Chapter 9: Affiliations
Lipacan, Camona Shrine of Almighty
Mabilis nilang hinagilap ang lugar sa lokasyon. Malapit lang ito sa sentro ng Camona. Nagsimula na kaming maglakad ng mapadala na sa database namin ang lokasyon na sinet-up ni Monroe sa kanyang bracelet.
Hindi kalakihan ang bayang ito, magkasing lawak ang fortress at ang Lipacan. Pero mas organisado ang fortress kompara sa sira-sira at wasak na bayang ito.
"So, this is already the place?" tanong ni Cassy na may pagkayamot sa nakikita.
Nakita ko ang pag-irap ni Mara at ang pag-ismid ni Lucas, nasa sariling mundo naman si Monroe at si Void. Silang dalawa yata 'yong nakikita kong seryoso sa bagay na ito.
Umiinit na ang sinag ng araw, subalit wala kaming nakikitang ibang buhay sa bayan na ito.
Walang tao, walang halaman, puro alikabok at mga pagguho ang nakikita ng mga mata ko. Anong klaseng paninira ang ginawa ng mga kampon ng kasamaan dito sa mundo? Kulang na lamang ay pasabugin na nila ng tuluyan ang mundo.
Nang makarating namin ang ang malawak na espasyo, na kung saan ito na lamang ang nakikita kong natitirang sementado na hindi naapektuhan ng ika-unang delubyo.
"They should be here." ani Monroe.
Pero gaya nga ng naiisip ko, baka patibong lamang ang lahat ng ito. I should be aware.
"Prepare yourselves... " I uttered. Lumingon sila sa akin na naka-kunot-noo.
Magtatanong yata sila kung bakit ko iyon nasabi kaso biglang nagkaroon ng liwanag sa taas namin at humagupit ang makakapal na hibla ng kuryente na nagmumula sa kaitaasan.
We dodged it effortlessly. I know someone's somewhere and doing this fuss.
"f**k it!" inis na sigaw ni Lucas ng muling umatake ang kung sinumang iyon. Fortunately, he dodged it all. Nakakaya pa naman naming iwasan ang mga pag-atake.
"Your words!" nasa kalagitnaan kami ng sitwasyon at nakuha pa talaga nilang maglandian. Lucas and Cassy. Like the eff!
"Tss!" I reacted inaccurately, buti mahina lang ang ginawa kong tunog.
They gasped when Void raised his hands and created a barrier made out of his ability, the barrier of nothingness.
"Kanina mo pa sana ginawa!" hasik ni Mara na sobrang inis na inis.
"May sinabi ka ba?" sarkastikong tanong naman ni Void saka siya umirap.
"Tss!" I also rolled eyes.
Naayos namin ang mga sarili nang may lumitaw na nakahood sa hindi kalayuan. Tapos sunod-sunod silang naglitawan sa kung saan. Mahigit sampu sila kung bibilangin. Pare-pareho silang nakahood, kaya hindi ko mawari.
Pinindot ko ang aking bracelet, I tracked them kaso wala akong nakikitang nagbi-blink sa holographic image.
"They aren't an allies!" galit na sigaw ni Cassy. Ang iingay talaga.
"Magkapatid talaga kayo nitong parrot na 'to." inis na saad ni Monroe sa dalawang babae.
"O? Bakit ako nasama riyan?" painosente kuno si Mara.
"Guys! Pwede ba magseryoso muna kayo! We're in a f*****g situation!" galit na saad ni Void, I can see a sweat falling on his cheeks.
Tumalima sila at sinunod nga ang sinabi ni Void.
"Sino kayo! Bakit kayo nandito sa aming lugar?" pagkua'y tanong ng isa sa kanila na may halong paninindak.
Void put down his hands and removed the force field that covers and protects us. Nahinto na rin ang mga pag-atake nila.
"Nandito kami ay dahil hinahanap namin ang mga hinirang." panimula ni Void. Nanatili kaming alerto sa paligid, we formed ourselves into small circle upang mapansin lahat ng ginagawa nila.
Humalakhak iyong isa, I gripped. "Mga hangal! Walang hinirang sa lugar na ito! Tuluyan niyo lang isinuko ang mga sarili ninyo sa kamatayan!" muli itong humalakhak. Pare-pareho lang yata sila na nadodoble ang boses, iyong nasaniban ng masamang espiritu.
I smirked.
"Kung ganoo'y aalis na lamang kami." wika ulit ni Void, nagtaas kami ng kilay nina Mara at Cassy.
Void is trying to insult them for f**k sake! Natawa iyong dalawang babae at nanatili along nakangisi.
"Kung makakaalis kayo." humakbang sila paatras at sabay-sabay na nagtaas ng kamay. Muling bumuo ang liwanag sa kaitaasan at pinaulanan kami ng magkakasunud-sunod na kidlat, mas mabilis at mas malakas.
I ran as I've dodging these bullshit strikes. Lumundag ako sa mga kalapit na bitak ng semento, nang malapitan ko ang isang kalaban ay doon ko siya dinukma at malakas na sinipa sa mukha. I scudded those who are well-acquainted.
Lumihis ako ng takbo at sinuntok sa batok iyong balak umatake kay Mara, I know na malakas si Mara, akalain mo, telekinetic siya at ang kakayahan niya pa'y telepathy.
"Salamat." saad niya, tumango ako at muling sumugod.
Kinuha ko iyong yero na nasa malapit, buti may kahoy itong hawakan, sinalag nito ang kuryenteng umatake sa akin, nang magrecharge ito ay saka ako sumugod. Marahas kong tinakbo ang distansya namin, nang malapitan ko siya ay agad kong siniko sa sikmura at tinuhod sa pribadong parte niya. Namilipit siya sa sakit.
Huminga ako ng malalim, napatingin ako sa aking kaliwa ng may marinig na sumigaw sa sakit. Nakita ko si Void na minamanipula ang isipan niyong kanyang biktima. Nababaliw itong napatingin sa kalawakan at unti-unting nilamon ng alikabok ang katawan nito saka naglaho sa hangin.
"What the f**k is that?!" exclaimed Lucas.
I smirked.
"The forbidden vessel." ani Cassy na nahihimigan ko ang kaba at takot.
"Seriously?" usal ni Lucas sa pagkamangha.
"Tss!" I snorted then rolled my eyes.
Napalingon naman ako kay Mara na timang na timang, kung makasigaw kasi akala mo talong talo siya. Mas kawawa ang mga kalaban niya kasi 'di makalapit sa kanya, they will just find themselves flying away saka mababagok. Harsh.
"This deserves them..." puot bagang ani Lucas na pinalalakbay ang naglalagablab na apoy sa kanyang mga braso. Even his hair is on flames. Cool.
We made no decision to kill them all, they are, they choose what to be and when to be their frontiers.
I saw Monroe protruded a small amount of water on his palm. He trew it on air, naging butil iyon ng ulan and sprinkled it on the wrecked landscape.
"The f**k is that!" inis na giit ni Lucas. Napasinghap ako sa tawa dahil doon. Ganoon na rin sina Mara at Cassy ay naghagikhikan. Pinaulanan ba 'yong fire element, pfft.
"Sorry, diniligan ko lang 'tong tigang na lupa." paliwanag ni Monroe. Tumingin siya kay Cassy na tumatawa pa rin.
"Your turn."
"Ump!" pagsang-ayon ni Cassy kay Monroe. Dahan-dahan siyang lumuhod sa lupa, ikiniskis ang mga palad at saka parehong inilapat sa basang lupa na kinatatayuan namin.
Pagkua'y umusbong ang mga maliliit na dahon, tumubo ang mga halaman at sumibol ang mga magagandang bulaklak nito. Ang kanina'y wasak na lugar ay naging isang paraiso dahil sa kakayahan ng dalawang vessel. Sina Monroe at Cassy.
The affiliation of water and earth elemental vessel.
Umihip ang sariwang hangin sa aming kinatatayuan. Ang ganda ng kanilang nilikha, kahit na iilang bahagi lamang ang sinakop nito ay sobrang napakaganda at nakabubusog sa paningin.
Nilisan namin ang bayan matapos na maalala ang tunay naming pakay dito. Pero bago iyon ay nakita ng aming paningin ang paglusaw ng mga katawan niyong kalaban namin kanina. Nalusaw sila sa kulay lilang kulay at saka naging alikabok sa hangin. Kahit ganoon pa man ay talagang masakit pa rin sa amin ang nangyari sa kanila.
Tao rin sila at may karapatang mabuhay, pero sa patakaran at ayon sa bisa ng bagong tipan. Isuplong lahat ng masasama, sunugin sa asupreng apoy, lusawin sa kawalan at pighati.
Inilihis ko ang aking mga mata at nakita ang mga kasama kong ganoon din ang nararamdaman.
Kasalanan ba nilang lumihis sila ng pinaniniwalaan? Na binago nila ang kanilang daan? Na nag-alay sila ng katapatan sa iba?
I sighed.
Dakilang tagapagligtas. Exalted redeemer, why did you let this absurd occurrences happened to us? Did you already forsaken us? Nasaan na iyong makataong pinaglalaban ninyo noon? Nasaan na iyong pinaniniwalaan kong hustisya noon? Did the justice of the world and the humankind become inefficacious?
Muli akong nagbuntong hininga ng maisip ang mga bagay na iyon.
"Ayos ka lang ba, Ria?" tanong sa akin ni Mara na pinantayan ang lakad ko. Patungo kami ngayon sa puso ng syudad kung saan nag-aabang ang bagong hamon sa amin. Ang bagong laban. Ang mga pagpatak ng dugo sa lupang kinatitirikan ng kasamaan.
Tumango ako, "I just remembered something. " sagot ko. Even Void glanced at me. He looked worried.
"Kung ano man iyan, tiyak kong masasagot niyan lahat pagnatapos na ang kaguluhan sa mundong ibabaw." anya na akala mo'y nabasa niya ang nasa isipan ko.
"Sana nga, Mara." I hopelessly said.
Sana nga maibalik na iyong dating kapayapaan ng mundo. Sana bumalik na sa trono ang dakilang tagapagligtas. Sana mapuksa na ang kasamaan sa mundong ibabaw at maitapon muli sa mundong kailaliman ang dakilang manghihimagsik.
I sighed as we trail to our next inconsistency.