Chapter 6: Hardest Phase
Hindi ko napansin na ito na 'yong huling araw na matatapos na ang kontrata ko kay Void. At hindi rin ako mapakali, pinipilit kong ilihis ang nararamdaman ko sa ibang mga bagay kaso iyon at iyon pa rin ang hinahantungan ng damdamin ko. Isa rin ito sa mga feeling na hinding hindi ko malilimutan. I made an experience with Void and I can't help but to get sullen.
Everyone is watching while we are weaving our way in the chamber. They wishes us lucks na sana raw ay maipasa namin ang difficult level ng training.
What if hindi namin naipasa iyon? What will gonna happen to us both?
"Ria, bakit mukha kang namatayan? Down na down 'yang mukha mo? Ayos ka lang ba?" tanong ni Mara na sinasabayan kami at hinahatid sa pinto ng chamber.
Am I really okay? Napatingin ako kay Void na kung saan ay kumakaway pa sa bawat estudyanteng nalalagpasan namin. He's very positive and vigorous. I've never seen scrupled.
"May iniisip lang ako." sagot ko kay Mara na tiyak kong hinihintay akong magsalita.
"Void, please pa assist naman nitong kaibigan ko, mukhang wala na naman sa wisyo. Uminom ba kayo kagabi?" tanong ni Mara. I winced. Kung anu-ano iyong naitatanong niya.
"I'm always doing that to her kaso mukhang manhid 'yang kaibigan mo." sagot ni Void na kinainis ko bigla. Inirapan ko siya.
"Haha, mukha kayong LB na LQ, alam niyo 'yon?" hindi ko maintindihang saad ni Mara matapos tuluyan kaming makarating sa harap ng chamber.
Nilingon ko si Void at nakitang nakangisi ito sa akin tapos lumapat muli ang tingin ko kay Mara. Umalis na ang mga estudyanteng nasa hallway at kami-kami na lamang ang nandirito.
"Anong LB at LQ? Ano 'yon?" tamad kong tanong sak kanila.
They laughed.
"Mga kalukohan niyo, alam niyo bagay kayo, mukha kayong paa." inis kong pinihit ang door knob, bago tuluyang mapasok ang loob ay narinig ko pa silang nag-apir ay saka nagtawanan.
Mga baliw na talaga.
"This is finally our last training for the whole month, I bet sobrang saya mo dahil matatapos na ang kontrata mo sa akin, right?" biglang pag-oopen topic niya na ikinabigla ko sobra.
He's not used to talk about this thingy. Pero bakit himala yatang binuksan niya ito?
"Yeah..." sagot ko. Hindi pa kami nauupo sa metallic chair. I closed my mic upang hindi marinig ng lahat ang mga pinagsasabi ko, ganoon din siguro siya.
"But you know, Ria. Sobrang thankful ako dahil ikaw ang pinasama sa akin ng mga grandmasters for this training. Ikaw ba?" s**t! Hindi ako sanay na ganito ang pinag-uusapan namin. Naaalibadbaran ako. I'm really fidgeting when it comes to this.
I swallowed the lump in my throat. "Syempre, it's a great privilege na makasama ka dito even though pabigat lang ako sa training mo." humakbang ako, narinig ko ang mga hakbang niya patungo sa akin.
Nang lumingon ako, saktong sakto nang nasa harapan ko na siya at sinakop ng bisig niya ang katawan ko. I can also see his ability cover us from the eyes of the audience.
"Maaari bang maging magkaibigan pa rin tayo kahit na tapos na ang training, Ria?" seryoso niyang tanong, nakayakap pa rin siya sa akin, hindi ako gumalaw maliban sa puso kong parang sasabog na sa sobrang lakas ng kabog nito. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng katawan at ang pagkabog ng dibdib ni Void.
Ako na 'yong bumitaw sa yakap, "Of course, we can still be friends after this, ano bang drama 'to, Void?" tumawa ako ng nakangisi.
"Sabi mo 'yan a, at kapag hindi mo ako pinansin after nito, kukulitin kita hanggang sa kausapin mo 'ko everyday, kakain ako ng sabay sa inyo, makikipag-ensayo tayo kasama ang lahat na nandoon ako sa tabi mo." anya na tinanggal na iyong nagkukubling liwanag sa amin. Saka siya umupo sa metallic chair. Naiwan naman akong tulala.
He's crazy.
Void manipulated the simulator, a holographic images began to form on air. May mga pinagpipindot siya roon.
"So, this is it pansit, hard level." wika niya na pinasadahan pa ako ng kanyang mga ngiti.
"Ump.." I nodded. I bandaged my hands and wrist at saka nagtungo sa metallic chair. Naiwang nakatayo si Void dahil 'di pa siya tapos.
I know na hindi ako nahihiya sa kanya, but when it comes to saving methods, saving system, saving chuchu na 'yan sa laban namin fictitiously? Naiilang ako and I can't help but to stay away. Pero 'yong pagyakap niya kanina sa akin?
Nag-iwas ako ng aking mukha when he suddenly chuckled while looking on my face.
"Are you already in love with me?" ngising tanong niya, matapos niyang itali ang tela sa kanyang mga kamay ay saka siya nagtungo sa upuan while still wearing his f*****g smirk. Para siyang aso!
I snorted, "Utot ko!" saka ako umirap. He chuckled on his manly tune.
"You are really making me crave for more, Ria." he smirked.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. What the f**k is he talking about?
"Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo? Are you insane? Lalaban tayo ngayon and to tell you, you space head, I'm not going to flirt with you, ever!" galit na singhal ko saka ako sumandal at simulang mag-buckle ang mga strap ng chairs and lastly the metallic strap on my forehead.
"Di mo man lang ako pinakinggan kanina." nakasimangot na anya. Nakaharap kami ngayon sa isang matayog na bell tower.
Ang sobrang ikinagulat ko ay ang pagkakaroon ng buhay ng lugar. Lives are everywhere.
"Bakit may mga tao?" nagtakang tanong ko.
Just like me, iniikot din niya ang kanyang katawan upang masaksihan ang sinasabi ko.
Nasa small village kami na masasabi kong masaganang lugar. Malalaki ang mga bahay-bahay pero konti lang ang pupolasyon.
"Ito 'yong hard level."
"I know." I snorted again.
"So, kung alam mong hard level na ito, you should also know na ang level na 'to is likely to be real and factual but fictitious kasi computer ang nagpapatakbo nito."
Naglakad kami papunta sa gitna ng village, may intersection dito na daan, crosspath siya na 'yong gitna ay may bilog na napapalooban ng tubig. It was a fountain. At ang ikinabahala ay 'yong mga taong naninirahan dito even though they're not real.
"I know, Void."
"Of course, you know..." sabi niya na tila naiinis na.
Umusbong ang mabilis na pagkalat ng itim na ulap na sinasabayan ng mga pagkulog at kidlat. Pagkua'y sumunod ang pag-ulan ng mga bulalakaw mula sa makakapal na itim na ulap. May kung anong nakakubli sa likod nito na tiyak naming doon nagmumula ang malakas na pwersa.
Nagambala ang pook at ang mga karatig nito. Tinupok at sinira ng mga naglalagablab na mga apoy ang mga tahanang nagsisilbing silong ng mga mamamayanan para sa kanilang pamilya.
Maririnig ang mga iyakan at pagmamakaawa. Kanya-kanyang ligtas ng mga sarili at mga ari-arian.
"Nagsisimula na ang training." wika ni Void na binibinat ang kanyang braso.
He casted his hands when a ball of fire nearly burn us down. Using his own nothingness ay nawala ang bulalakaw na bumubulusok papunta sa amin.
"That's it! Your power is a great of use! Ganito, ililikas ko ang mga mamamayan sa ligtas na lugar while you, you should devert those fireballs away, malayo dito sa pook." giit ko not waiting his approval.
"Mag-iingat ka." anya sa mic. I didn't raise my brows nor snorted. I just suddenly forgot the feeling of being irritated.
So, saan ba dinadala ang mga biktima sa tuwing dumarating na ang unos? Saan ba 'yong pinakaligtas na lugar?
I looked somewhere and everywhere, unfortunately wala akong makita at mahanap. In this situation, mahirap nang makahanap ng ligtas na lugar. Kung unos ang pinag-uusapan, there's no way they can save their lives kasi nga unos. Unos is unos.
"Nasaan ka, Void?" I asked on the line.
"Encountering a horrible visitor." sagot niya sa kabilang linya.
Wala ng mga bola ng apoy na lumulusot sa makakapal na ulap. They're all gone. Pero nakikita ko ang pagkidlat ng malalakas, naririnig ko ang mga pagkulog. Ang lilang kulay ng kalangitan na tiyak kong nanggagaling sa kakayahan ni Void. At ang pulang kulay na nagmumula naman sa kapangyarihan niyong kalaban niya.
"Would you mind if I join you there?" tanong ko while watching the sky. Ramdam ko ang paggalaw ng lupa at ang pagguho ng ilang mga bahay. Ang nagkalat na apoy sa kung saanmang dako.
"Kaya mo na bang lumipad?" nahimigan ko ang paghihirap niya sa itaas.
"Ayon lang..."
"Ang lala mo, ni paglipad 'di mo pa magawa, haha..." he laughed jokingly.
"Pero okay ka lang ba riyan? Can you handle that s**t alone?"
"Do you have power?" malamyang tanong niya. Ramdam ko na rin ang panghihina.
"No I don't have yet, but soon." I assured.
Pero hindi ko na siya narinig pa, until nakita ko na lang ang katawan niyang naliligo sa nagbabagang apoy, bumubulusok siya paibaba.
"My goodness!!" kinabog ang dibdib ko ng sobrang lakas.
Namalayan ko na lang ang sariling mabilis na tinakbo ang distansya ng katawan niya at ang kinaroroonan ko. I felt an odd feeling. Dahil sa kagustuhan kong iligtas siya, I didn't notice myself flying on the air.
Sakto nang masalo ko ang katawan niya effortlessly ay ang pagkapansin ko sa katawan kong lumulutang. Nanlaki ang mga mata ko, muntik pa nga kaming bumulusok pababa dahil sa pagkagulat at hindi pagkabalanse sa hangin.
Ang lakas ng tambol ng aking dibdib. Nakita ko ang nakakaawang mukha ni Void. Umaasok ang katawan niya, at iyong damit niya ay sunog na, kitang-kita ko ang balat niyang kasing puti ng telang nakabenda sa aking ulo.
Unti-unti kaming pumaibaba, ang sarap sa feeling ng lumipad, para akong nasa himpapawid. Ramdam na ramdam ko iyong enerhiya na lumalabas sa bawat butas ng aking kutis.
"You can fly..." nahihirapang wika niya.
"Yah, hindi ko nga alam kung papaano nangyari..." I replied.
Hindi siya nagsalita. Siguro sobrang sakit ng nadarama niya ngayon.
Kumulog at kumidlat ng sobrang lakas, Void manage to make a barrier pero nabasag lang ito. Tumingala ako at laking gulat nang makita ang isang halimaw. It is a shadow na nasa itaas lang. Pula ang mga mata at apoy ang bunganga nito. Usok lang siya. Ngumisi ito ng sumilip sa kinaroroonan namin, matapos niyon ay sumigaw ito sa galit at muling nagpaulan ng mga apoy.
"Huwag mong seseryosohin ang lahat, Ria. Lahat ng ito ay pawang hindi katotohan, we're inside an illusion, at ito ang training. This is the hardest part where we need to spread our attentions and intentions in everything that might happen. The safety of the humankind is a must but we need also to give them peace. Kailangan na kailangan nila ang kapayapaan to live happily." Void said in a verge of his deep breathing. Nanghihina pa siya.
"This is just a training, mas mahirap na kapag totoo na ang kalaban, kapag totoo na ang lahat ng ito." he added.
Tumango ako sa kanya. Pinaupo ko siya bago ako tumayo. I gripped. Inayos ko ang aking buhok at ganoon na din ang lubid sa aking kamay.
"Alam ko kung ano ang silbi natin sa institusyong ito. We are here to provide peace. We are born to be a hero, hindi iyong kaya lang ipaglaban ang iisang tao, kundi kayang ipaglaban ang kabuuhang bilang ng tao sa mundo at ang mundo. Subalit, sapat ba ang kalakasan nating mga hinirang upang lupigin ang mga masasamang nilalalang kung ni mismo ang mga normal na tao'y itinakwil na ang dapat na siyang sinasamba?" tanong ko sa kawalan. It is a question to everyone. Hindi lang ito sa sarili kong kapakanan.
"Kaya nga mas igihin pa nating patatagin ang ating tiwala sa totoong mas nagmamay-ari sa atin. Ang kaitaas-taasan. He planned all these things and problems. He knew everything what will going to happen on the future and he knew whose going to sit on the thrown." Void said. Tiningnan ko siya.
"Eh alam naman pala niya! Bakit pinahihirapan pa tayo? If siya ang pinakamataas sa lahat, bakit hindi na lamang niya lupigin ang mga masasama at iwan na lamang ang mga mabubuti?" galit na saad ko.
"I thought you already understood." he was upset.
"Ipa-intindi mo sa akin, Void dahil sawang-sawa na akong umintindi sa mga bagay na kailanma'y maaaring ikakakitid ng pag-iisip ng isang gaya kong mag-isip."
He sighed, "Almighty chose us to represents himself sa pamamagitan natin. Sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang ibinigay sa atin. He wanted us to enjoy our lives, suffer for our lives. He wanted us to feel angry, the essence of love. At higit sa lahat, pinili niya tayo upang iligtas ang mundo, He created the world and humankind must care on his creations, at ito na iyon. Hindi sa palaging pagkakataon ay inililigtas niya tayo, inilalayo sa kapahamakan, isipin mo, kung wala bang problema ay may nalulungkot? Syempre wala! Iyon ang nais niyang maramdaman natin, na ang lahat ng bagay ay may kaakibat na kapalit. All things have a rightful consequences." mahaba niyang paliwanag na kung saan ay nakatayo na sa tabi ko. We are both watching this fictitious world burned down on it's severe downfall.
"May magagawa pa tayo." I said positively. I saw him nodded.
"Marami pa tayong magagawa sa mundong ibabaw hanggang hindi pa dumarating ang ikalawang paghatol." makahulugang saad ni Void na kung saan ay naiintindihan ko.
He held my hand na sobrang ikinabigla ng sistema ko. Kumabog ang dibdib ko sa hindi normal na paraan. It was the odd feeling.
Then suddenly I realized, ito na ba 'yong tinatawag nilang love?
Am I really in love with this guy?
Pero sa kaibuturan ng aking isipan, isinisigaw nitong, hindi sagot ang pagmamahalan sa delobyong maaaring mangyari kinabukasan. Pero tama ba ang kaloob-looban ko? Tama ba itong nadarama ko kay Void o mas tama ang isinisigaw ng aking isipan?
It is a battle between heart and mind.