Chapter 5: Artificial Intelligence
Paulit-ulit lang kami ni Void sa training. Noong una ay easy part pa lang kami until naging moderate.
May nanunood na rin sa aming dalawa kapag nasa training na kami. Hiningi kasi ng headmaster ang pahintulot sa amin kung isasa-publiko ba nila ang training session namin at wala namang masama doon.
Naging sikat pa nga lalo si Void, lalo na sa pagtaas ng kakayahan niya. He even made himself more powerful, naiisip ko na nga ring magretire sa pagiging co-trainee niya kaso hindi ako pinayagan ng council. Kesyo tapusin ko na lamang daw iyong nalalabing labing-limang araw. May iba ba akong pagpipilian? Syempre wala.
This passed few trainings, physical aspects lamang ang nababago sa akin, tumatatag iyong katawan ko at minsan nga'y nasosobrahan kami sa ensayo dahil tila hindi napapagod ang aming mga katawan.
"Moderate ulit tayo."
Tumango ako at nagsuot ng benda sa kamay. Same disposition and garments.
Nang magmulat ako matapos ang matagumpay na pagpasok ng illusion sa aming isipan at katawan. Dinala kami ng ilusyon sa mas mataas na lebel ng phase. Mas mataas, mas mahirap ang tyansang makuha ang goal.
"Mukhang lalagnatin ako after nito." biro niya.
Nanatili naman akong tahimik sa kinatatayuan ko. Anong delobyo na naman kaya ang haharapin namin?
"Ang tahimik mo yata ngayon?"
"Dati na akong ganito..."
"Alam mo nakakaaliw ka talaga..." I distanced my cheeks from his fingers. Pinisil niya kasi ito.
"Can you stop pinching my face! May nanunood sa atin sa labas!" galit kong bulong sa kanya. Naku! Kung talagang wala lang ay kanina ko pa siya tinadyakan sa mukha.
"Sus! Gusto mo naman, ayieeehh..."
"You're face."
"Gwapo 'no?" hagikhik niya.
"Utot mo!"
Itinaas ko ang aking kanang kamay at tumambad doon ang isang sandata. Matagal ko na itong na-claim, noon sa easy part, matapos kaming magtagumpay sa level na 'yon.
Silver sword iyon na kayang-kayang putulin ng isang hibla ng void energy ni Void. Why am I inserting that name on my mind? Like the eff!
"Nice one! Mga robots ang kalaban natin ngayon!" namamanghang saad ni Void habang napapatingin sa nakahilerang mga robots sa gitna.
"Anong nice riyan? Bala 'yan oyy! Engot ka?"
"Oo engot sa'yo! Ayiiieehh! Tapos ka na riyan?" nagtaka ako sa tanong niya.
"Anong tapos? Saan naman?"
"Tapos ka na bang kiligin?" binatukan ko siya, kaso nakaiwas.
"As if naman kinikilig ako, tigil-tigilan mo nga iyang walang kwentang banat mo, gusto mo mangisay ako?" taas-kilay kong sagot.
"Asus! Mga mapagmahal kong tagasubaybay, heto na naman po tayo sa walang humpay na pag-deny at pagiging defensive ni Ria. Hindi na siya naawa sa akin." parang tangang nagre-react pa kamo.
Nagsimula nang umatake ang kampon ng mga robots.
Mahirap silang kalaban kasi metal ito. Nai-immune din sa mga ginagawa naming pag-dipensa. Matibay din ang kanilang dipensa.
"Hindi mo ba pansin ang paulit-ulit nilang paggalaw?" tanong ko.
Kumibot siya at gumawa ng pananggalang namin.
"Oo nga 'no? Bakit 'di ko 'yon naisip?"
"Puro ka kasi pasikat kuya? Kaya iyong nararapat na gagawin mo'y nasasapawan ng ilang walang kabuluhan na mga bagay, and that's it. Pagpapakitang-gilas." nainis ako bigla ng tumindig siya ng maayos at itinaas ang kanyang dibdib na parang gustong-gusto pa niya ang mga sinasabi ko.
"Anymore impression that you want to add Miss Sagan?"
"Zip." I gestured zippering my mouth.
Nabuwal ako sa kinatatayuan ko ng magpalipad sila ng mga missiles. Tumagundong ang lupa at nawasak ito. Nanatili kaming buhay sa tulong ng makapal na pananggalang ni Void.
"The more we tolerate their attacks, the more they become aggressive. Lumalakas sila kapag 'di tayo lumalaban." ayon sa nakikita at napapansin ko.
"You're so good about solving problems without the help of your ability. Ang talino mo talaga." puri niya sa akin.
I flipped my hair, "My bad.." ngising wika ko.
"Oh s**t! Nuclear lazer!" he worriedly reacted. Dalawang kamay na ang ginamit niya upang mas bigyang tuon ang barrier kaso mukhang nahihirapan siya.
So, I admit it na pabigat nga lang talaga ako dito.
The first attempt was happened and it really made us flew away and bounced us to nearby houses. No worries kasi wala namang naninirahan dito. Ang layo ng pagkakatalsik namin at ang ikinagulat ko pa ay nagkaroon ng malaking bitak sa barrier ni Void.
Tingnan mo nga naman ang kayang gawin ng mga AI ngayon. Kung patuloy lang sa pagimbento ng mga ganitong basura ang mga siyentista, those inventions of them will be the one to kill them. Robots are robots.
"The f**k! Unang atake pa lamang iyon at talagang halos mabasag na nito ang barrier ko!"
"Reloading na naman sila, at naghahanda para sa pangalawang atake." I said while readying myself on the impact that will occur.
"Wala na bang ibibilis 'yang pagsasaayos mo sa barrier? Nakatutok na naman sa atin 'yong lazer nila." dagdag ko pa na niyuyugyog si Void, nasa likuran niya ako.
"Can you calm down there, heto na nga 'di ba? I'm doing my duty to the fullest kaso sobrang atat nang punyemas na robot na 'yan!" naiinis nang sigaw niya.
"Remember, this is only moderate, 'wag mong sabihing sumusuko ka na?" nginisian ko siya.
"Tss!"
Pagkasabi niya niyon ay saka niya ako hinahawakan sa kamay at naglaho kami sa kinaroroonan namin, sakto lang noong magpasabog sila roon, lumitaw kami sa itaas nila, Void get the chance to throw me on the targeted opponent. 'Yong pinaka-ulo nilang lahat.
Pabulusok na lumapag ang mga paa ko sa metal na balikat nitong 'puso' ng mga robot na ito. Siya iyong nagmamanipula sa lahat upang paulanan kami ng atake.
Habang nakatoka naman kay Void ang mga minions nito. Tumalon ako paikot at magaang parang papel na lumapag sa lupa. I summoned my weapon accessory. I slashed it vertically kaso nakaiwas ang pesteng ito. Our weapons clashed, using my full force, itinulak ko ang pesteng robot papalayo sa akin at saka ako umatake, sinalubong niya ako ng sunud-sunod na atake ng kanyang lazer gun.
"Magpatuloy ka lang, bibigyan kita ng barrier." anya saka ako tumango.
Umatake ako habang paatras siya ng paatras. I readied my sword, wala na siyang ibang choice kundi ang kalabanin ako using physical forces. Diyan na siya nagkamali. Don't underestimate a human brain, you trash!
Sinalubong namin ang isa't isa pero nagawa kong malinlang ang peste, inipon ko lahat ang lakas ko at malakas na lumundag pumaikot sa ere, lumapag ako sa likuran niya at doo'y malayang tinarak ang aking sandata. Mukhang nagugustuhan ng sandata ko na manatili sa dibdib ng robot.
Sabay-sabay na nagtumbahan ang mga peste. We won again.
"Phew! Nice plan, Miss." nakangiting puri sa akin ni Void.
"Thanks." taas-kilay kong sagot.
Pagkalabas namin ng chamber ay sinalubong kami ni Mara. I missed my girl best friend. Halos tatlong linggo na nga ang nakalipas, malapit nang matapos ang kontrata kl sa ugok na ito.
Magkakasabay kaming tumungo sa dining room, yes! Kasama nga ang ugok na ito for the first time. Naaalibadbaran tuloy ako sa mga nagpapa-autograph sa kanya.
"Ang perfect ng tandeman niyo kanina, alam niyo bang kilig na kilig 'tong mga tao dito while watching you too flirt?" kinikilig pa kuno na saad ni Mara.
"Excuse me? Me? Flirting with him? Like duh?" I denied. Totoo naman kasing hindi ako nakikkpaglampungan sa kanya 'no!
"Wow! Ang dipensib grabe! E ano 'yong pangiti-ngiti mo kanina?"
Nagtaas kaagad ako ng kilay saka siya mariing tinitigan. Mahigpit kong hinawakan ang tinidor at kutsara. Nagtiim-bagang ako. Nakita kong ngumiti siya ng pilit, he knows what am I doing right now.
"Oo, magaling talaga 'yang si Ria. Matalino rin." pag-iiba niya ng topiko.
"Psst!" sitsit ni Mara sa akin na nasa pagkain ko na ngayon nakatutok. Tiningnan ko siya. Tumayo ako. "I'm done."
"Lagot ka." rinig ko pang pangungutya ni Mara kay Void sa mesa namin. Hindi ako galit kay Void, wala naman akong ikinakagalit sa kanya. Gusto ko lang talagang matulog at magpahinga.
Kaagad kong nakuha ang tulog ko at sinakop ng dilim. Hindi nagtagal ay bigla akong nakaramdam ng kung ano sa mga mata ko.
Bumangon ako sa aking kinahihigaan, pinatay ko naman iyong ilaw dito sa kwarto pero bakit sobrang liwanag ng nakikita ko? Bakit sobrang liwanag ng nasa paligid ko?
Nagkibit balikat ako at tumayo upang patayin ang ilaw kaso nagtaka ako nang makitang naka-off ito.
Huh? Ang weird, dahil wala naman akong pakialam sa mga nangyayari at talagang gustong-gusto ko nang matulog kaya bumalik na ako sa pagkakasampa sa kama ko at ilang minuto lang ay nakuha ko na ang ninanais kong kapayapaan.