Chapter 4

2012 Words
Alex POV Nandito pa din kami sa lugar na kung saan ginaganap ang party niya. Naiwan ako dito sa lamesa na ako lang ang nakaupong mag isa, ang sasarap din ng mga pagkain nila dito. Nawiwili din naman akong tinitingnan siya habang kinakausap ang mga kaibigan niya, eh sino pa ba ang titingnan ko, siya lang ang kakilala ko dito. "Hi! Alex." Nawala amg titig ko sa grupo nung lalaking may birthday dahil sa pagkabigla ko sa taong nasa harapan ko. Naglahad ito ng kamay at magiliw na nakangiti. "By the way I'm Danica Madrigal, Mommy ako ni Diego. Soon to be mother in law mo!" Nginitian ko siya ng kimi, pero hindi ako plastik. Base kasi sa itsura niya at sa mga ngiti niya, hindi ito plastic at mukha talaga siyang mabait. Ang ganda niya kahit may edad na siya, bakas pa rin sa itsura niya ang ganda nang nakaraan. Hindi ko magawang hawakan ang kamay niyang nakalahad kasi madumi yata yung akin, nakakahiya. Pero ang bastos naman kung hindi ko siya kakamayan. Kaya pinunasan ko na lang muna ang aking kamay saka ko inabot ang kamay niya. Grabe ang lambot nakakamangha, samantalang sakin konti na lang eh parang sand paper na. "Hello po. Nice to meet you din po Ma'am Danica." Medyo nahihiya kong bati sa kaniya, Kinakabahan yata ako, kasi naman ang social nitong mga nandito. " Hi! Ate Alex. I'm Dianne, only sister ni Kuya." Ang bait din nitong kapatid niya at nakipag kamay pa din sakin. " Hello din sayo." Malugod kong bati sa kaniya. Grabe mga tao ba tong mga to o maniquin. Ang kikinis ng mga kutis eh! Yung tipong hindi kilala ang salitang tigyawat at peklat! " Hello. I'm Diego Madrigal Sr. Syempre ang gwapong tatay ni Diego, my dear." Natawa ako sa pagka cool ng tatay niya. Infainess pogi talaga siya para siyang mala Ian Veneracion ganern! " I think. Mahal mo ang anak namin m, malakas ang pakiramdam ko na aalagaan at mamahalin mo ang anak ko." A-ako mahal anak nila? Saan banda eh naipit lang naman ako sa sitwasyon kanina. " And gusto ka din namin iha para sa anak namin. I like you so much kesa naman kay Samantha na pinapaasa lang ang anak ko palagi ." Naiiritang bigkas na sabi ng daddy nung lalaking may birthday. Nakita kong siniko nung mommy niya yung daddy niya na parang sinesenyas. "Oh! I'm sorry. Wag mong awayin si Diego. Baka mamaya mag away kayo dahil lang sa past niya! Wag kang magseselos." Makulit niyang sabi sabay kindat sakin. May saltik din ata pamilya talaga nila. Ang hirap ng mayaman ka tapos ganyan pala. Nagkwentuhan lang kami magdamag nang pamilya nong may saltik. Pampalipas lang siguro ng oras para naman hindi naman ako mainip, madami silang kwento sakin about sa anak nila na wala naman akong pakelam, in short hindi naman ako interesado. Maya maya nagpaalam na ang mga bisita at kaibigan niya. Ilang oras din ay sumunod nang umuwi ang pamilya niya. Ang babait nilang lahat. Parang hindi galing sa mayayamang angkan. Naiwan kaming dalawa don. Ano? Wala siyang balak umuwi? Ako meron. Nakayuko lamang siya na may hawak pa ding alak sa kamay. Nakakaawa naman ang isang to. Nilapitan ko siya at tinapik sa likod. "Kuyang may saltik masyado ng gabi, okay ka naman na siguro diba? Sisibat na ko ha!" Paalis na ko nang hilahin nya ko sa kamay at inilapit sa kanya. Luh! Hilig talaga nitong manghaltak na lang bigla. "What did you say?" Galit na galit niyang sabi sakin. Nakakatakot yung matatalim niyang mga mata. Hala! nagalit ata nang sinabihan kong may saltik. "S-sorry ikaw kasi eh! Puro kapraningan yang ginagawa at sinasabi mo eh, Sorry na!" Sabi ko sa kanya at yumuko siya ulit. Nakakabahala naman tong tao na to mamaya bigla na lang akong sakalin nito at itapon sa ilog ang katawan ko. Mayaman pa naman sila, madali lang sa kanilang magbayad. "I'm not angry when you said na may saltik ako. Kasi sometimes ganon talaga ako." Ayon naman pala tama naman ako dun. Atleast inamin niya. " I'm hurt nang sinabi mong. You leave me. Please stay with me. I need someone na makikinig sakin. I don't know who you are. But i trusted you a lot at hindi ko din alam kung bakit, basta alam ko palagay na ang loob ko sayo. I need your help please." Hindi man lang niya ba naisip na hindi ako nagtitiwala sa kaniya. Pero nakakaawa lang talaga to eh. Tumango na lamang ako at saka inakay siya palabas ng bar. Ako na ang nag drive sa kaniya dahil baka mamaya sa sobrang kalasingan nito mabangga pa kami. Nandito kami ngayon sa gilid ng Manila bay, papalipad daw muna siya ng kalasingan dito, okay din naman sakin na dito na lang at least kahit anong gawin niya sakin makakapalag agad ako. Habang nakaupo siya ay nakatingin lamang siya sa karagatan na parang litong lito at hinanghina. Napakalalim ng iniisip niya at mukhang napaka bigat ng nararamdaman niya. Kumuha ako ng balut at binuksan ko para kainin dahil para din akong nanghihina sa nakikita ko sa kaniya. Nakakaboring namang samahan namin na to titigan lang sa dagat na madumi pa! May kalakasan ang pag higop ko sa sabaw kaya napalingon sya at don ko na nakita ang mga ngiti niya. "Gusto mo? Sabi ng tatay ko kapag daw nanghihina ka kumain ka daw ng balut pampalakas. Oh! gusto mo?" Inabot ko sa kaniya ang hindi pa bukas. Umiling siya at ibinalik ang paningin ulit sa malayo. "I can't eat that. Why so many filipino loves eating that freaking food?" Sabi niya na parang nandidiri sa balut. Feeling naman nito! "Hoy! Masarap kaya to! Lalo na yung sisiw, masarap din tong penoy kung ayaw mo ng balut, lagyan mo lang ng asin at suka, solve na. Sandali ipagbubukas kita." Pinukpok ko sa ulo niya yung penoy. Nabigla siya sa ginawa ko at mukhang nagalit. "Ouch! Why are you hurting me?!" Sigaw niya sakin ng malakas at mukhang napipikon. Natawa ako ng malakas sa reaksyon niya, para siyang batang sinaktan. "Crazy! Bakit ba ang mahihirap mga baliw?" Sabi niya ng may pang iinsulto at may ngisi sa mga labi. Aba! " Bakit kayong mga mayayaman may mga saltik kayo?" Tawa ko ulit nang may panunuya saka siya tumayo. "Bakit kayong mahihirap madami sa inyong magnanakaw? At walang ginawa kundi manggoyo, drug addict and worst nagbebenta nang laman para lang mabuhay. " Seryosong sabi niya sakin. Tinitigan ko sya nang mas seryoso. "Bakit wala bang mayayamang ganid ha? Matanong ko lang? Ang mayayaman karamihan sa inyo Drug Lord diba? and worst kayo din ang nag uumpisa ng child trafficking dito! Sus mayaman na nga kayo nagnanakaw pa kayo! " Aba! Akala nito papatalo ako sa kanya? Hoy! palaban ata toh! Kapal ng mukha tinulungan ko na nga lalaitin pa buong angkan naming mga mahihirap! "Kayo mga hampas lupa patay gutom at walang makain. Kaya lahat ginagawa niyo para lang kumita. Magnakaw o kaya mamantala ng mga tao! " Nasampal ko siya sa sinabi niyang yon bigla. Pasalamat siya ako lang ang nakarinig nun! Dumayo siya samin baka nakuyog pa siya. Hindi ko mapigilan ang pagka inis ko kinuha ko ang basket ko. Ayoko sa lahat ay hambog. Ako na nga itong ginambala niya eh! Eto pa ang kapalit! Wala akong paalam na umalis sa tabi niya. " Hey! Look im sorry! Napikon lang ako kasi pinukpok mo ko eh! Kaya ko lang nasabi yun Alex! Please. I'm sorry." Sabi niya pero hindi ko nilingon at dirediretso lang ako sa paglakad. Wala akong panahong makipag gagohan sa kaniya. Hinarangan niya ang dadaanan ko nang May mukhang nakakaawa. Huminto ako saka tinitigan siya ng pagod at galit. "Alam mo ikaw. Ang galing mong umangal sa ginawa ko. Pero ikaw, hindi mo man lang ba naisip kung ano nararamdaman ko? Buhat kanina para kong tanga sa mga pinag gagawa mo! Pero dahil naawa ako sayo pinagbigyan kita! Ni hindi mo nga ako tinanong kung sang ayon ako eh! Basta ka na lang nagdesisyon ng ganon ganon lang." Nabibwisit kong bulyaw sa kaniya. Napakamot lang siya ng ulo na parang tanga o tanga talaga to! "Sorry na nga. Sorry. Ilang sorry pa ba kailangan kong sabihin ha? Para mapatawad mo lang ako. " Sabi niya sakin ng may malungkot na mukha. Naawa naman ako. Kinuha niya ang penoy na hawak ko at binalatan saka niya kinain. Nanghingi pa ng asin at suka nagustuhan niya din yata. "Sige na nga. Bati na tayo." Nakangiting sabi ko sa kaniya saka bumalik kami sa dati naming pwesto. Nakalipas ang ilang oras. Katahimikan lang ang bumalot samin at tanging pagkain lang ang ginawa namin. "Ano ba kasing nangyari sa inyo ng syota mo?" Basag ko sa katahimikan nakakaantok na kasi para din naman may idea ako. "Ewan ko ba? Napikon lang ako kanina kaya yon. Gumawa ako ng desisyon na hindi pinag iisipan." Hindi na masyadong malungkot ang mukha niya kesa kanina. Baka medyo maluwag na ang dibdib niya. "Bakit kasi kailangan magmadali ka? Hindi ka na ba makapag antay?" Para naman tong malapit nang ma dedbol Natatawa talaga ako sa kaniya dahil para sa kaniya ang laki ng problema niya. Bat kasi pag love ganiyan jusme! "Actually medyo. Kasi miss na miss ko na siya. Sobrang mahal ko lang talaga ang girlfriend ko." Nakangiting sabi niya. Grabe pala tong ma in love baliw. Ganyan ba talaga ang taong nagmamahal? "Sabi ng tatay ko kapag mahal mo daw ang isang tao dapat matuto ka daw maghintay at magtiyaga. Kasi mahal mo nga eh diba? Kaya kahit matagal o mahirap lahat gagawin mo para strong relationship kayo. " Akala mo talaga alam ko pinagsasabi ko eh, pero sabi naman kasi talaga yon ng tatay ko kapag matino siya. "Papanong magiging strong kung di mo naman katabi?" Tanong niya sakin nang naka taas ang kilay. "Ayan! Ayan! Hindi mo alam? Yan ang kulang sayo eh! Madaming ldr na tumatagal. Kasi sinusuportahan ang bawat isa. May f*******: tayo! Pero kung hindi talaga kaya! Sundan mo kung nasan siya." At tumango lang siya. Ganon lamg yon sa haba ng speech ko. "Hindi ako makapaniwala." Sabi niya at nag unat siya ng katawan. "Na meron akong instant fiancee." Sabay lingon niya sakin ng naka ngisi. "Oh! Pano uwi na ko! Itong singsing susubukan ko sa sabon para maalis. Okay! Antok na ko eh." Dumukot sya ng wallet at kumuha ng pera. Ang kapal ng perang hawak niya. "Wag na! Joke lang yung kanina." Sabi ko dahil Okay na sakin yon kanina. Gift ko naman na yun sa kaniya. Birthday naman nya eh. "I insist. Dinistorbo kita sa paghahanap buhay mo. Sige ka. Kapag hindi mo to tinanggap ibibigay ko sa mga rugby boy dyan. I'm not kidding." Nang hindi ko tatanggapin bigla siyang naglakad. Akmang tatawagin ang mga batang lalaki na mga naka upo. Bigla ko siyang pinigilan. "Sige na nga akina! Kesa naman sa kanila pinambibili lang nila ng pang bisyo. Thank you! Sige bye." Saka ako kumaway at nagkahiwalay na kami. Kinabukasan nagising ako sa hindi naman malakas na katok sa pinto kaso sunod sunod. Pinagbuksan ko agad kasi baka sila nanay Merlyn to. Halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sakin ang mga magulang at kapatid ni Diego na ubod ang mga ngiti. Nakita ko din na pinagtitinginan silang lahat sa labas ng mga kapitbahay namin at nang mga ibang tambay sa labasan. Ganito pa naman dito kapag marong mga bagong salta, pero meron palang nasa likod nila na mga tanod at mga pulis. Ano nga bang ginagawa nila dito at bakit nagpunta pa sila dito? Medyo kinakabahan ako kung bakit sila nandito hindi ba sila nakausap ni Diego? Pero mas na bigla ako nang lumabas sa likuran nila si Diego nang ubod ang ngiti at kalamadong lumapit sakin saka nagbeso. "Good morning sweetheart! Nandito kami para mamanhikan sayo.Nasaan na nga pala ang tatay? " Napanganga ako sa mga sinabi niya, ano na namang problema nito? Akala ko ba okay na kami kagabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD