang tanungin nila ako non-verbally. "Pinaslang ko na siya noon pa man, hindi maaaring magkatotoo ang mga sinabi niya." nawawala yata siya sa kanyang isipan. "Sino bang kausap nitong baliw na 'to?" tanong ni Lucas. "Ewan?" Mara na napapakagat sa kanyang kuko. "Nagmo-moment." Cassy na nakapamewang. Tapos nagkibit-balikat kami nina Void, Lucas at Monroe. "Pinaslang na kita noon!" angil niya sa akin saka ako binugahan ng nakakasunog niyang apoy. No, it's not fire, it's lava. Na-alerto kaagad si Void at naramdaman ko ang paghapit niya sa katawan ko. Nagkaroon ng makapal na bilog sa aming dalawa at sinangga ang nagbabagang apoy. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya, kumislap ang kanyang mga mata. He pursed his lips, magkadikit ang aming katawan at ramdam ko ang pagsasabay ng aming t***k. Tumango ako at napipilitang ngumiti dahil pinangungunahan ako ng aking mapanghusgang pag-iisip. Siya ito, iyong tipikal na Void na nakilala ko noong una pa lamang. Siya iyong marunong magmahal ng kapwa at marunong umintindi. Siya iyong nagpapanatag sa akin sa tuwing ramdam ko ang pag-iisa. It was him after all. Naningkit ang kanyang mga mata, hindi dahil okay ako kundi dahil hirap na hirap na siyang salagin ang kapangyarihan niyong Murk. Gumalaw ng kusa ang aking katawan, hindi ako kumalas kundi mas yumakap pa ako kay Void. Hindi ko rin nararamdaman ang kahiyaan dahil alam ko, at ramdam ko na may maitutulong ako sa kanya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, nakaramdam ako ng kaginhawaan nang mas kumapal ang harang na nagkukubli sa amin sa matinding init. Nakikita ko ring natutustusan ni Void ang mga kasama namin, mayroon din silang mga force field na gaya namin. "May-mayroon kang kapangyarihan..." ani Void na nagugulat sa ginagawa ko. Marahan akong kumalas sa kanya. "Paano na sabi?" tanong ko. "Ito..." pinakita niya sa akin ang kanyang mga palad na wala namang masama roon, walang sugat o kung anuman. Tapos kinuha niya ang mga kamay ko at napatingin sa mga palad ko. Nagliliwanag ito sa kulay na ginto, kumikislap na parang mga gamo-gamo. Nagkaroon ng kagalakan sa aking damdamin at hindi mapigilang maluha dahil sa pagkakasaksi niyon. "May kakayahan ako..." walang mapagsisidlan ng aking kagalakan. Ang luhang pilit kong kinukubli ay pilit na nagwawala sa sulok ng aking mga mata. "Alam ko noon pa man na mayroon ka, espesyal ka e at inaalagaan ng mga masters at ganoon na din ang mga grandmasters." paliwanag niya. Napadako ang tingin ko sa tingin niya. "Seriously?" 'di makapaniwalang tanong ko. At tumango siya. "The first time I saw and met you, alam mo 'yong feeling na, ikaw lang 'yong kumikinang na taong nakikita ko, naiisip ko, halos sa panaginip ikaw na lang ang nakakasalamuha ko?" anya. Niluwagan ko ang aking pagkakayakap sa kanya saka ako dumistansya, hindi ako nahihiya, naiilang lang dahilsa mga pinagsasabi niya ngayon sa harapan ko. "Hindi ko nga rin alam kung bakit sobrang in denial ko sa'yo." tapang kong sagot. Ilang lunok ba ang ginawa ko upang masabi iyon sa kanya? He looks so very shocked and amazed. "O? Anyare sa'yo?" "Wala, minsan talaga ay nagugulat lang ako sa mga lumalabas sa bibig mo." anya na sobrang seryoso. "Pero kung iyon naman ang nais mo, unti-unti kong sasanayin ang sarili para sa'yo." usal ko at saka ako humarap sa kalaban namin. At least sa panandaliang iyon ay feel kong safe ako until now. Safe ako sa kanya. "Oh f**k! Ano 'tong ginagawa mong panlilinlang sa akin, Thesygnee, 'yong galak ko'y wala nang mapagsisidlan.." wika niya at nilapitan ako. "Ipunin mo iyan, dahil magiging malaking tulong 'yan sa'yo-sa atin.." makahulugang wika ko. Naiwan ko na naman siyang tulala matapos na matupok ni Monroe ang paglalagablab ni Murk. Sumisigaw ito sa sakit at inis. "You back off, s**t!" mura niya roon sa kalaban namin. Parang himalang nagdilang anghel itong si Monroe dahil unti-unting nawawala ang kapangyarihan ni Murk, wala na rin iyong matinding kapangyarihan na nararamdaman namin. Naging maliit na ningas ang kaninang naglalagablab hanggang sa nawala ng tuluyan. "Babalikan ko kayo! Babalikan kita!" galit na sigaw niya. Galak na nagsitalunan ang mga kasama ko habang napaluhod naman na ako sa lupa, nagagalak ako dahil napaalis namin sa lugar na ito ang dakilang mananakop. "He's pertaining with you, kamahalan." na weirduhan ako sa tawag niya sa akin. "Tss! Kamahalan..." sarkastikong usal ko saka dahan-dahan na tumayo. "Salamat..." anya. "No, thank you.." pabalik ko. "Pero salamat pa rin sa mga naitulong mo sa akin, sa amin, sa atin, sa maliit na samahan na ito." "That's not a problem, that's not big deal. Nandito ako dahil buo ang kagustuhan ko at nais kong malaman ang hangganan ko." ngiting usal ko. Ngumiti siya sa akin, "May hangganan ka, tama, may hangganan ka." anya na ang laki sobra ng ngiti. "At ano iyon?" tanong ko while gazing at the deteriorated place. "Mali ang tanong mo..." anya na ginaya ang ginagawa ko. "At ano naman? Ano ba? Ang labo mo kausap e!" giit ko na pinagsisihan kong mapatingin sa kanya dahil doon ko naramdaman ang hindi ko pa lubusang nararamdaman bilang babae. Until I realized that his lips crashed mine, and that was the memorable yet epic moment of my life. Nasa kalagitnaan kami ng kawalan subalit nagagawa pa namin ang mga ganito. Narinig ko ang panunukso ng aming mga kasama kaya bumitaw ako kaagad. "Ako, ako ang hangganan mo, sa'yo ako tatakbo at sa akin ka hihinto." saka siya matamis na ngumiti. I answered him with my sweetest smile. And being in love will make your world go round hanggang nasabi at lumabas ng kusa sa bibig ko ang mga katagang iyon. "I love you." He gently touched my chin and smiled, "Mas mahal kita." That moment, hinubad niya ang kanyang goggles at itinunghay sa akin ang magaganda niyang mga paningin. Tila nababalot ng hiwaga ang mga ito. Nakakalunod na tila isang bola ng kalawakan na lumalamon sa kawalan. Pinisil niya ang aking mga kamay "You are wondering what's lurking behind this goggle, and you are worthy enough to witness its nothingness." he smiled. "No, it's beautiful. Really beautiful." I replied as I caressed his awesome eyes. How can I not love your eyes, Void. It's very special and you are special to me too. Hindi ko iyon ikakaila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD