Chapter 7

1427 Words
Chapter 7: Irritabilities Hindi kami nagwaging iligtas ang buong lugar subalit nakapulot kami ng aral mula sa ensayong ito. Hindi ito 'yong klase ng pagsusulit na maaaring magbura ng pagkakamali. Ito 'yong pagsusulit na pakakakitaan ng katotohanan. This is fiction yet nonfiction too. Nakalilito pero kung aaralin mo ng mabuti at masigasig, doon mo makikita ang nakakubling ibig kong sabihin. Pagkatapos ng training na iyon ay pinatawag kaming dalawa sa opisina ng mga grandmasters. "Ipadadala nila tayo sa misyon." Void tuned up. Ang tahimik kasi namin dito sa hallway papunta sa office. "How'd you know?" I asked, nakatingin lang sa daraanan. "I guess." anya. Nakarinig ako ng mabibilis na yapak mula sa aming likuran. Lumingon ako at laking tuwa nang mapagtantong si Mara ito. Habol hininga siya nang maabutan kami. "O? Saan ka naman tutungo, Mara?" tanong ni Void sa kanya. Nakita ko ang malaking ngiti ni Mara while looking at him. Gusto siya ni Mara. "Pinapapunta rin nila ako kasama ninyo." saad niya tapos nagkibit-balikat. "Ay o?" namanghang reaksyon ni Void. I deverted my gaze away, tumingin ako sa sementado at di-tiles na hallway path. "Isn't it amazing?" masayang giit ni Mara, tapos napa-akbay na siya sa akin. "Hindi ka ba masaya para sa akin, Ria?" nakanguso na namang anya. Kahit na hindi ko siguro makita ang mukha niya ay alam na alam ko ang reaksyon niya. "Anong kayang sasabihin nila sa atin?" I asked instead of answering her question. They both shrugged, "I don't know." ani Mara. Nang marating namin ang office, naghihintay pala sila. We got seated at nagsimula nang mag-tackle si Grandmaster Yuwolf. Hindi ko maintindihan sa mga magulang nitong mga grandmasters kung anu-ano ba ang ipinangalan nila sa kanilang mga anak. Ang astig sa pandinig. "We've watched your training and decided to give you something important that will help us kung kayo ay nagtagumpay sa misyong ito." anya. Napalingon ako kay Void na kung saan tiningnan din pala ako, saka siya nagtaas-taas ng kilay. Telling that he was right. "A mission that will serve as your real battle training." Void gulped, "Ano po ang misyon namin?" nakinig ang mga superiors sa kanya. "Good question, Mr. Harper..." pagpupuri nila kay Void. "Well, to be exact, gusto naming malaman kung nasaan ang ibang lungga ng ibang hinirang, we want you to find them and bring them all here in fortress. " he spilled. "Ilang araw po ang misyong ito?" tanong ni Mara. They counted with their fingers. "One week, bumalik kayo after one week, with or without." ani Yuwolf. "Kailan po magsisimula?" tanong muli ni Mara. "Bukas ng madaling araw." sagot ni Yuwolf. At nang wala ng maitanong ang mga kasama ko ay nagsimula ng magbigay ng mga payo ang mga superiors. Binigyan nila kami ng mga kopya ng dadalhin sa misyon. Tig-iisa kaming tatlo. "Don't worry, may tatlo pa kayong kasama para sa misyong ito. Nainform na namin sila, at gaya niyo naghahanda na rin ngayon. Makikilala ninyo sila bukas." saad pa ni Yuwolf. "And that's all, maaari na kayong bumalik sa mga cabin ninyo." Nang makarating ako dito sa cabin ay inihiga ko muna ang sarili ko, pagod na pagod ang pakiramdam ko. Parang gusto kong umidlip kaso ayaw ng mga talukap ko. May kumatok sa aking pinto. Itinapat ko ang aking bracelet sa aking bibig. Saka ako bumangon. "Sino 'yan?" Hindi na ako nagulat ng lumusot si Mara sa pintuan ko. That's her ability. "Ano bang gamit ng pinto sa'yo?" I shrugged. "Gagi! Syempre, ginagamit ko naman 'yong pinto ko, ang tagal mo lang talaga kasing buksan ang pinto. Sino bang inaasahan mo? Si Void?" she chuckled. I snorted, "Ba't nasama na naman 'yang pangalan na 'yan?" "Asuuus! In denial ka talaga, Ria, nakakalimutan mo bang nababasa ko ang isipan ng isang tao?" anya. "Except me, don't me! Ano ba kasing kailangan mo?" inis na saad ko. "Ito naman! Bakit ba ang init-init ng ulo kapag si Void ang pinag-uusapan natin? Type mo na 'no?" giit pa niya na naglakad palapit sa kama ko saka siya umupo. "Ikaw 'tong ipinapasok ang pangalan niya sa usapan natin, kaya ikaw dapat 'tong ini-issue, bakit ako? Bakit naman ako magkakagusto doon?" defensive na kung defensive pero tama naman ang mga sinasabi ko. I am just being honest. "Defensive ka nga gaya ng sabi niya." she giggled. "Alam mo, sa tuwing nag-uusap kami, ikaw lang iyong bukam-bibig niya, gusto kong mainis kasi ikaw na lang palagi pero dahil nga kaibigan kita kaya nagparaya na ako, huhu, charr!" anya, umirap ako. "Alam mo bagay mo maging writer.." "Thanks!" nakangiting sagot niya na 'di man lang tinanong kung bakit siya naging writer. "Ang galing mong gumawa ng kwento e!" inis na giit ko, kaya napawi ang kanyang ngiti saka kinuha 'yong malapit na unan at pinaghahampas niya ako. Nakakamiss lang 'yong mga araw na hindi kami nagkikita ni Mara dahil sa training namin. Ngayon na lamang ulit kami nagkasama. Nagtatawanan saka kami mag-uusap tungkol sa mga personal na mga bagay gaya ng pamilya. She's too dramatic and emotional kapag family ang topic namin pero sa akin, she never saw a single tear. "Nakakainis ka talaga! Bakit ba ako 'yong naiiyak sa kwento ng buhay mo?" usal niya on her sobbing, nagpunas siya ng kanyang luha. I'm used to it. Sobrang sanay na sanay na akong wala na sila pero nandoon pa rin 'yong masakit na pakiramdam na wala na sila. "Hindi ko naman kasi sinabing kaawaan mo ako at iyakan. Hay naku! Hala, lumabas na, kailangan ko ng maghanda para bukas." sabi ko. "Ako rin! Sige kita na lamang tayo mamaya." anya saka pinabuksan sa akin ang pinto. "By the way, thanks for today's chika..." dagdag pa niya bago linisan ang aking silid. "Napaka-hyper mo talagang babae ka kahit kailan." saad ko sa sarili ko nang lumabas na siya. Kinahapunan, nang lumabas na ako sa aking cabin ay nagulat ako nang makitang nasa labas si Void, he's back leaned on the wall. "Kanina pa kita hinihintay..." napaayos siya ng tayo when he saw me. Naka V-neck siya at black pants tapos naka-slippers lang siya pero ang ang lakas pa rin ng dating niya. Nailang ako sa kanya. "Sino bang nagsabing hintayin mo ako?" pangbabara ko sa kanya. "Si Mara." tipid na anya. Tinaasan ko siya ng kilay, "Talaga 'yong baliw na iyon!" bulong ko sa sarili ko. "Anyway, tara?" inilahad niya ang kanyang mga kamay. Tinaasan ko iyong kilay, "I can manage." wika ko na sinimulan ng maglakad. Kaso naramdaman ko na lang bigla na hinawakan niya ako sa braso at pagkurap ko ay nandito na kami sa dining hall. Napatingin ang lahat sa amin and they gulped when they saw what just happened. Hinampas ko siya sa kanyang balikat. "I can manage sabi ko na nga 'di ba! Ang tigas ng ulo kasi!" inis na sabi ko sa kanya without looking at him. Naglakad ako at hindi pinansin ang mga tinginan ng lahat. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa mga tinginan nila. Kapansin-pansin kasi doon ang kanilang paghanga. "Don't look at me, idiots." tumalim ang aking mga paningin. They diverted all their gazes. Nagkanya-kanya sila ng subo ng sabihin ko iyon. "Ang sungit niya..." "Nag-away na naman siguro sila ni Void." "Ang cool talaga ni Yttria." "Ang cute nila kung naging couple sila." Hindi ko pinansin ang mga bulungan na nakakadagdag lamang ng sakit sa ulo ko. "Did you hear them?" nakangiting tanong ni Void when we finally got seated. Katabi si Mara na naghihintay kanina pa lamang. "Abot hanggang dito ang sigawan ninyong dalawa! Hindi ba talaga kayo magbabati?" taas kilay na tanong ni Mara. She even got frustrated. "Tss!" inirapan ko silang dalawa at nagsimula na nga akong kumain. They both shrugged. Matapos kong kumain ay bumalik na ako sa silid ko na hindi nagpapaalam sa mga kasama ko. Pagkarating sa loob ay inihiga ko agad ang aking sarili. Wala na akong ibang ginawa kundi ang magkunot-noo buong maghapon dahil sa pagkainis. I don't get it, bakit ba kasi ganito ako, ang bilis kong mainis sa mga bagay-bagay. Buti na lamang at walang nababasa si Mara sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit wala siyang mabasa sa akin. Siguro baka dahil sa kawalang kakayahan ko? Pero nakalipad ako sa training. I flew accidentally in order to save Void from falling. Kaso hindi ko alam kung papaano ko iyon nagawa. Pumasok ang ibang kaisipan sa aking utak. Ano na kayang nangyayari sa labas ng dome? Sa labas ng kinalalagyan naming fortress? Alam kong masasagot na nito bukas ang mga katanungan ko subalit natatakot ako sa maaaring masaksihan bukas. Mayroon pa kayang buhay sa labas? May mahahanap kaya kami? May makikitang kakampi? Iniisip ko pa lamang ay sobrang nalulungkot na ako paano na lamang kaya kung nasaksihan ko na ito ng lubusan? Hanggang sa dinalaw na ako ng aking antok dahil sa sobra-sobrang pag-iisip sa mga bagay-bagay. I know, there's something out there na may pag-asa pa. I just knew it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD