“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito.
“Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa.
Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng kanyang nobyo.
Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pinto at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha.
“Nakita mo na ang pagiging iresponsable mo, Denice? Nang dahil sa katigasan ng ulo mo ay maraming nadamay na inosenting tao! Ano ang meron sa lalaking ‘yun at nagpapakatanga ka!? Kung hindi pa nangyari ang problemang ito ay hindi ko pa malalaman ang mga kalokohan mo? Hindi ko alam kung saan kami nagkulang ng daddy mo! Binigay ko ang lahat ng gusto mo! Sinuportahan ko pa ang lahat ng mga nais mong gawin sa buhay pati ang mga kalokohan mo ay pinagtatakpan ko pa sa iyong ama!
Halos patayin namin ang aming mga sarili sa pagpapalago ng kumpanya para lang masigurado namin ang kinabukasan mo. Tapos ito pa ang malalaman ko? Ito pa ang igaganti mo sa lahat ng pagsusumikap namin para sa ‘yo!?
Ni isa sa mga exam mo ay wala kang naipasâ! At madalas pa ang pagka-cutting classes mo kasama ang walang kwentang lalaki na ‘yun!?” Umiiyak na sa matinding galit si Tita Cynthia, nakadama ako ng awa sa kanya dahil kitang-kita ko ang paghihirap ng kalooban nito. Marahil ay natuklasan na niya ang lahat ng mga kalokohan na pinaggagawa ng kanyang anak.
Naumid ang dila ko, dahil aminado ako na may kasalanan ako sa mga nangyayari kay Denice. Nangako kasi ako kay Tita Cynthia na ire-report ko ang lahat ng mga ginagawa ni Denice. Pero anong ginawa ko? Nagpadala ako sa mga pakiusap ni Denice, at pinagtakpan ko ang mga maling gawain nito.
Galit na hinagis ni tita Cynthia ang kanyang bag sa mahabang sofa at puno ng pagkabigo ang mga mata na tumingin ito sa kanyang anak.
“I’m sorry, Mommy...” umiiyak na sabi ni Denice habang tahimik akong nakatayo sa tabi nito.
“Tell me, saan kami nagkulang, anak? Pakiramdam ko ay napaka walang kwenta kong ina!” Pagkatapos iyong sabihin ay humagulgol na ito ng iyak, nanghihina na napaluhod pa ito sa sahig habang sapo ng dalawang kamay ang kanyang mukha. Maging ako napaiyak din dahil sa matinding awa. Umiiyak na lumuhod si Denice sa tabi ng kanyang ina bago mahigpit na niyakap ito.
“Mom, I’m so sorry, pangako magbabago na po ako. Patawarin mo ako.” Hinging paumanhin ni Denice sa kanyang ina. Ramdam ang matinding pagsisisǐ mula sa tinig nito. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko ng ma lalo pang lumakas ang hagulgol ni tita Cynthia na wari mo ay nahihirapn na itong huminga.
Matinding emosyon ang bumabalot sa mag-ina, dahil ng mga oras na ito ay walang tigil ang paghingi ng tawad ni Denice sa kanyang ina.
Halos inabot ng ilang minuto bago kumalma mula sa matinding emosyon si Tita Cynthia. Katamikan.
“Nasaan si Rhed, Denice?” Maya-maya ay tanong ko, ngunit, bigla itong natahimik at hindi kaagad nakasagot habang nakatitig ang mga mata nito sa sahig.
“Ang magaling na lalaking ‘yun, pagkalabas kahapon ng hospital ay kaagad na umalis ng bansa ang kanilang buong pamilya!” Si Tita Cynthia ang sumagot sa tono na tila nanggigigil, hindi makapaniwala na tumingin ako sa mukha ni Denice.
“Paano pa natin siya ipapakulong kung wala na sila sa bansa?” Nag-aalala kong tanong, maging ang mag-ina ay biglang natahimik.
“Don’t worry, Iha, sigurado ako na hindi habambuhay ay matatakasan niya ang batas. Ang mahalaga ngayon ay mapatunayan ninyo na inosente kayong dalawa ni Denice sa oras na buksan muli ang kaso.” Malumanay na sabi ni Tita Cynthia, dahil sa sinabi nito ay nanatili pa rin ang tiwala ko sa kanilang mag-ina at umaasa ako na malalampasan namin ito ni Denice.
Kahit masama ang loob ko sa aking kaibigan ay sinikap ko pa rin siya na unawain, lalo na at buntis ito. Pasalamat na lang kami at pansamantalang dinismiss ng hurado ang kaso dahil ayon sa mga abogado nito ay hanggang ngayon wala pa ring malay ang biktima. Isa pa sa naging dahilan ay hinihintay pa raw ang pagdating sa bansa ng ina nang biktima.
“Iha, huwag ka ng magalit sa kaibigan mo, pinapangako ko naman sayo na hindi kami sisira sa pangako namin sayo. Kukuha ako ng magaling na abogado para sa inyong dalawa ni Denice. At sisiguraduhin ko na ni isa sa inyo ay walang makukulong.” Ang mga salitang ito ni Tita Cynthia ang tangi kong pinanghahawakan kaya kahit paano ay naging kampante ang loob ko.
———————————————-
“Saan ka na naman galing, Louise? Hindi ba’t sinabi ko sayo na tigilan mo na ang pakikipagkita mo sa pamilya ni Denice? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” Galit na tanong ni Melody sa kanyang anak na kasalukuyang papasok pa lang sa pintuan ng kanilang bahay.
“Mom, huwag ka ng magalit, at isa pa, mabait naman si tita Cynthia, nangako siya na ikukuha niya kami ng magaling na abogado.” Malumanay kong sagot ng hindi nawawala ang paggalang.
“Paanong mabait? Nagawa nilang pagpalitin ang pwesto ninyo ng lalaking iyon para lumabas na ikaw talaga ang nagmamaneho ng sasakyan. Kung talagang may malasakit sayo ang kaibigan mong iyan ay hindi niya gagawin ang bagay na ‘yun. Sa ngayon ay ligtas ka pa, pero tandaan mo Louise, ilang buwan na lang ay nasa tamang edad ka na. Dahil sa ginawa nila sayo ay ikaw ang madidiin sa kasong ito.” Matigas na pahayag ng aking ina, malakas ang tahǐp ng kanyang dibdib kaya batid ko na matindi ang galit na nararamdaman nito.
“Anak, nagsisimula pa lang ang lahat, tandaan mo sa kalagitnaan pa lang ng unos ay doon mo makikilala ang totoong tao sa paligid mo. Napaka inosenti mo sa lahat ng bagay kaya madali sa kanila ang diktahan ang isip mo.
Anak, para sayo ang lahat ng sinasabi kong ito, pakiusap, makinig ka naman sa akin, dahil ako na ina mo ang higit na nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sayo.” Naluluha na pahayag ng aking ina, tila natunaw ang puso ko dahil sa mga sinabi nito kaya nakukunsensya na niyakap ko si Mommy sabay bulong nang, “I’m sorry, Mom, promise hindi na po mauulit.” Ani ko sabay halik sa makinis niyang pisngi.
Mahigpit na niyakap ako ni mommy na parang akala mo ay naghehele ng isang sanggol.”