Chapter 4: Plumb
Simula noong sabihin ng mga grandmasters na ako ang magtuturo kay Void, inilagay nila kami sa training hall na kung saan kayang mag-absorb ng massive energy kung sakaling malakas ang trainee. And Void is one of a kind.
Ibig sabihin ay hindi na kami makakalahok sa general training. Suddenly, Void's face appeared on my mind.
Naaalibadbaran lamang ako sa goggle niya na kulay itim, bakit kaya hindi na lang sunglasses?
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad patungo sa training hall. Isa 'yong chamber na balut na balot sa mga protective forces upang hindi maapektuhan ang mga nasa labas nito.
Nang tuluyan na akong makapasok, tumambad sa akin ang crepuscular room. Hinagilap ko ang switch sa gilid ng pinto at pinindot iyon. My vision adjusted and to my conceivability, here he is. Wearing his goggle, a black sando and a black pants. Sa edad niyang iyon ay nakakamanghang batak ang katawan niya, hindi iyong sobra-sobra sa muscle 'yong sakto lang.
The wall was coated with dark color, the purpose is to absorb a massive aptitude, and that absorbed aptitude will be added on the protective circle that will take a refuge on us.
This is my first time to train myself here in this chamber. Nakita ng peripheral vision ko si Void.
Nasa kabilang dulo siya nitong silid at tinatalian niya ang kanyang mga kamao ng itim na tela. He's effin serious about this training.
Humakbang ako patungo dito sa dulo na kaharap siya, may kalayuan ang distansya namin. He's there and I'm here. The metallic table obtruded when it sensed me standing on the sensory part.
May iba't ibang kagamitan ang nakapaibabaw sa mesa. Mayroong mga dagger, iba't ibang klase ng kutsilyo iyon. Mga nuclear weapons, guns that contains radioactive bullets. Mga potions at marami pang iba. I raised my head and looked at him. Hawak niya ngayon iyong napili niyang sandata, it was a sword. My brows hoisted.
"I am ready." he spoke. Nagpintig muli ang aking tenga dahil sa pagkakarinig niyong tinig niya.
I bandaged my both hands and picked the sword. I'm not afraid sa pagkatao niya, sa kapangyarihan niya ako nasisindak, hindi ko pinakitang takot ako. Naglaho sa sahig ang metallic table at umangat ang center part ng room. Malawak na bilog iyon, may daanan sa bawat gilid na kaharap namin pareho. Humakbang kami papasok sa bilog na platform.
The passageway vanished and a protective circle summoned hanggang sa matutop nito ang kabuuhan ng bilog. May bagay na lumabas sa gitna ng platform, noong una pula ang kulay nito until naging green. Sa kinatatayuan namin ay may biglang lumitaw na mettalic chair, nag-alinlangan ako kung uupo ba ako or hindi.
Sumulyap ako sa kalaban ko and gestured na 'what-are-you-waiting-for-look', I rolled my eyes and got seated and leaned.
A strap of black tough fabric fastens our legs, hips, bellies, arms, hands, necks and foreheads. Para kaming kakatayin, but I stood still. I am not afraid, right? Hindi rin siya takot sa maaaring mangyari.
The thing on the center part suddenly eject forth mist-like thing na gaya niyong ginawa ni grandmaster Yushi. Ang tube-like mist ay kumunekta sa metal na nakasuot sa aming noo at tila may itinatanim sa aming isipan.
I suddenly felt weakness of my body. Hanggang sa naipikit ng pwersahan ang aking mga talukap, pero gising ako.
Pagkurap ko, lumitaw ang katawan ko sa isang malawak na parang. Kitang-kita ko dito ang buong syudad pero parang imposibleng marating ko iyon. Sa may hindi kalayuan ay nakita ko si Void. Napansin kong wala iyong sandata namin. Napansin ko rin ang digital time na naka ukit sa aking pala-pulsuhan.
30:00 minutes
Tama! Nandito kami sa chamber and all we need to do is to fight. Training lamang ito. How spectacular was the superiors to create such training facility. Ang cool!
"We need to figh-" he was cut off when a huge and gigantic creature appeared at the center of the field where we are right now.
"Watch out! Mukhang hindi natin kakalabanin ang isa't isa, this one! Itong pangit na 'to ang tatalunin natin!" sigaw niya sa kabilang dulo. Naramdaman ko ang earphone at mouthpiece sa kaliwang tenga ko.
I clicked it, "Use your mic to communicate with me." wika ko and I saw him nodded. Kasing laki ng matayog na acacia tree ang halimaw na ito. Ang katawan nito ay batong bato, isa itong Golem. Gawa ito sa hologram at batid kong hindi lang ito tulad ng isang hologram na lumulusot kapag hinahawakan. This one is fictitiously real.
"Grrrrraaaaa!" the monster growled, he furiously attacked Void. Lumitaw ang knout sa kamay nito and smashed Void, umiwas siya patakbo, nabiyak ang kinatatayuan niya kanina. Phew!
"Mag-isip ka ng paraan habang nililito ko muna ito! Bilisan mo dahil kung gaano kabilis ang kilos ko ay siya ring bilis ng kilos ng halimaw na 'to!" he screamed on the line.
Kaso walang pumapasok sa isipan ko! Paano namin matatalo ang halimaw? Pinindut-pindot ko ang aking tenga upang mas lalong makapag-isip.
"Wala akong maisip!" inis na sigaw ko.
"Tsk!" he said vexatiously. "Look out!" sigaw niya pero sobrang bilis nang kilos ng halimaw, gamit ang dalawang kamay nitong hinampas ang pwesto ko, I waited for a painful feeling kaso wala, naramdaman ko na lamang na buhat-buhat na ako ni Void. Nag-init ang mukha ko.
"Stupid..." he said softly na nasa daan lang ang tingin. Ang bilis niyang tumakbo na halos kapusin na rin ako sa aking paghinga. Nakaramdam ako ng kakaibang kabog sa aking dibdib. What's this odd feeling?
"Salamat..." I said in gratitude. Napahiya ako roon. Ibinaba niya ako rito sa may likod ng malaking puno.
"We need to defeat the monster before this time ends." wika niya saka ako napatingin sa wrist ko.
27:34 minutes
Mahaba-haba pa ang minuto. And we need to defeat that monster. I can't imagine na mararanasan kong makasalamuha ng ganoon kahit na hologram lamang ito.
"Stay here, susubukan ko muling atakihin ito, babalik din ako..." pagpapaalam niya sa akin. I rolled my eyes. As if I care, kesyo malakas naman siya, tiyak kong mabubuhay siya.
Nabuwal ako sa kinatatayuan ko nang maglaho siya na parang bula sa harapan ko. Sinilip ko ang galit na galit na halimaw, nagsinghap ako nang makita si Void na lumitaw sa ulunan ng golem. Umatake siya sa itaas. A sword summoned on his hand, nag-aalab ito sa kulay na lila. Namangha ako imbes na mag-alala, and why would I care? Kaya na niya 'yan.
Napansin ng halimaw ang pag-atake niya kaya hinampas siya nito, tumalsik siya ng sobrang layo at muli akong nagulat nang marinig siya sa likuran ko.
"Malakas ang isang 'yon."
"Putspa!" napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa sobrang pagkabigla.
"Nagulat ba kita?" naghihingalong tanong niya, nagdurugo ang gilid ng kanyang bibig.
"Ayos ka lang ba?" kabubuhang tanong ko. Syempre hindi siya okay, Ria.
"Ano sa tingin mo?" he smirked. Sarap sipain sa mukha.
Dumagundong muli ang malakas na sigaw nito. Umuga ang inaapakan naming lupa dahil sa sunud-sunod nitong pinaghahampas ang lupa sa kinaroroonan niya.
"We need to move, nasasayang 'yong oras natin dito." he suggested na mariing tinanguan ko naman.
"Pasensya na, hindi pa ako marunong gumamit ng kakayahan ko-if mayroon nga..." mahinang paghingi ko ng paumanhin.
"Seriously? Hindi mo pa natutuklasan ang abilidad mo? Come on! Totoo ba 'yan?" gulat na tanong niya sa akin. Hindi siya makapaniwala na isang hamak na walang silbi ang kasama niya sa training.
"Pardon me for being a plumb..."
He sighed, "Let's keep going..." pag-iiba niya ng topiko.
"Ummp..." pagsang-ayon ko.
I sighed when he eclipsed and appeared on the right knee of the golem. Mas nadagdagan ng liwanag ang sandata ni Void ng hiwain niya ang bato-batong tuhod nito. He made it, naputol na niya ang kanang paa nito. The golem tumbled at doon na kumuha ng pagkakataon si Void upang itarak sa bandang dibdib ng golem ang naglalagablab niyang espada. The golem screamed in pain at saka ito natunaw sa gintong alikabok.
Parang ako iyong nabunutan ng tinik nang matalo niya ito. I felt relief. Tumambad siya sa harap ko sanhi upang magulat ako.
"Cool ko ba?"
May kahanginan din pala siya sa katawan. Nirolyohan ko siya ng mga mata saka ako tumalikod.
"Salamat." mahinang saad ko.
"Ano? Ano 'yon? May sinasabi ka?" pinagtitripan niya ba ako?
"Ha? Ako? Wala!" sarkastikong sagot ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Defensive mo masyado, pero teka, ano palang pangalan mo?" nalunok ko ang pagkahanga sa kanya when I heard what he asked.
Until now ba ay hindi niya ako kilala? Wala bang nasasabi ang Grandmasters sa kanya? Napangiwi ako at napahilamos ng sariling mukha.
"Seriously? Until now hindi mo alam ang pangalan ko?" inis na tanong ko.
"As if I'm obliged?" sagot niya na nakasandal na pala sa punong pinagtataguan namin kanina habang tinatanggal 'yong benda sa kanyang kamay. Puno iyon ng dugo.
Hindi na lamang ako sumagot. Sumulyap ako sa wrist ko.
00:47 seconds
Nang tuluyan nang mawala ang oras ay hinigop kami ng gintong alikabok paalis sa field na iyon. At nagmulat ng mata at tumambad ang kisame ng chamber. Nakabalik na kami.
Nawala ang protective barrier at nang matanggal 'yong mga straps ay mabilis kong nilisan ang kwartong iyon. Naiinis ba ako? I know, hindi kasi ganito na ako since makapasok ako rito.
"Sandali lang!" sigaw niya, hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa paglakad.
"Naalala na kita! Naalala ko na ang pangalan mo." masayang saad niya na lumitaw pa sa tabi ko. At sino bang hindi magugulat sa ginagawa niya?
"Puwede bang tigilan mo 'yang kakalitaw sa kung saan-saan? Papatay ka sa gulat?" tinaasan ko siya ng kilay habang sinasabi iyon.
"How can you do that?" bilib na tanong niya. Ano na naman bang nakita niya sa akin at tinatanong ako ng ganoon? Kung hindi siya nakakainis, nawiwirduhan din ako sa kanya.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad papunta sa cabin.
"Akala ko ba kakain ka for lunch? Tanghali na kaya..."
"Mind your own business..." wika ko hanggang sa tuluyan ko na siyang iwan doon sa harap ng pinto ng hapag-kainan.
Nakakabadtrip 'yong araw na 'to.
Pero kahit anong inis ko sa kanya ay nananaig pa rin 'yong pagtulong niya sa akin, at iyong pagsagip niya sa akin kanina sa training.
Tss! You're absurd, Ria. Syempre, may pakiramdam 'yon, tutulong at tutulong iyon na walang hinihinging kapalit.