Chapter 3

2224 Words
Diego's POV "Bro! Happy Birthday!" Bati sakin ni Niel na may mga kasamang chiks sa dalawang gilid niya. "Thanks Bro." Sabay nag fist bomb kami. Saka ko nilahad ang palad ko sa kanya. "What is that?" Takang sabi nya sakin at maang maangan pa niya. "Bro, nasan na yung regalo mo sakin?" Biglang tumawa ang loko loko at kumuha ng alak saka tangkang iinomin. "Bro, putek ang yaman mo na! Hindi mo na kailangan ng regalo!" Ah ganon pala, ang yaman yaman walang regalo. Kinuha ko yung alak na hawak niya bago nito mainom. "Putcha ang bastos mo Bro! Eto regalo mo, langya ka!" Natatawa siya sa ginawa ko. Saka inabot niya sakin ang susi ng kotse na regalo niya. Alam niya naman kung anong gusto kong regalo eh. Maya maya sabay dumating si Vince at Luc. "Happy birthday Bro." Sabi ni Vince na may inabot sakin. Putcha lupet ng regalo rolex at isa pang susi ng kotse. Sabi na nga buti na lang ito ang mga kinaibigan ko eh. "Happy birthday playboy! Nasa account mo na yung gift ko para kapag nag ka aids ka na. May panggamot ka." Nanunuyang sabi ni Luc. Nagtawanan yung tatlo. Mga gagong to! " Problem Bro?" Tanong ko kay Luc na saglit lang tumawa. Mukha kasing problemado na naman yung ganyang itsura niya. "Si Janine kasi hindi ko nakikita sa bahay. Palaging busy sa company ng Mommy niya." Napangiti ako at nagkatinginan kaming tatlo. "In love ka na bro! Wag na kasing cold husband." Tawanan ulit kami at bumuntong hinga si Lucas in love na nga si gago. May naalala ko nilabas ko ang box sa bulsa ko. " Bro wag mong sabihing mag po propose ka na sakin? Putcha hindi tayo talo! Kadiri! " Gagong Niel to ang lakas mang alaska. "Taemo bro hindi sayo! I think im ready to settle down with Samantha." Natulala silang lahat sa sinabi ko at ngumiti. "Bro congrats! Tapos na ang pagiging play boy mo!" Sabay sabay nilang sabi sakin. Taena kahit mga loko loko to mahal na mahal ko tong mga to! Bago ako malasing umalis muna ko saglit sa bar. Nasa restaurant ako na paborito naming kainan ni Sam maaga pa naman. Usapan namin na dito kami magkikita. Saka magkasama kaming babalik sa bar. Syempre para i announce ang special na gagawin ko. " Sir may i take your order?" Pang limang beses na kong tinatanong ng waiter dito at Limang oras na kong naghihintay. Wala pa ding dumadating na Sam. Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong sinagot dahil magpapasundo siguro to, mali din kasi ako ng diskarte eh. "H-hon, I'm sorry." Kumunot noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Baka dahil late sya. "Okay lang Hon. Kahit malate ka pa, I'm waiting you here. Don't worry maaga pa naman." Sabi ko sa kanya medyo kinakabahan ako sa sinabi niya pero alam kong dahil lang naman dun. "Hindi yun Hon. I'm not coming today nagka problem kasi eh kaya hindi na ako pinayagan." Parang nagpintig ang tenga ko sa narinig mula sa kaniya. Napahawak ako sa sintido ko dahil sa inis. "What? Ganon na lang ba ko para hindi mo man lang ako unahin kesa sa trabaho mong yan huh? Mas importante pa ba yan kesa sakin?" Galit ang naramdaman ko sa kaniya. Ano lang ba ko para sa kaniya? "I-im sorry talaga Hon. Babawi ako." Ngumiti ako nang may inis. Lecheng pag bawi yan! "No! You know what? Akala ko ikaw na ang babaeng para sakin pero hindi pa pala. Dapat magpopropose ako ngayon sayo eh. Pero hindi ka dumating sa importanteng araw ng buhay ko. So anong akala mo? Magmamakaawa pa ko sayo! I'm tired! Madami akong kayang ipag palit sayo at ito ang tandaan mo! Kung sino ang una kong makitang babae sa labas. Yon ang yayain ko mag pakasal. " Ni loud speaker ko dahil sa inis ko. Pag labas ko may nakita agad akong babae at hinatak ko. "Problema mo? Kuya!" Putcha yung tomboy to ah! Bakit ba lagi kaming nagkikita nito?! "Listen carefully Samantha." Narinig ko sa kabilang linya ang pagmamakaawa niya. Hindi nya kilala ang taong hinayaan niyang mawala. Sana pinahalagahan niya ko kahit sa araw man lang na ito. Kinuha ko ang box sa bulsa ko at lumuhod. Tumigil ang mga tao sa paglalakad at mukhang manonood samin. Ang iba ay kumuha pa ng mga cellphone para siguro i-video ang ginagawa ko. "Will you be my wife? Please. Will you marry me?" Nakakatawa yung mukha ni tomboy bakas sa kaniya ang pagkagulat at hindi malaman kung ano ang gagawin. " Hoy! May saltik ka ba huh!" Halatang inis na inis siya sakin. Pero kailangan ko siyang makumbinse. " Ayie! Yong girlfriend pakipot pa!" Sobrang makasigaw ang mga tao sa paligid sa amin na sobrang kinikilig. "Oo nga Ati, payag ka na! arti naman nito." At lahat ng tao nag kantiyawan na at nakakatuwa sya dahil gulong gulo na siya sa nangyayari! Pinipigilan kong matawa. "Please?" Kinuha ko ang kamay nya. Lahat ng mga tao nagkakagulo na. "Mag uusap tayo mamaya ahh!"Galit na bulong nya at tumango ako. "Okay oo na! Payag na ko!" At sinuot ko yung sing sing dun sa tomboy at nagpalakpakan ang mga tao. Napahawak siya sa kaniyang noo at iiling iling. Na nagtataka sa kung ano siguro ang ginawa ko. "You heard that? Bye Sam." at pinatay ko na ang call at inakbayan ko si tomboy kinurot ako sa tagiliran. " Humanda ka sakin mamaya!" Bulong niya habang kinakamayan ang mga taong binabati sya. Medyo kinabahan ako pero bahala na! Alex POV Grabe ang sakit na ng paa ko kakalako nitong balut! Umupo ako saglit sa bangketa at hinilot ang binti ko. Ang sakit na kasi eh. Nakakita ako ng ice cream parlor tumayo ako para bumili. Nang mapawi naman ang pagod na nararamdaman ko. Palapit na ko sa bilihan nang ice cream kaso biglang may humatak sakin. Teka eto yung lalaking mayabang ah! May hawak na cellphone ang gago. Kapag yan nahablot sa kanya hindi ko na tutulungan to. May dinukot sya sa bulsa isang red na box na maliit saka lumuhod. Anong ginagawa niya? Tumingin ako sa paligid huminto yung mga tao. Grabe nakakahiya naman to! "Will you be my wife? Please will you marry me?" Napanganga ako at nakikita kong pinipilit nang gagong wag matawa. "Hoy may saltik ka ba huh?" Yun nalang nasabi ko lakas mag trip eh sasapakin ko na to eh. Tapos narinig kong naghihiyawan na ang mga taong nakikiusyoso samin. Baka mamaya mas lalo pang dumami. Mukhang hindi naman to tatayo kaya tumango ako. " Oo na pumapayag na ko!" Lagot talaga to sakin. Nagulat ako ng nahawakan niya ang kamay ko. Ewan ko bakit biglang parang may kuryente na pumasok sa katawan ko. Siguro kasi dahil sa galit. Sinuot nya sakin ang singsing. Ang ganda at ang laki ng batong nakaukit! Halatang mamahalin pero wala akong pakelam leche na to! Dali dali ko siyang hinatak sa walang taong nakaka kita. "Anong ibig sabihin nun huh? Gago ka!" Pinagpapalo ko sya at sinuntok habang sinasalag niya naman. "Ako pa ang pagtripan mong gago ka! Halika dito! Anong problema mo sa buhay ha? Walangya ka!" Hinaltak ko siya nang lalayo siya sakin at pinaghahampas ulit. "Wait lang aray aray!" Bwisit ka ah! Anong akala niya sakin laruan para pagtripan. "Tinulungan pa naman kita anong tinira mo ha?! Adik-" Hahampasin ko pa sana ulit nang bigla kong nakitang lumungkot ang muhka niya. "Sorry ah. Birthday ko kasi eh." Muhja siyang nakakaawa pero hindi sapat na dahilan yun para pagtripan ako. Umupo siya sa isang bench. "Ah! Kaya ginawa mo yun para sa birthday mo." Tumabi ako sa kanya. " Nagpapa viral ka ba? Kasi malamang nasa lahat na ang videos natin, di ko pinangarap maging blogger! "Hindi dahil sa birthday ko. Nangako kasi yung girlfriend ko na uuwi pero hindi nya ginawa. " Napa hawak ako sa aking noo. Ang daming problema sa mundo at ekonomiya ng Pilipinas tapos ayan lang naman pala ang problema niya? "Alam mo kuya ang babaw! Dapat ikaw na lang nagparaya ikaw magpunta dun kung nasan lupalop man yang jowa mo! Hindi yung mandadamay ka ng tao para pagtripan lang. " Tumingin siya sakin ng malungkot saka humugot ng malalim na paghinga. "Hindi ako pwede. Busy akong tao. Alam nya yun at saka pano ko pupuntahan yun eh? Hindi nga pwedeng malaman na may boyfriend siya." Ano ba yang relasyon na yan mga baliw lang. Meron pa lang ganon? "Ah ganon ba? Tigilan nyo na yang relasyon nyo. Sige kuya alis na ko papatawarin na kita tutal naman birthday mo ngayon. Happy birthday eto na lang regalo ko sayo." Binigay ko yung balut sa kamay niya na may asin. Inaalis ko yung singsing pero ayaw nang maalis sa daliri ko. "Ayaw maalis nung singsing mo, sa kamay ko." Tumingin sya sakin at tumayo sa pagkakaupo na parang nabahala na hindi ko maisoli ang singsing, hindi ko naman to gusto noh! "Kailangang maalis mo yan sa daliri mo! Sa Mommy ko yan." At lumapit sya sakin kinuha yung kamay ko at pinilit alisin ang singsing sa daliri ko. "Aray! Dahan dahan naman." Hinablot ko ang kamay ko sa kanya. "Bwisit ka kasi! Anong klase ba kasing pangtitrip yun ha? Nagpropose ka nang hindi mo kilala? Oh pano yan paghinanap ng nanay mo itong singsing?" Bigla niya kong hinatak nito. Ano ba nangyayari sa mundo ngayon ? Nakapagsimba naman ako kanina ah! "Hoy! Hindi ba uso sa inyo yung magdahan dahan kung makahila wagas lang eh noh!" Naku kung hindi lang nito birthday na sapak ko na to eh. At dinala niya ko sa kotse pumasok siya sa loob binuksan nya ang pinto. "Hop in!" tignan mo kung makautos pa akala mo kung sino. Pero sumunod naman ako baka may solusyon siya na makakaalis nitong sing sing. "Hoy san tayo pupunta? Madami pa kong gagawin! At saka tignan mo naman ang dami ko pang paninda!" Tahimik lang siyang nakatingin sa daan. Huminto kami sa isang bar na di kalayuan. "Tara! Bumaba ka na diyan." Binuksan nya ang pinto ng kotse nya at sumunod naman ako. Hawak hawak ko pa din yung basket ng balut ko pumasok siya sa loob at naiwan ako sa labas. Dahil hinarangan ako ng mga guard. "Hoy! tomboy bawal dito vendors. Alis hindi mo ba nakikita no vendors allowed!" Teka, eh di aalis. Gusto ko din bang pumasok diyan. Biglang may humawak sa kamay ko. "Sir pasensya na! Pinapaalis na po namin." Sabi ng guwardiya sa kanya tinignan nong lalaking kasama ko yung guard. " Pwede siya dito. Because she is my fiance." Nabigla ang mga guard sa sinabi nong lalaki at inakbayan ako. Napa subsob tuloy ako sa dibdib niya. Ang bango naman nito syete. "Ang bango mo pala kahit pangit ka at tomboy eh noh?" Aba gago to ah! Pasalamat talaga to birthday nya eh kundi nasapak ko na to talaga eh. Anong tingin nya sakin porket ganito damit ko may putok na ko. Ang daming nagsasayaw buti hindi nila ko tinatamaan. Dahil nakaharang tong lalaki na to sakin, lahat binabati siya ng happy birthday. Umakyat kami sa second floor ata nitong bar. Pumasok kami sa may pintong may nakalagay na private room. Pag pasok namin nasa likod niya lang ako. Narinig kong sumigaw ang mga nasa harapan niya. "Happy birthday!" May compety pa na nalaglag sa ulo ko. May mga bumabati sa kanya ulit. Saka parang may inabot sa kaniya. " By the way guys. I would like to introduce my fiance and soon to be my wife. " Ah! mic pala yon, hala ano bang sinasabi nito? Malamang nandito na siguro yung girlfriend nya! Wow ang laking tanga neto may surprise pala sa kanya nalungkot pa. May tumili akong naririnig, yung iba namang mga lalaki kinakantyawan sya. Lahat masaya para sa kaniya at hinila niya ko sa mula sa kaniyang likuran at dinala sa kaniyang gilid. " My fiance." Hinanap ko yung sinasabi niyang fiance. Ang nakita ko lang ang babaeng may dalang cake. Pero ang bata naman ata nito. Hindi naman ppwede yung katabi ng babaeng bata. Medyo matanda na eh. Wala naman sa mukha nitong lalaki na papatol sa nanay na lang niya. Hinanap ko pa din yung sinasabi niya baka natatakpan sa gilidan. Hinigpitan nya ang akbay nya sakin at nilapit ang bibig nya sa may tenga ko. Biglang tumaas yung balahibo ko sa katawan nang naramdaman ko yung hangin na lumabas sa bibig nya. "What is your name?" Tinuro ko yung sarili ko papakilala niya sakin siguro yung fiance niya para hindi sila mag away. "Alexandra Cruz - Alex for short." Sabi ko at tumango lang siya. "Guys my fiance, Alexandra Cruz soon to be my wife." At inalis nya ang cap ko. Lumaglag ang mahaba kong buhok. Itinaas niya ang kamay kong may singsing natulala ako sa sinabi niya. Pati ang mga nasa harap naming mga kaibigan at pamilya nya siguro ay halatang gulat na gulat. Inakbayan nya ulit ako at kinausap nang mahina. "Makisakay ka na lang babayaran kita." Sabi niya sakin na pilit ang ngiti sa mga taong nasa harap namin. "Adik ka sisingilin kita nang malaki sa ginawa mo!" Mahina ko ding sabi sa kanya. Habang nakangiti kong sabi sa mga taong nasa harapan. Ghad ano ba tong nangyayari sa buhay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD