Alex POV
Magiliw ko silang inanyayahan pumasok sa loob ng bahay namin. Nakakatuwa talaga sila dahil hindi mo makikitaan sila nang pagiging hindi komportable. Sa kilos nila para silang hindi mayayaman walang mga arte sa katawan.
"Ahm. Good morning po sa inyo. Pasensya na po kayo sa bahay namin maliit lang pero wag po kayong mag alala malinis po dito, mukhang luma lang po talaga itong bahay." Nahihiya lang talaga ako kasi baka bahay lang ng alaga nilang aso to eh, kung may alaga nga sila.
Inayos ko ang mga pagkaing dala nila kaso sobrang dami nito kaya tinawag ko si nanay Merlyn at para tulungan akong mag ayos, kumuha din siya ng isa pang lamesa dahil hindi talaga kasya ang lahat, si Diego pa ang nagbuhat ng lamesa at ibang upuan, hindi man lang siya nainis dahil baka madumihan ang suot niyang mukhang mamahalin.
Napalingon ako kay tatay na lumabas na pala ng kaniyang kwarto na nakaayos siya. Alam niya bang may mga bisita kami ngayon?
Nang makita ito ng mama ni Diego para siyang nabigla at kinikilala ang tatay ko, pero nagbago din naman ang tingin niya niya kay tatay siguro may naalala lang siyang kakilala na kamukha ni Tatay.
"Tatay ko nga po pala. Pasensya na po kayo may sakit po kasi siya." Bigla kasing natulala si tatay agad. Paiba iba kasi siya nang mood pero yung pagwawala ang di niya naman ginagawa.
Nqbigla ako nang tumayo si Diego at nagmano sa tatay. Marunong pala tong gumalang, sa bagay kita sa mga magulang niya na mabait ang mga ito pero sa isang to, di ko lang alam pa din. Maging si Dianne ay nagmano din at umupo na. Pero si Diego hindi pa din umupo at naglahad pa ulit ng kamay kay tatay.
" Diego Madrigal po Tay. Fiance po ako ni Alex, kinagagalak ko po kayong makilala at maging pangalawang ama." Ano ba talagang nangyayari dito? Parang wala naman sa usapan namin to eh! Gulong gulo na ko sa mga kinikilos nila!
"Young man, I like your guts. I hope you na maalagaan mo ang anak ko."
Ngumiti si Diego sa sinabi ni Tatay at saka tumango tango. Pati si tatay ang gulo na din eh.
" How are you now?" Nagulat ako sa Tatay ko na nakatingin sa mommy ni Diego. Bakit ganon ang pananalita niya? Magaling na ba siya o dala ng sakit niya? Bakit niya tinanong yun sa mommy ni Diego? Nagkatinginan kaming lahat pati ang daddy ni Diego at nagtataka siguro sa kinilos ni tatay para sa kaniyang asawa, pero nawala din nang biglang natulala ulit si tatay.
"Baka po may napanood po si tatay na kamukha niyo po maam sa t.v.. Kaya po naging ganiyan reaksyon niya kasi ganyan po siya minsan sa mga nasa labas." Pagsisinungaling ko para naman hindi sila mag isip ng kung ano ano. Tiningnan ko si tatay at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Galing talaga ng tatay ah! May pag english ka na ngayon po ah? Dami mo nang natutunan ah! I love you po." Nakangiting puri ko kay tatay ko.Pero napalingon ako sa kanilang lahat na nakatingin pala samin ni tatay at nakangiti sila.
"T-Tara kain na po tayo" Nailang naman ako don, kasi mukhang naaliw talaga sila samin ni tatay.
Nasa hapag kainan na kami maliit lang ang sala namin pero nagkasya naman kami at mukha naman naeenjoy namin ang pagkain.
"When is your wedding day son. Dapat bago kayo ikasal ni Alex ay mapakilala muna na natin siya sa mga relatives and close friends ng family natin. We need to set a formal engagement party para naman hindi mag
bigla ang mga kakilala natin. " Naubo naman ako sa sinabi ng daddy nitong mokong na to. Seryoso pala talaga sila sa mga binabalak nilang kasal kasal na yan? Sana man lang tinanong nila ko diba? Pag aari na ba nila utak at isip ko?
"Ahm, lalabas lang po kami saglit ni Diego. Excuse me lang po. " Paalam ko at tiningnan ko si Diego na mag uusap kami. Sumenyas siya na kumakain pa daw siya. Nilakihan ko siya ng mata.
"Diba sweet heart? Lalabas tayo bibili tayo ng softdrinks diba?" Madiin kong sabi sa kaniya nang nakangiting fake at halata naman niya siguro sa hilatsa ng mukha ko na hindi talaga natutuwa sa nangyayari. Nang gigigil na ko talaga sa kanya kaya mabilis akong lumabas at naka sunod naman na siya sakin.
"Anong ibig sabihin nito Diego? Bakit kayo nandito ng pamilya mo? " Mariing kong tanong pagkalabas na pagkalabas namin.
" Ano na naman to? Anong trip to? Wala ba kayong ginagawa sa mga buhay niyo kaya ang pagtripan ang katulad ko ang trip niyo ngayon? " Nakakainis na talga. Biglang lumungkot ang mukha niya ayan na naman siya!
"I need your help Alex. Kailangan nating magpakasal, as soon as possible! Please please." Gago na to help ba yung magpakasal? Hindi ko nga siya lubusang kilala eh.
"Akala ko ba okay na tayo kagabi? Anong kasal kasal na yan? Ayoko! Hindi ako papayag." Nag crossed arm ako sa kanya habang nakairap, tingin niya ba sa kasal isang malaking joke?!
"Please naman please sige na Alex. Tatanawin ko tong malaking utang na loob " Pag mamakaawa niya sakin ano siya hilo?
" Hindi ka maagrabyado sa usapan natin na to, nangangako ako sayo! Babayaran kita! Iaahon kita dito, kayo ni tatay. Please naman Alex! Ngayon lang ako nagmakaawa sa buong buhay ko, sobrang laki lang talaga nitong gulong nagawa ko. Please." Napabuntong hinga ako sa pakiusap niya, ayoko siyang balikan ng tingin dahil nakakaramdam ako ng awa kapag ginawa kong tingnan siya.
" Eh ayoko nga kahit anong pakiusap mo! At wala kang magagawa dun! Oo mababait kayo pero hindi naman pwede na ganon ang maging basehan ko para tulungan ka sa gusot na nagawa mo! Masasaktan ang girlfriend mo, di ka ba nag iisip?! huh!" Sigaw ko sa kaniya dahil naiinis na ko.
" Bakit Alex may problema ka ba sa rich boy na to ha?" Singit naman ni Kuya Pendong na narinig pala ang sigaw ko. Nakita kong tinititigan niya si Diego mula ulo hanggang Paa. sa itsura pa NMN ni Diego maangas kaya papatulan niya si Kuya kung sasaktan siya nito, kahit makuyog si Diego dito kawawa pa din ang mga tao dito dahil pag pera ni Diego ang gumana, masasaktan na sila Kuya , makukulong pa.
" Wala naman Kuya, goods kami nito, nagpa-practice lang kami about sa thesis, diba noh! " Sabi ko ng hinawakan ko sa braso si Diego na ang angas pa ng tingin sa kaharap niya kaya niyugyog kong sumang-ayon na lang sa sasabihin ko. At mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya tumango na lang siya.
" O ano Alex! payag ka na ba? Sige na Lex, payag ka na, naman oh! Please, please." Nakakatuwa ang mukha niya habang nagmamakaawa sakin. Napangiti ako sa itsura niya.
"Ayokoooooo!" sigaw ko sa kanya. Thats my final answer! Never! Hindi ako makakapapayag!