Lumikha ng malaking balita ang nangyaring pagkakabaril kay Ferdinand dahil nagbabalak itong tumakbong Mayor sa Quezon City. Kailangan niyang maipanalo ang kaso laban kay Bernard at hindi niya ito maaaring palabasin sa kulungan dahil lilikha pa ito ng ingay na maaaring ikasira niya. Mula sa ika-labing-anim na palapag sa isang malaking ospital sa Quezon City kung saan siya dinala para magamot ang tama ng baril sa balikat ay tinanaw niya ang labas. Ang sabi ng security guard ay maraming reporter ang naghihintay sa kanya sa ibaba, nagbabakasakaling makakuha ng impormasyon tungkol sa dahilan ng pagkakabaril niya. Kailangan niyang malusutan ang balitang iyon at mapabangong muli ang pangalan niya. May ilang istasyon ng radyo at telebisyon na siyang binayaran para huwag nang ibalita pa ang

