Kanina pa nakatitig si Matteo sa batang ginang na gusto raw kumausap sa kanya ayon sa Tita Menchie niya. Gusto raw siya nitong pag-aralin sa magandang eskwelahan at itira sa mas maayos na bahay. Mula nang iwanan siya ng ama sa poder ng Tita Menchie niya ay palagi niyang dinadalaw ang Papa niya. Ipinagtapat na sa kanya ang totoo na hindi ito nadestino sa malayong trabaho kung hindi ito ay nasa bilangguan. Ang sabi ng Papa niya ay si Ferdinand del Rio ang nagpakulong dito pero mali ang ibinibintang nito sa ama. Ito rin daw ang dahilan kung bakit namatay ang Mama niya. "Kausapin mo na. Mukha namang mabait," pagpipilit ng Tita Menchie niya nang atubili siyang lapitan ito. Ang laging bilin sa kanya ng Papa niya bukod sa tapusin ang pag-aaral kahit mahirap ang buhay ay ang huwag magti

