Chapter 3: Omnipotence
Hinangad kong mapag-isa dahil sa natuklasan ko. Hindi ko mawari kung ako ba o kusang nawala lang iyon. The training was held because of what happened lately.
Hindi rin ako makausap ng ayos ni Mara dahil sa pagkakabalisa ko. Hindi rin ako maka-concentrate. My hands are trembling. Napaupo ako sa edge ng aking kama, I even locked my room.
What had happened lately was really an insane! Nakakasira ng ulo! Ginulo talaga nito ang sistema ko.
My stereo turned on, someone is outside my room. "Okay ka lang ba, Ria? May nararamdaman ka ba? Sabi ko naman kasi sa'yo na mag-iingat ka e!" wika niya na may pag-aalala.
I opened the door using my bracelet which has an AI. Nakita ko ang nag-aalalang mukha niya, she entered at dinamayan ako sa pagkakaupo sa aking kama.
"Okay ka lang ba talaga?" for the nth times.
"Did you see what happened lately?" I asked, sure na sure kasi ako na ako ang may gawa niyon.
"Yong alin?"
Tumayo ako at nagpabalik-balik ng lakad. "I did it. I have an ability. Alam kong ako ang may gawa niyon." I whispered to myself.
"Umupo ka nga muna at pakalmahin ang sarili, ano bang sinasabi mo? Ano bang ability 'yong sinasabi mo, Ria? We all know na kusang nagdefuse ang kapangyarihan niya kanina. Look, you're too distraught, you need some rest, Ria." pagpapayo niya.
Siguro nga nagdefuse lang 'yong ability niya. Siguro. Siguro pagod lamang ako. And it's really absurd kung mayroon man akong kakayahan. I'm human, right?
I sighed, "Tama ka, siguro pagod lang ako at kung anu-ano ang mga napapansin ko. I need some rest." I said. Tinanguan niya lamang ako and walked outside.
"You can take your medicine afterwards." anya sa stereo at saka nag-off. I sighed. Hopefully not, sana hindi lang ako nagi-imagine na maaaring makasakit lang sa akin sa huli.
Meanwhile, dahil nababagot ako sa kaiisip niyon ay nagtungo ako sa biblyoteka na ayon sa ibang katawagan ay silid-aklatan o librerya.
Lumapit ako sa tagapangasiwa. "Mayroon po kayong libro na patungkol sa iba't ibang klase ng kakayahan?" tanong ko.
"Marami. Ano bang klase ng libro niyon ang hinahanap mo?" sagot niyong matandang librarian namin. May kabagalan na rin siya sa paggalaw and even wore a reading glass that expresses her old age.
"Sabihin niyo na lang po iyong lokasyon upang hindi na po kayo mahirapan, Ma'am." I suggested, ngumiti siya sa akin. May kinuha siya sa kanyang drawer, sticky note lang pala niya. Nagsulat siya roon at saka inilahad sa akin ang isang piraso ng peach-colored na sticky note.
"Nariyan 'yong book number, lahat ng nasasaklaw niyon paitaas na bilang ay ang ibang uri ng librong hinahanap mo, hija. Pumunta ka lamang sa ika-pitong seksyon, nasa dulo iyon ng malaking silid na ito."
Pinagdaop ko ang aking palad and bowed for gratitude. "Maraming salamat po, Ma'am. " and she answered me with her sweetest smile.
Pagkarating ko sa ika pitong seksyon ng mga bookshelves. Ang daming lumang libro. May mga nakita pa akong tungkol sa witchcraft and wizardry. Pero hindi iyon ang pakay ko dito.
"976BA to 977ZZ"
Nababagot kong basa sa mga book numbers na nakasulat. So, isa-isa ko na ngang binasa ang side part nito. It's all about minor, major, elemental, celestial abilities until nadako ang mata ko sa forbidden and omnipotent. So, I pulled out those two types of books and carried it nearby table, so that, I will be able to begin reading it.
Naisip ko kasing tila hindi lahat ng maaaring malaman ay spoonfeed ng mga guro namin. We should also find ways upang masuntentuhan naman namin ang mga curiosity namin. We should apply what we have learned.
Pagbuklat ko sa mga pahina ay puro mga nakakatakot na kakayahan ang nabasa ko. Even doon sa kakayahan niyong Void, totoo ngang forbidden iyon.
"Must avoid contact on the eye, and avoid too much concentration. If this happens, you must need the nullifier and absorber to prevent the vessel from dissemination..." basa ko sa talata.
"Nullifier and absorber-"
"Nandito ka lang pala, Ria, kung saan-saan kita hinanap, I am not reminded na you're fond of reading books? What's that?" mabilis kong tiniklop ang libro at inayos sa shelf nito nang tangkang tingnan ito ni Mara. Yes! Mara again and her weird personality.
"Bago ba 'yon sa'yo?" I asked saka kami tumungo sa exit.
"Nang babara ka na naman. I know na okay ka na."
"Tss!"
When we finally reached our rooms, kunot-noo kong tiningnan ang bukas na pinto ng kabilang silid. No one's inhabiting there for months, nagtaka ako kung bakit bukas na ito.
"May namamalagi na ba dito sa kabilang silid?" hinarap ko si Mara while pointing the cabin beside.
She nodded, "Siguro? I don't know. See for yourself." anya na parang pinagtutulakan pa akong masilip ang kabilang silid.
"No! I won't!" protesta ko at binuksan ang aking silid at pumasok sa loob.
"Get a rest, Ria. May training na ulit bukas."
Pagsapit ng umaga, matapos naming magbreakfast ay pinatawag ako ng mga superiors sa conference.
Pagkarating ko, nakaupo silang lahat sa mahabang pahalang na mesa. Labin-lima lahat ang superiors namin maliban sa mga nangamatay na. 'Yong mga unang myembro ng council.
"We have called you for some matters." Grandmaster Grey started. Walang kaalam-alam akong tumango sa kanila.
"Mr. Void Harper lately, he accidentally exceeded his ability, overruning it without his prior consent." he added. From the ceiling, a wide screen slipped down, bumukas ito and Void's apanages suddenly revealed.
"His ability-we know everyone here na isa siya sa mga forbidden vessels, right? As of the affirmation of Master Odin, you, Miss Sagan defused his ability for a meantime."
My eyes went wide upon hearing those. Ako? Ako nga talaga ang may gawa niyon? Hindi ako nagkamali, gusto kong matuwa, gusto kong yakapin si Master Odin at lalong lalo na 'yong Void na iyon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko matutuklasan ang kakayahan ko.
"Void itself explains what ability he possesses. Minor and major abilities are ineffective to him, even celestial and elemental are futile too, maliban sa mga omnipotent. Grandmaster Yushi?" Grandmaster Grey gave the platform to Grandmaster Yushi.
I've read about the common and basic types of omnipotent ability. Hindi ko iyon lahat nabasa dahil sa pangi-istorbo sa akin ni Mara.
"Are you aware about omnipotence, Miss Sagan?" he commenced, may pinindot siya sa remote at nag slide up ang monitor.
He flipped his fingers at sa gitna ng mesa tumambad ang dilaw na liwanag, it was a mist-like thing. Para itong pixie dust.
May mga kasapi na noon pa man ay nabiyayaan na ng ganitong kakayahan. Gaya nina Superior Kyiara, babae siya. She possessed the omnipotence of time, namatay siya dahil sa labis na paggamit nito.
"Walang hanggang kapangyarihan na maaaring magkulong o pumatay sa vessel nito kapag hindi mamanipula alinsunod sa isipan ng vessel." napalunok ako.
"Hija, isa akong omnipotent, ngunit nasa ikahuling katangian na nito, tayong mga may ganitong kakayahan ay kapangyarihan ang tawag, iyon ang pagkakaiba sa abilidad at kapangyarihan."
"Ano pong nais niyong sabihin? Na omnipotente po ako?"
"Matalino ka ngang bata. Hindi nagkamali sa pagsabi si Master Kyunara." anya saka tinanguan ng kapwa niya grandmaster.
"But we haven't yet discovered your power. Mahirap itong tukiyin dahil lahat ng omnipotent ay kayang magdefuse ng isang forbidden vessel." anya, tumango naman ako.
Sa kaluob-looban ko ay nag-uumapaw ang kagalakan ko dahil sa pagtutuklas nito. Pero, ano nga bang kakayahan ang isinindi sa akin ng dakilang tagapagligtas?
"Nais naming gabayan mo sa page-ensayo ang batang iyon. Nais naming makita ang pagbabago sa kanya within a month." lumawak ang mata ko.
"Ha? Bakit naman po ako, e ang daming may gustong lumapit doon? Ang hambog kaya niyon! Baka 'di po kami magkasundo Grandmaster." protesta ko. Ngumiwi sila.
"Kung gaano ka katalino ay siya namang ikinashunga mo, bata."
Pfft! He just used the word shonga in his old age. Nakakatawa lang.
Matapos ang pangyayaring iyon ay galak na galak kong sinampa ang sarili ko sa kama ko. The f**k! Totoo ba ito? Do I really have a power? Walang masidlan ang kagalakan ko ngayon hanggang sa namayapa ang katawan ko sa magaang pagkakahiga ko sa aking kama. Unconsciously, nakatulog ako.