Chapter 10

1260 Words
Chapter 10: Attempt A loud boom suddenly be heard. Hindi pa namin napapasok ang sentro ng syudad subalit ito ang bumungad sa amin. Gaya ng sa ibang tanawin, nakakasulasok ang hangin, nakakasira sa paningin ang paligid, ang matamlay na kulay ng mundo at ang pighating makikita rito. Ibang-iba sa kinalakihan kong lugar. I-ilang matatayog na mga gusali lamang ang nakikita sa tuktok ng mataas na harang nila na gawa sa konkreto. Ang tarangkahan na ubod ng laki. "We're not informed na ganito pala dito, parang sa fortress lang, pero mas organisado ang fortress kaysa rito." panimula ni Cassy na bumasag sa katahimikan naming lahat. Dala ang pawis at pangamba kasabay pa nito ang panghihinayang na maaaring wala kaming mahanap at hindi makapasok sa loob ng syudad. "So, how can we get inside?" tanong naman ni Monroe. Mara and me looked at each other. Mukhang alam na alam namin kung ano ang solusyon sa problemang tumatakbo sa kaisipan ng aming mga kasama bukod kay Void na nanatiling panatag ang damdamin. I can't even see a single apprehension. He is really courageous. What would happen to us without him at our side? "We have solutions in entering the city, may isa lang tayong problema, ang harang na ito'y kinabitan ng mga tracker na kung saan tayong mga hinirang ang nahahagilap, we should get rid of that." ani Mara na tinanguan ko at ni Void. Kinalabit ako ni Void while nage-explain pa lang si Mara. Napatingin ako sa kanya without irritations. This is first time, right? "Are you okay?" he asked. How many times did they ask me the same question? Napaisip ako kung bakit parati nila akong tinatanong kung okay ba ako. I sighed. "I bet, that's your answer?" "Maybe?" wala sa tono kong sagot. "Ikaw? Okay ka lang ba?" balik ko sa tanong. His face brightened. This isn't my first time asking him if he's fine, right? "Kailangan ko bang sagutin iyan?" aniya na nakatitig na ngayon sa tuktok ng matayog na harang. "It's up to you 'cause I don't refrain you from using your rights." sagot ko. Mahina siyang napatawa tapos sumersoyo, he's a kind of weirdo and bipolar. "Soon, you can refrain me in anything I do." makahulugang saad niya na naintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig. "As if!" inirapan ko siya. Pero tinawanan lang ako nitong gago na 'to. "Suuuusss! Kinakaila mo pa e gusto mo naman ako!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Pinanindigan talaga ako ng mga balahibo. "Masindak ka nga sa mga pinagsasabi mo riyan!" giit ko, saka ko napansin na nakatitig na pala sa amin iyong apat na kasama namin. "Tapos na maglandian?" nakangising tanong ni Mara tapos itong si Cassy, akala mo pinaglihi sa kamatis dahil sa pamumula ng kanyang pisngi. "Ahhhh! How sweet!" she reacted. Tinapik siya ni Mara when I snorted. "Tss!" I rolled my eyes in frustration. Sinamaan ko naman ng tingin si Void na hanggang ngayon ay ang laki-laki pa lalo ng ngiti. Inaasar ako nitong gago! "Gustong-gusto mo talagang inaasar ako 'no?" I felt really annoyed. Tumango siya, hindi pa rin nawawala doon iyong kanyang mga ngiti. "Hindi kasi nagsasawa ang mga mata ko sa pagtitig kung paano ka maasar. You are the most beautiful woman I have ever met na maganda kahit nangungulubot na ang noo sa galit." "Tss! Kalokohan! Hindi ako nabibili ng mga biro mo, Void, I am telling you. This isn't good anymore." taas-kilay kong saad na lumayo ng kaunti sa grupo dahil sobra na sila kung magdahilan at mag-actingan na wala silang naririnig mula sa amin. Nakasunod pala siya, "Ha? Paanong hindi naging mabuti ang pagtrato ko sa'yo? Am I a hindrance?" nagsimulang lumabo ang eksplanasyon na nababasa ko sa kanyang malinaw na mukha. I gulped, did I say hindrance to him? "I can't recall telling you as a hindrance to me, I am telling that your feelings towards me is a hindrance to our mission, baka kung ano pa ang mangyari sa iyo dahil diyan sa nararamdaman mo." "Tama na, nahihimigan ko na kasi ang nais mong iparating sa akin." malungkot na wika niya saka niya ako tinalikuran. "Tsk! Kung hindi matigas ang ulo, minsan nama'y manhid ang puso." inis na usal ko. "Nagsalita ang hindi manhid!" hindi makapaniwalang sagot niya na may distansya sa akin. "Tss!" taas-kilay kong saad saka lumapit sa kanila. Naramdaman ko ang pagtatampo niya. Tss! Ano bang pakialam ko? Lumapit sa akin si Mara, "Ang linaw-linaw ng nababasa ko kay Void, what happened?" "Kung nabasa mo na nga 'di ba? Kailangan pa talagang malaman ko 'yong side ko?" inis na tanong ko din sa kanya. She rolled her eyes, "Ay ewan ko sa kalandian ninyong dalawa mga pisti kayo! Pero hmm bagay kayo, mukha kayong paa e!" ako talaga inasar niya ha? Tinaasan ko siya ng kilay kaso hinablot niya lang ako at hinigit sa mga kasama namin. "So, iyon na ang plano." pagtatapos sa walang humpay na pagpaplano nila. I winced as I've realized ourselves entering this cruel city. Umaasang makakalabas kami dito ng buhay. At iyong pag-asa na naukit sa mukha ng aming mga superiors ay sana'y madagdagan pa ng mas matibay na pag-asa by bringing them the people they needed for the salvation of the world. We readied ourselves when our tracker suddenly alarmed up. Pinagbigkis ko ang aking mga braso dahil maaring ilang minuto lamang ay nandito na sila sa kinatitirikan naming lokasyon. "Dito tayo." halos pabulong na wika ni Lucas, tumakbo kami na parang wala ng bukas, hindi alintana ang pagod at pangamba. Nagkubli kami sa madilim na parte ng gubat. "We can't use our abilities right now kasi madi-detect iyon ng tracker nila. And their tracking machines are f*****g fast!" inis na usal ni Monroe. "There's no other way but to fight them." suggested Lucas na pinalabas ang ningas sa kanyang palad. Our spot lightened up upon doing that. "We can't fight them all, triple sila sa bilang natin and they are equipped too." paliwanag muli ni Monroe. Natahimik kami nang may dalawang tao na napadpad sa tabi ng mataas na harang. Nagmamasid at sumisinghot. Nagkubli kami sa takot ng dumungaw ito sa pinagtataguan naming malaking puno, Lucas even shut off his fire. Kitang-kita ko ang ugat sa noo, leeg, sa kanilang mga kamay at ang malalaki nilang pangangatawan. Monroe was right. "I told you." he said when those guys suddenly disappeared. "Kulang ang lakas natin and the worse 'yong bilang." ani Cassy. I winced, sobrang iba ang mga pananaw nila sa pananaw ko. It does not matter kung mas malaki ang bilang nila kung wala naman silang pinaglalaban gaya namin? Even though lima lang kami, but we have courage and hope, may pinaglalaban kami kaya mas mananaig ang pinagbigkis naming hibla ng pag-asa, so, why these people are doubtful? "May naisip kang paraan, Ria?" napatingin sila sa akin. I winced. "Wala." maikli kong sagot. "Get ready yourselves, papasok na tayo." ani Void. "Huh? Papaano?" naguguluhang tanong ni Cassy na sinabayan nina Lucas at Monroe. They didn't know Void and his ability. Nagliwanag ang kinalalagyan namin ng magkaroon ng dome na gawa sa lila na liwanag, may tuwid na liwanag patusok sa kaulapan, mayroong lumabas na hibla ng liwanag sa kamay ni Void na kung saan ay sumakop sa aming katawan at nang tuluyan na nga kaming kainin ng liwanag ay saka namin naramdaman ang pagbulusok paibaba, nakita namin ang natatakang mga manghihimagsik sa ibaba. We deteriorated the surface when we reached it. Tumalsik iyong nasa malapitan matapos magkaroon ng impact ang pagbagsak namin pababa sa sentro ng syudad na ito. This is it. Our first attempt to dig this city of hopeless. Makakalabas kaya kaming buhay sa makamundong lugar na ito o magiging tulad kami nila na mamamatayan din ng pag-asa. Alam kong hindi iyon mangyayari, mananaig ang aming ipinaglalaban at uuwi kaming kasama ang mga hinirang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD