Chapter 8: Menace
Pagkagat ng bukang-liwayway, ginising ako ng isang malakas at matinis na tunog. Akala ko gyera na, hindi pala. That was my alarm clock. Pft.
Paglabas ko ng cabin, yumakap sa katawan ko ang malamig na hangin at ang tahimik na espasyo. Lahat ay tulog pa maliban sa aming tatahak sa isang misyon. Bukas na rin ang ilaw ni Void, he might still be there, packing his own things.
My forehead furrowed. I sighed, wala sa pag-iisip kong tinungo ang kanyang pintuan.
I knocked.
Narinig ko ang mga yapak sa loob ng kanyang cabin, then suddenly bumukas ito and revealed him to my sight.
"Pasensya na, hinanap ko lang iyong dagger ko. Anyway, tara na, nahanap ko na." anya saka humakbang palabas sa kanyang cabin.
Nasanay na rin akong tawagin ito na cabin. The hell.
"Saan daw tayo magkikita?" tanong ko.
"Sa main gate." sagot niya habang inaayos 'yong strap ng kanyang bag.
Ilang minuto naming tinahak ang kabuuhan ng fortress, talagang malawak dito sa loob. Sa wakas ay narating na namin ang tarangkahan, nandito na nga sila, ganoon na rin si Mara na hindi na mapakali sa kinatatayuan niya. Saka lang siya naayos sa tayo nang makita na kami.
"Finally! Nandito na kayo! Kainis! Akala ko mahuhuli ako, kayo pala itong tulog mantika, naku!" inis na anya.
"Kasalanan ko bang maaga kayong nagising?" pangbabara ko sa kanya. The other three glances towards me, hindi sila pamilyar sa akin.
Nang marinig kami ay lumapit sila wearing their sweetest smile.
"Hi! Ako nga pala si Cassy and these Lucas and Monroe, nice to finally meet you guys!" inilahad nito ang kanyang mga kamay kay Mara.
"Pleased to meet you too.." nakangiting sagot ni Mara.
Nakipagkamay naman at nginitian ko lamang sila. I'm not fond of smiling pero ito na yata iyong pinakapilit na ngiting ginawa ko.
"Gaya niyo, Mr. Harper and Ms. Sagan, dinala rin nila kami sa isang sikretong training hall at nagtraining ng isang buwan gaya ninyo, kasama pala namin si Mara." paliwanag niya. Napasulyap ako kay Mara, saka ko siya pinanliitan ng mga mata. Nag-peace sign siya. Abat! Hindi niya sinabi sa aking under training din pala 'tong gagitang ito?
I will ask her na lang after ng misyon. Ano pang saysay na papunta na kami kung balak ko siyang hindi pasamahin ngayon? Hibang ako kapag ganoon nga ang ginawa ko.
Noong una ay talagang nahihiya pa sila lalo na iyong dalawang kasama niyang lalaki, pero iyong Cassy, pinaglihi yata sa parrot. Ang ingay niya sa tenga. Pero hindi nakakainis kasi siya 'yong bumabasag sa katahimikan.
"Na-install na ba sa inyo ang mapa?" tanong ni Void.
We all nodded, nagsimula nang bumukas ang main gate, maingay ito pero siguro naman hindi ito makakarating hanggang sa mga cabins.
Pinindot ko ang aking bracelet, a hologram lighted up, gumuhit ito ng mga lokasyon hanggang sa kabuuhang mapa. You can zoom it in and out, ang cool lang.
A two black tinted four-wheel car, stopped ou tside, pumasok iyong tatlong magkakasama sa unang sasakyan tapos kami naman dito sa pangalawa.
"Dito na ako sa likod, diyan na kayo sa gitnang upuan." Void stated saka siya nagtungo sa huling parte. Sa tabi niya, inilagay namin ang dala naming mga bag.
Naupo ako sa left side at sa right side naman si Mara. Hindi ko napigilang lumingon sa likuran, napatingin siya sa akin saka ako nginitian.
"Tss!" umirap ako, he smirked.
Nakakahalata yata 'yong driver kasi napapatingin siya sa amin dito sa likuran. Masyado siyang interloper, mapanghimasok. Haha.
"Galit ka ba sa akin? Kung oo, please sampalin mo na ako ngayon, Ria." nabigla ako sa pagdadrama ni Mara. Void snorted.
Tiningnan ko siya ng masama, "Bakit naman ako magagalit sa'yo?" I sarcastically asked her back.
"E kasi 'di man lang ako nagsasabi sa'yo?" she pouted.
"You aren't oblige, hindi ka obligadong sabihin sa akin lahat ng mga kagustuhan mo, Mara. I am not taking your rights and your decisions." giit ko.
Akala ko ako ang magtatanong sa kanya, but look, siya pala itong hindi masikmura ang ginawa niya. Hindi naman talaga ako galit, nagtatampo lang ako, kasi baka mapahamak siya knowing na mahirap ang haharapin naming misyon. This is a battle against life.
"I'm used to decide after hearing your side kasi alam kong tama lahat ng sasabihin mo, pero natakot lang kasi ako na baka hindi mo ako papayagan kapag ipinadala nila tayo sa totoong field." narinig ko ang paghikbi niya. Napakababaw ng iniiyakan niya.
"Shhhss.. Tahan na, I'm not mad at you, galit lang ako sa mga pabigla-bigla mong desisyon, and for you to sober, masaya ako kasi kasama kita sa pakikipaglaban para sa katarungan at kapayapaan." I smiled.
Lumapit siya sa akin and hugged me.
"Salamat talaga at nakilala kita, Ria." she said in a verge of her cries.
"Ehem!" hemmed Void.
Naghiwalay kami ni Mara, nagpunas siya ng kanyang mga luha.
"Che! Inggit ka lang!" natatawa habang naiiyak na saad niya kay Void. I winced.
Bumalik na naman siya sa dating Mara. I love being her, matapang at masiyahin. Magaan si Mara sa feeling kapag naging kaibigan. Para na siyang kapatid sa akin.
Suddenly the car stopped. "Nandito na tayo mga bata."
The car's light illuminated. Madilim pa ang paligid nang lumabas kami at buhatin ang mga bagahe namin.
"According to the database, nasa tamang lokasyon tayo, nandito tayo sa national road sa syudad ng Camona." giit ni Lucas na nakatingin sa kanyang bracelet. Umalis na rin ang mga sasakyan.
"And the safest way upang makarating sa puso ng syudad, we needed to take this way." turo ni Monroe sa masukal na daan patungo sa isang masukal na kagubatan.
I composed myself, nakita ko ang nababahalang tingin ni Mara at niyong si Cassy. They aren't aware na ganito pala ka lala ang aming tatahakin. I told her, dapat nagpaiwan na lamang sila.
"Afraid?" I interrupted them, dahil sobrang tahimik nilang dalawa.
They swallowed their lump on their throat. At sabay silang ngumiwi at ngumiti. Para silang pinagbiyak na buko. Magkaugaling magkaugali. I winced.
Nagpatiuna ako sa paglalakad dahil wala namang gumalaw sa kanila. Sumunod sa akin si Void at nasa hulihan si Lucas. I wonder what's their ability.
I tapped my bracelet at lumabas ang hilogram ng tinatahak naming shortcut kuno. Malapit nga lang dito iyong puso ng syudad pero talaga nga bang safe ang daan? Syempre, logic 'to. When it comes to necessitating haste, ang kaakibat nito ay challenges. Kung hindi kami magiging alisto, maaaring mamatay kami sa daan dahil sa mababangis na hayop.
Magaan ang pagyapak ko sa mga dahong tuyo, tumunog ang malulutong nitong reaksyon. Maririnig ang mga kuliglig na payapang tulog, ang kapayapaan at ang sariwang hangin. Buti na lamang ay isinuot ko ang aking leather jacket, na humapit talaga sa katawan ko. Isama pa itong medyo may kabigatang bagahe ko.
Inabot kami ng tatlumpong minuto nang marating ang sapa. Lumiliwanag na ang paligid dahil papasikat na ang araw. Naging visible sa paningin namin ang kagandahan ng paligid.
"Ano kaya pa?" tanong ni Lucas.
"Anong silbi ng training kung pagod ka na, bayawak." ngising pang-iinis ni Cassy kay Lucas. Gumuhit ang inis sa kanyang mukha.
"Nagsalita ang parrot."
"Get a room you bitches!" usal naman ni Mara na sobrang naaalibadbaran sa atmosphere nilang dalawa.
"Wow! Nagsalita naman 'tong kabute na 'to!" inis na giit ni Cassy kay Mara, na tinawanan lang nito.
"Shhhhssss..." hushed Void.
Napansin ko ang kakaibang pakiramdam sa paligid namin. May ibang nandito bukod sa amin. Nagtiim-bagang akong lumingon sa aming paligid.
Tearing of tiny air suddenly be heard, a metallic arrow hits my direction. Lumundag ako paatras, mayroong halong lason ang panang iyon.
"Be observant guys! Napapaligiran tayo ng mga kalaban." giit ni Monroe.
Napatingin ako sa aking bracelet, I slide it up at tiningnan ang tracker. Kaso wala akong nakitang mga suspicious opponent sa paligid.
Isa lamang ang ibig niyong sabihin. Hindi kalaban ang mga nandito.
"Wait! Hindi sila kalaban!" bigkas ko.
"What?" tanong nila.
"Gamitin niyo kasi 'yong tracker." wika ko.
"You're right, Ria." usal ni Void.
Ibinaba nila ang kanilang mga harang. Ganon na rin ako. Linuwagan namin ang paligid at naging kalmado.
"Kung sino man kayong nagkukubli sa likuran ng mga punong nandito. Ipakita niyo ang mga sarili ninyo, hindi kami kalaban, nandito kami upang tumulong sa mga hinirang na gaya namin." ani Lucas.
Tapos pumunit muli sa hangin ang mabilis na pagtusok ng pana sa kalapit na katawan ng punongkahoy. Mayroong nakataling papel dito.
Kinuha iyon ni Lucas at binuklat ang papel.
"Darating kami, pinapangako namin, darating kami roon!" sigaw niya nang mabasa ang nilalaman niyon.
Nagtaka ako.
Kung anumang nilalaman niyon ay tiyak kong patibong lamang, pero titiyakin ko muna kung ano iyon.
I hope this one would work.