Chapter 9

1506 Words

Sa isang sulok ay umiiyak ang batang si Matteo. Parang pinipiga ang puso ni Bernard sa nakikitang pag-iyak ng anak habang si Rina ay nakahimlay sa kabaong at pinaglalamayan na. Naubusan ito ng dugo habang itinatakbo sa ospital dahilan para bawian ito ng buhay. Naghihinagpis siya sa nangyari sa asawa pero kailangan niyang unahin ang burol nito at ang kapakanan ni Matteo na higit na naapektuhan sa mga nangyari. Nawalan ito ng ina sa isang iglap lang. Pagkatapos ng libing ni Rina ay ibibilin niya si Matteo sa malapit na kamag-anak para maharap niya si Ferdinand at pagbayarin sa lahat ng ginawa nito sa pamilya niya. "Pinabibigay ni Sir Ferdie, Bernard," wika ng isang kasamahan sa ahensya na may iniabot sa kanyang brown envelope. "Hindi ko kailangan ang pera niya!" galit niyang wika na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD