bc

Strange Proposal

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin mo kung isang araw ang magulo mong buhay ay mas dadagdagan pa ng isa pang problema!

At manggagaling pa ang gulo na yon sa isang lalaking hindi mo naman kilala at ang masaklap pa sa tibay ng muka niyaya ka pa ng isang kasal?!

Makakapalag ka ba kung sa isang pagmamakaawa lang eh nadala ka na?! ang hirap kayang maging isang half kind half stone heart ang peg!!!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Alex POV "Balut! Balut! Balut! Kayo diyan!" Hay! ang sakit sa lalamunan ahh! Napakatumal naman ngayong gabi! Sabay hagod ko sa aking leeg dahil kanina pa kasi ako sigaw ng sigaw at lakad ng lakad pero ni isa wala man lang bumibili ngayon. Takot atang ma high blood ang mga tao ngayon eh. Kailangan ko pa naman ng pera ngayon dahil May mga bibilhin pa ko para sa school, malapit na din naman akong maka graduate sa wakas! Mabibigyan ko na ng magandang buhay si tatay. "Bestie! Bestie! " Napapikit ako sa irita sa pagtawag niya. Kung makasigaw naman tong si Balong akala mo may nangyayari sa kaniyang masama! Malamang magyaya na naman tong lumamon ng tapsilog o kaya pares sa mamihan! "Oh bakit? Wala akong panahong kumain! Wala akong gana. " Agad kong sabi nang nakalapit siya sa akin dahil naghahanapbuhay ako ngayon, nakikita naman niya. "Bestie kailangan mo nang umuwi agad!" Hingal na hingal niyang sabi sakin na halos pawisan pa. Anong pakuno niya?! "Baliw ka ba! Hindi pa nga ubos tong paninda ko eh! Mag isa kang kumain at umuwi! " Sabay hampas ko sa kaniyang braso. Saka tumalikod na at nang makarami. Nakita kong napasabunot pa siya sa ulo, napangiti na lang ko sa ginawa niya. " Ako na ang bahala diyan wag ka ng makulit! Kasi ang tatay mo!" Pagkarinig ko nun nilingon ko agad siya kung nagsasabi siya ng totoo sa tatay ko, nakaramdam agad ako ng kaba dahil seryoso ang mukha niya at halatang sobrang nag aalala nabitawan ko ang basket na dala ko dahil sa sobrang kaba. Naalarma agad ako at tinakbo ko agad ang malapit na palengke sa amin. Pagdating ko dun halos manginig ako sa galit at awa. Nakita ko ang tatay ko na nakahiga at binubugbog ng mga kalalakihan. Mabilis akong naghanap ng pwede kong gamitin para panlaban ko sa mga walang hiyang to! "Bestie oh!" Narinig ko si Balong at binati nya sakin ang isang dos por dos, kahit kailan talaga to maasahan! " Hoy! Tigilan niyo yang tatay ko!" Huminto ang mga lalaking nanggugulpi sa tatay ko at lumingon silang lahat sakin. Ngumisi sila dahil sa nakita nilang babae ako at alam nilang kaya nila kong lahat. Pero nagkamali sila dahil kamag anakan ko ata ang ibang siga dito sa Maynila. Lumapit sila sakin at sumugod lahat, isa isa ko silang pinagpapalo ng dospordos , may ibang nakasapak sakin pero di naman masakit. Buti na lang din kasama ko si bestie na nakikipag basagan ng mukha sa mga lalaking to! Pagkatapos naming makipag laban naks! Akala mo talaga eh mabilis lang naman dumating ang mga tanod at mga pulis kaya nahinto din kagad kahit papano. Nilapitan ko agad ang tatay ko na nasa isang sulok na nakabaluktot dahil siguro sa sakit na naramdaman niya kanina. May hawak hawak siya na noodles at mga gamot. Hinawakan ko siya sa kaniyang mukha dahil puno ng pasa at maga ang mukha ni tatay. "P-para to... kay A-Alex anak ko yun... Gutom na siya k-kasi, may s-sakit kasi s-siya yung anak ko. K-kaya parang a-awa niyo na." Hindi ko na pinatapos ang tatay ko at agad ko siyang niyakap. "Tay." Naaawa kong tawag. "Okay lang po ako. Wag nyo na po akong alalahanin. Tara na po uwi na tayo." Hindi ko mapigilang lumuha sa habag sa tatay kong walang ibang ginawa sakin kundi mahalin ako at alagaan. Ganyan kasi si tatay kapag naalala niya nung bata pa ko, noong may sakit ako walang wala kami non, ni pagkain wala. Nagnanakaw siya ng noodles at gamot para sakin kaya palagi siyang nagugulpi noon. Mahal na mahal ko ang tatay ko. Hindi naman siya magkakaganito sana kung hindi ginawa sa kaniya ng napakawalang kwentang babae na yun! Lahat ng paghihirap sa ama ko, Kaya kapag nagkita kami lintik lang ang walang ganti. Diego POV "Please Hon, umuwi ka na dito. Sobrang miss na kita." Miss na miss ko na kasi ang girlfriend ko. f*****g long distance relationship kami, anong magagawa ko, kailangan kong suportahan ang pangarap niyang maging sikat na modelo. "Hon please? Alam mo naman eto na ang pinaka big break ko!" Tampo ba o excited niyang sagot? Kinuha ko ang alak na nasa tabi ko at nagsalin sa baso. Ikaw lang talaga ang sandalan ko noh? " Yeah. Congrats and I'm so proud of you, always remember that. Pero hindi mo naman maalis sakin ang ma miss kita. Lalo na kapag nandito ako sa kama natin." Napakagat ako sa labi pag naalala ko ang katawan niya. Ang sexy at ang hot kaya ng girlfriend ko. " Hon, syempre me too. Super I miss you na, lalo na yang hot body mo. " Medyo malandi at mapang akit niya pang boses, ayun nyun eh! Kaya papano ako makaka recover sa init na nararamdaman ko ngayon?! "Kung ganon hon, umuwi ka na dito at naghihintay na ang kama natin at syempre ang katawan kong ikaw lang ang inaasam. Sabi ng kama, miss na miss niya na tayong dalawa." Pilyo kong sabi tinawanan niya na naman ako at biglang may narinig akong tumawag sa kanya. "Naughty! Bye for now hon. Be good boy always ha! Si cha-cha yung baby natin palagi mong aalagaan okay! I love you so much." Sasagot na ko nang I love you too, pero pinatay niya na agad ang tawag. Binato ko ang cellphone ko sa sofa. Buti pa yung shitzu palagi niyang kinakamusta. Lumapit ako kay cha-cha at binuhat siya. " Yung mommy mo talaga miss na miss ko na. Sana bumalik na siya para makasama na natin siya ulit." Hay! Baka mabaliw ako nito kung lagi ang kausap ko si Cha-cha. Matawagan ko nga si Niel. "Bro, kita tayo sa bar ko ngayon. Wala kong ka s*x pwede ka?" Pagbibiro ko sa kanya lakas din kasing mang gago nito eh. " G*g* kaskas mo sa pader! Wag mo kong idamay sa katarantaduhan mo! Pagod ako ikaw na lang!" Hindi ko to mapipilit eh! Dahil mas madami tong babae kesa sakin eh. Inend ko agad ang tawag ko sa kaniya walang kwenta. Mag isa na lang akong lumabas nang nakarating na din ako sa bar na pag mamay ari ko. Walang pang ilang minuto na umupo ako sa counter para uminom may agad lumapit na saking babae. Sila yung mga babaeng pang kama talaga eh! s**t ang hot! "You are Diego right?" Tumango lang ako. Para kunyaring walang interes. "Free ka ba ngayon?" Mabilis akong lumapit, hindi ko na pinagsalita at hinalikan ko agad. Nakita kong napangisi siya sa ginawa ko. Binigay niya agad sakin ang susi ng kotse nya. Eh di biglang liko na! Alex POV Nang ma iuwi ko na si Tatay sa bahay namin pinaliguan at ginamot ko ang mga galos niya agad para hindi ma-infection. Nakatapos na din siyang kumain para makainom ng gamot kaya dinala ko na siya sa kwarto niya para makatulog na ng maayos . Nang ihihiga ko na siya. Bigla siyang parang may naalala. Kinuha niya bigla ang teddy bear na paborito ko. "T-tatay m-mahal si b-baby Alex s-sobra! A-ayaw ko may sakit si Alex, kaya kuha kita pagkain." Palagi niyang inuulit to at tatayo pa siya para lumabas ulit pero pinigilan ko siya. "Tay, pakinggan mo po ako ah. Si Alex po malaki na po at ako po yun. Si Alex na ang mag-aalaga kay Tatay. Hindi ka pababayaan ni Alex Tay, kahit kailan." Tumango ang tatay ko at humiga na. Inayos ko muna ang kaniyang kumot saka hinalikan siya sa noo. Lumabas na ko ng kaniyang kwarto para makapag pahinga na din ako dahil maaga pa ko bukas para magbanat ng buto. "Bestie, bakit kasi hindi mo na lang ilagay si Mang Totoy sa mental institute. Para hindi ka mahirapan at laging nag aalala." Nakalimutan kong nasa sala pa pala tong mokong na to kumakain ng dala niyang pagkain para samin. Palagi niya na lang sinsabi yan. Pero wala naman siyang magagawa kung ayaw ko. "Kumain ka na lang diyan. " Mariin kong sabi sa kaniya at umupo sa tabi niya. " Alam mo na naman ang sagot ko diyan diba? Hindi baliw ang tatay ko. " Kumain na nga ang mokong. Palagi na lang tong kumakain dito pero okay lang kasi siya naman bumibili ng pagkain pero walang plato sa kanila ata. May inabot siyang pera sakin. "Wag na itago mo nga yan! May sarili ka ding pangangailangan noh!" Binalik ko yung pera sa kanya at agad naman siyang lumabas. Ganito to eh! Kaya hinaltak ko sya. Nilagay ko yung pera niya sa loob ng kaniyang bag. "Kulit mo noh! Okay lang sakin wala naman akong pagkakagastusan eh. Sige na bestie tanggapin mo na to. Kapag di mo to tinanggap mawawalan ka ng gwapong bestfriend." Napailing ako sa sinabi niya saka natawa ako kung makapanakot eh. "Takutin ba naman ako? Baliw neto." Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at ngumiti ako sa kanya. "Salamat." Sabi ko dahil napaka matampuhin nito kapag hindi ko tinanggap ang bigay niya, hindi ako papansinin nito at ayokong mangyari yun dahil siya lang ang pinaka malapit kong kaibigan. "S-sige na kita na lang tayo bukas. Maaga pa tayo bukas." Biglang iwas niya ng tingin. Problema nito? " Sige ingat ka dyan ah!" Sabay kaway ko sa kanya at tumango lang siya. Kinaumagahan madaling araw pa lang gising na ako, kailangan ko pa kasing tumulong sa palengke. Para may kita na din ako kahit papano. Pagkatapos kong maligo. Pinuntahan ko muna si tatay at hinalikan ko siya sa noo. Nang palabas na ko nakita ko si Nanay Merlyn na nagwawalis ng tapat namin. "Nanay Merlyn! Iwanan ko po muna si tatay ah. Tutulong lang po ako sa palengke magtinda." Magalang kong sabi at binuhat ko ang inigib niyang tubig sa poso. "Hay! Nakung bata ka! Bitiwan mo nga yang balde at tatawagin ko si Pendong! Kaya walang nanliligaw sayo eh! Akala kasi tomboy ka! Kaya mga natatakot kasi baka masapak mo sila." Natawa ko sa sinabi ni Nanay Merlyn. Saka napakamot ng ulo. "Nay alam mo naman po na wala akong panahon para dyan at saka ayoko po ng mga love love na yan. Hindi po totoo yun." Tumawa si Nanay sa sinabi ko inabutan ako ng kape at pandesal. " Kumain ka muna bago magpunta sa palengke, tutal naman wala pa ang mga biyahero don at maghihintay ka pa ng matagal!" Hinatak din ako papunta sa lamesa nilang nasa labas. "Thank you po Nay." Nahihiya kong sabi dahil para ko na din tong nanay mula noon pa. "Ay naku! Nak, alam mo kasing ganda mo ang nanay mo!" Bigla akong nawalan ng gana at napansin ni Nanay yun. "Pero nak mas kamukha ka ni tatay mo pa din." Ngiti nya sakin na alam ko naman pinapagaan niya lang ang loob ko. "Bestie! Good morning! " Tawag sakin ni Bestie na may dalang plastic. "Ano yan? At saka bakit ang aga mo dito mamaya pang tanghali pasok natin sa school diba?" Sabay upo sa tabi ko ng biglang lumabas si Kuya Pendong. "Ang aga ni lover boy ah! Ang aga mong manligaw ah!" Tumingin ako kay Bestie na parang nahihiya at tumingin sakin. Biglang sinubo niya sakin ang pandesal sa bunganga ko. "Kumain ka na lang tinitignan mo pa ko eh." Nakangiting sabi niya at ngumiti din ako. Nasa palengke na kami tinulungan ako ni bestie magbuhat ng mga gulay. Halata sa kilos niyang medyo hindi niya kaya. May kaya kasi sila sa buhay pero ang bait niya dahil nakikisama pa din siya sakin. "Bestie sabi ko naman sayo na wag mo nang tanggapin tong mga panglalaking trabaho na to. Nagkakaroin ka na ng mga muscle" Tumawang sabi nya sakin at hinampas ko nang bimpo. "Eh ano naman kung magka muscle ako? Bakit iiwasan mo na ko kapag nagkaron ha?!" Kinuha nya ang gulay na hawak ko at siya na ang nagbuhat. Inagaw ko yun at itinuro ko na lang ang mga ibang natitira. Natapos na din kami sa pagtulong sa palengke at kahit papano binyaran ako. May pang tanghalian na kong maiiwan kay nanay Merlyn para kay tatay. Tapos yung binayad kay bestie binigay naman nya sakin. "Pano bestie uwi muna ko. Maliligo na ko, sunduin na lang kita mamaya." Tumango ako at nagkahiwalay na kami. Nag lakad lakad muna ko para pampalipas oras na din. Dahil gusto ko munang mapag isa, para makapag isip isip. Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. Ang hirap ng buhay namin ng tatay ko pero ayos lang basta kasama ko siya. Napatingin ako sa isang sasakyan na hindi naka park sa tamang lugar, teka yung lalaki nanakawan ng mga batang hamog. Kumuha agad ako ng pamalo na nakita ko sa bangketa. "Hoy! Kayo duyan! Tigilan nyo yan ah!" At biglang tumakbo yung mga batang hamog pagdating ko dun. Bakit kasi nakabukas ang bintana nito? "Hoy kuya! kuya! Gising! " Tinapik tapik ko at nagising naman ito. Pero halatang lasing ata to, kaya nakatulog. "What do you want? Ha? Boy. " Aba gago to ah. Nakuha pang sabihan ako ng boy! "Kuya muntikan ka ng pagnakawan ng mga batang hamog dito. Gumising ka na dyan!" Saka ko siya niyugyog At bigla nyang inayos ang upo nya na parang nahimasmasan, lumingon siya sa paligid saka ngumiti ng iiling iling. "Ah okay." May kinuha sya sa tabi nya nakita ko wallet at may kinuha siyang pera. "Here, para sayo yan, boy. " Nagulat ako ng binato niya sakin yung pera at saka pinaharurot niya ang kaniyang kotse, Aba gago na yun ah! Pag nakita ko ulit to humanda to sakin! Kung makikita ko pa nga siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook