"Bakit balisa ka yata, mahal?" tanong ni Bernard sa kanya kinabukasan. Madaling araw na rin siyang nakatulog pero maaga din siyang nagising dahil kailangan niyang asikasuhin si Matteo na pumapasok nang maaga sa St. Paul College kung saan ito na-enroll ni Ferdinand. Sa kabila ng bigat na nararamdaman ay kailangan niyang kumilos nang normal. "Naulanan yata ako kahapon kaya masakit ang ulo ko," pagdadahilan niya. "Inutusan na naman ako ni boss na magdala ng dokumento sa isang kasosyo niya, baka gabihin ako mamaya." Napahugot siya nang malalim na hininga. Alam niyang gumagawa na naman ng dahilan si Ferdinand del Rio para mailayo si Bernard sa tabi nito at makuha ang gusto sa kanya. Dapat ay nakaalis na ito papunta sa opisina pero nakita niyang nasa hardin pa ito kanina at nakasuot pa

