"Rina, dalhin mo raw sa silid ni Sir Ferdie 'tong mga papeles na naiwan niya sa kotse," utos ng isang katulong sa mansyon ng mga del Rio. Ala una pa lang ng hapon kaya't nagulat siya nang biglang dumating si Ferdinand gayung maghapon naman ito lagi sa opisina. At bukod sa maaga nitong pagbalik sa mansyon ay hindi kasama si Bernard na naiwan pa daw sa opisina. Dala ang envelope na iniabot ng isang katulong ay umakyat siya sa silid ni Ferdinand. Nagulat siya nang datnan itong nakasando at boxer shorts lang. Agad niyang inilayo ang tingin dahil sa pagkailang. "Pinadadala niyo raw ho ito?" tanong niya saka iniabot ang envelope sa amo. Hindi nito kinuha ang hawak niya pero lumapit ito sa kanya. "Iwanan mo ang asawa mo, Rina," wika nito bago hinaplos ang mukha niya na agad niyang iniiwa

